Page 4

15 1 0
                                    

"Hays! Sayang!"

Inis na sabi ko habang nakapangalumbaba sa armchair ko. Hinihintay lang namin si Ma'am Vivy na ipamigay yung mga test papers.

Hays! Kainis talaga, nanghihinayang ako dahil hindi ko natapos ayusin kanina yung bahay na ginagawa ko. Nilaro ko kasi yung Dolly Dollhouse eh. Nagandahan ako. Nagde-design kasi ng mga gamit sa bahay. Nasa bathroom designing na ako kaso time-out na at saka tapos na rin ang lunch time namin. Hays. Sayang talaga.

"Ok class, I'm back. Heto na ang test papers ninyo. Don't worry, madali lang ito. Syempre kung nakinig kayo sa akin nang mabuti at kung nagreview kayo nang maigi."

Paktay. Pasimple akong tumingin sa direksyon ni Borga sa bandang dulo. Kaasar! Ang layo niya, paano na ako makakakopya?! Huhu.

"Prepare 1 peso. Ballpen at test paper lang ang makikita ko sa ibabaw ng mga armchair ninyo. And, remember that it's better to fail with honesty than to succeed with cheat."

Omaygash. Naman. Talaga naman. Hays.

Sinimulan nang ipamigay ni Ma'am ang mga test paper. Nakatalikod muna ang mga ito at hinihintay namin ang go signal niya.

"Ok. You may now begin."


Tick.

Tock.

Tick.

Tock.

Nakakaloka na! Ibig kong maiyak habang tinitingnan ko lang maigi ang test paper ko. Yung iba, may sagot na...kaso hindi ko sure. Ang sure ko lang dito ay yung name ko, grade, section at date ngayon na nakasulat. Kaloka. Marami pa akong nilagpasan. Hays.

Nag-proceed nalang ako sa part 2 ng quiz. Yung part 1 kasi, identification. Etong part 2, fill in the blanks. Tapos yung part 3 na last, essay. Pamatay. Palaging last part talaga ay essay. Diba? Palaging last part ay ESSAY.

Takte. Ano ba 'to? Fill in the blanks. Pero ano ba ito. Blank space ang papel ko. Blank rin ang utak ko ngayon huhu.

No. Hindi dapat ako ma-depress. Nakakasira ng ganda. Think positive!

Napalingon ako sa katabi kong si Princess Bebelita. Naka-ramble kasi ang seating arrangement namin ngayon eh.

Umalis saglit si Ma'am. Hehe. Busy lang sa pagsasagot si Bebelita.

"Pssst. Bebe, ano yung sagot mo sa part one sa number one?"

Tumingin naman siya sa akin pero inirapan niya lang ako. Humarap naman siya sa kabilang side kung saan ay nakatalikod siya sa akin.

ABA MASUNGET!

Akala mo naman maganda. Huwag siyang gumaganyan ha. Hindi niya ikinaganda iyon.

Umirap din ako. Pero 'di ko kinaya kasi masakit sa mata. Hays. Masagutan nalang nga! May stock knowledge rin naman ako kahit papaano. Kaso hindi ko alam kung naka-stuck pa ba ito sa utak ko. Oha. Stock or stuck, basta alam ko ang pagkakaiba. Different spelling. Ha!

*after quiz*

Yeeeesss! Tapos na rin! Naiiyak ako sa magiging score ko.

"Climate yung sa number 5 diba?"

"Ako rin! Ano yung sa ten mo? Slope?"

"Ay oo! Yung sa pangalawang part?"

Sparks'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon