Page 1

31 1 0
                                    

*yawns*

Napakaganda ng sikat ng araw. Hehe, syempre kunwari lang yun, kasi 5 am palang naman ng madaling-araw. Advance na muna ako ngayon.

Ang ganda ng gising ko.

Ang ganda ng paligid.

Ang ganda ng langit.

Ang ganda ng aura.

Ang ganda ko.

*thunder sound*

Huh? Ang aga naman yatang uulan. Haaaayyy.

Kilala niyo na ba ako? *umikot na parang princess*

 I'm Brylle Faith Hope Luckie M. Camacho. Secret ko muna yung middle name ko ah. Di pa naman tayo close eh. You can call me Bry or Fai or pwede ring Hop or Luc for short. I'm living here in #143 Barbie Mabuhay Kah St. I'm still alive, 17 years of existence with elegance and beauty. Taray ko, english yan. 

Ang ganda ng name ko noh? Hihihi. Punung-puno ng positive vibes. Ang sabi kasi ni Nanay, nung ipinanganak daw ako, may nagtangkang kumidnap sa akin. Eh yung doktor, nagmala-hero ang peg. Sinapak niya yung kidnapper, eh hawak-hawak ako nung kidnapper, tapos nung nasapak siya ni Dok, tumilapon ako sa labas ng bintana. Nasalabak ako sa isang puno, tapos nahulog sa drainage canal, nadala ako ng agos nito sa Pasig River, tapos kinabukasan na ako natagpuan. Nakangiti pa nga raw ako nang bonggang-bongga nang makita ako nila Nanay eh. So, ayun. Totoo ito. Pangako, walang keme.

Sobrang swerte ko dahil nabigyan ako ng pagkakataon na mabuhay dito sa mundong ibabaw.

Minsan iniisip ko, swerte nga ba ako? Madalas kasi, puro malas ang nangyayari sa akin eh. Tulad nalang ng nangyari sa akin dati. May mga lasinggero sa kanto. Bibili sana ako ng isang Chiki Maxxx na candy. Nagulat nalang ako nang biglang tinaob nung lalaki yung mesa ng mga lasinggero. Tapos, nagsapakan na sila, at nagsabunutan. Sumigaw ako at tatakbo na sana pabalik, kaso natamaan ako ng hollow block sa ulo. Dalawang araw akong hindi gumigising nun. 'Kala ko nga, nagka-tumor na ako eh. Buti, 'di rin ako nagka-amnesia. Mga lokong lasinggero yun, eh bakit nagbabalibagan ng hollow blocks?! Kaloka. Tapos dati, naglalakad ako pauwi, galing sa school. Bigla akong nahulog sa manhole, dahil sa lalaking dumaan. Hindi raw niya sinasadyang mabunggo ako. Buti nalang, kinabukasan ay weekend. Hindi rin ako nagkaroon ng injury. Tapos, meron pa kong naaalala. Kalalabas ko lang galing Ministop, ay bigla nalang akong hinuli ng mga pulis. Kinabahan ako, dahil hindi naman ako nagnakaw at saka paano nila malalaman na nagnakaw ako? Isa pa, kahit mahirap lang ako, hinding-hindi ako magnanakaw noh! Pinosasan ako ng mga pulis, habang nagmamakaawa ako sa kanila at tinatanong ko sa kanila kung ano ang kasalanan ko. Tinuro ako ng aleng mukhang mayaman. Kinuha ko raw kotse niya. Carnapped. Bwisit na matanda na yun, mukha ba akong carnapper?! Magtigil nga siyang shunga siya. Sa ganda kong 'to hano. 'Wag siyang nambibintang kung 'di niya naman nakita. Matutong gumalang sa nakagaganda. Hays. Like, duh? Kaya ko bang mang-carnap? Sumugod sina Nanay at Kuya sa presinto at matapos ang paliwanagan na dinaig pa yung pinagsamang mga teleserye na 'The Half Sisters' at 'Be Careful with my Heart', ay nakauwi na rin kami ng bahay.

OA ko. Pero pramis, true iyon.

Sa lahat ng mga napagdaanan ko sa buhay, hindi pa rin ako sumusuko. Oo! Go fight win lang sa buhay! Go with the flow.

"ANAK!"

"KYAAAHHH!"

Nagulat naman ako bigla. Epal naman itong si Nanay.

"Hoy! Ano pa bang tinutunga-tunganga mo dyan? Kumain ka na at gumayak! Kabagal mo pa namang kumilos! The breakfast is ready!" bulyaw ni Nanay.

Hay nako, may nakalimutan na naman si Nanay.

"Eh! Nay naman! Diba sabi ko po senyo, kakatok ka muna sa kwarto ko bago pumasok? Where's the politeness, Inay?" nakapameywang na sabi ko kay Nanay.

Sparks'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon