Page 3

12 1 0
                                    

HALA KA! OW EM JI!

*angels singing hallelujah*

*sparkling background*

*raining flower petals*

*rainbow rays everywhere*

*bubbles everywhere*

Naibaba ko tuloy yung hawak ko habang bahagya yata akong naka-nganga. Eh...keshe nemern...aheheheher...may...isang...nilalang...na...ubod...nang...gu-wa-po ang pumasok sa entrance ng canteen na ito. Kilala ko 'to eh. Siya kasi yung...

HALA KA! HMYGDDSFHAALWAFDAAKDSDFKGL!!! TUMINGIN SIYA SA AKIN! WAAAAAAA!

Yung puso ko sobrang lakas ng kabog!!!

Aba'y syempre. Nararapat lamang na ako'y tingnan niya sa mata dahil, ako lang naman ang legal wife niya.

Yes, mga people. Ahihihi. Bongga diba?

Pero syempre, chos lang yun. Lande. Hindi ako assumera huh. Aba, mahiya naman siya, porket gwapo sha gumegenyen sha? Hehehe.

Kadiri.

Baka isipin niyo, makerengkeng akong babae. Excuse me. Study first ako.

Nakapamulsa lang naman siyang umalis kaagad. Ay ano ba yan?! Kabilis naman. Parang shunga lang. Feel niya lang yata umapak sa entrance ng canteen?

Hays. Sa susunod ko nalang siya ipapakilala kung sino talaga siya. Para may surprise effect. Ahihi.

Ipinagpatuloy ko nalang yung lunch ko. Para makapagreview na rin ako kaagad. May quiz pa kasi eh. Hays.

12:11 pm. Sa Room.

Ok! Game! Review!

Dito ako pu-pwesto sa likod. Para tahimik at para makapag-concentrate akong mabuti.

Umupo ako nang maayos at nagsimula nang magbasa ng notes.

"Brylle, gusto mong sumama?" Tiningnan ko kung sino yung nagtanong at si Borga Liscious ito.

"Ha? Saan?"

"Sa computer shop! Laro tayong Friv!"

Friv?! Seryoso siya? Nagpapatawa ba siya? Feeling elementary ang ate niyo ha.

Ehem.

Oh no. Isipin mo ang kinabukasan mo, Brylle. Baka mawala ka nyan sa tamang landas!

"Sige na, Brylle. Tapos na kaming mag-review. Pakopyahin ka nalang namin mamaya. Ililibre ka pa kita! Kaya tara na! Tayo ka na!"

Huwag! Isipin mo ang tayo para sa edukasyon! Masama ang mangopya! Magsikap ka! Pag-isipan mo ito, Brylle. Isipin mo ang lahat ng sakripisyo ni Nanay at Kuya para lang makatapos ka sa pag-aaral! Isipin mo na sa halip mag-review ka, maglalaro ka pa ng online games? Huwag, Brylle! Huwag kang sasama! Isipin mo ang mabuti.

.

.

.

.

.

Ok! Napag-isipan ko na. Hindi na ako...








magre-review.

"Oh sige ba? Basta ba, libre mo ha. Turo niyo sa akin ang tamang sagot, kung paano niyo nasagot yun ha. Hihi."

Hehehe, babawi nalang ako sa susunod. Promise!

"Ok, tara na." 

Nang lumabas na kami, nakita ko pa sila Roro na naiiling habang nakatingin sa akin. Parang disappointed sila sa akin. Eh hala? Malay ko bang gusto pala nilang sumama at naiinggit sila na ako lang ang ililibre ni Borga? Hmm. Mukhang may friendship quarrel na mangyayari ah. Tsk tsk.

Sparks'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon