The Author's Note: About this Story

190 8 0
                                    

Hi everyone! Maraming salamat sa pagsuporta sa Undead Chaos installments, ha?! Napakaraming salamat talaga sa lahat ng nagbasa, nag-add nito sa reading list nila, sa nagkomento at pati na rin sa mga bumoto sa favorite chapters nila. As of now, UC: TB has more than 11k read while UC: Armageddon has 8k. Tumatakbo din ang reading meter sa UC: Vendetta at UC: N.O.T. kaya very thankful talaga ako sa support ninyo.

First of all, i'm so sorry kung natagalan ako sa pag-post nito. Bukod kasi sa naging busy ako sa writing jobs (i still need money, you know) ay dumanas din ako ng author's block plus depression. Alam ba ninyo 'yung feeling na bigla ka na lang nalulungkot nang walang prior na dahilan? Ganun 'yung dinaranas ko, eh. XD

Setting those matters aside, binalak ko na just like Angel, sole protagonist dito si Khriz. However, since gusto kong subukang magkuwento in different story angles without using multiple First Person PoVs, may isang character na nag-pique ng interest ko: si Noir. Iyon 'yung dahilan kaya mapapansin ninyong may parts na tumatalakay sa buhay ni Noir.

The truth is, si Noir ang counterpart ni Edward sa story. Kung si Edward ay kilala bilang isang sundalong matindi ang katapatan na nakahandang magsakripisyo ng sariling buhay para sa kanyang bansa, si Noir naman ay isang upahang mandirigma (mercenary sa salitang Ingles). As we all know, mercenaries usually swear allegiance to no one except money. Sa madaling salita, may katumbas na halaga ang bawat misyong ginagawa nila. At since parehong dinanas ni Khriz na maging isang tapat na sundalo (SEALs) at operatiba ng Blackwater (na isang mercenary company), iyon ang dahilan kung bakit nakaka-relate siya sa magkasalungat na sitwasyon ng dalawang lalaki.

As for her part, gusto kong mag-focus sa isang concrete story plot kaya mas pinili kong magkuwento lang nang pahapyaw (hindi din ako sure kung may naikuwento ba ako XD) regarding her past. Don't worry, magugustuhan pa din ninyo 'to. :)

As for the whole story, mapapansin ninyo na nasa 3k words lang ang bawat chapter compared sa mga nauna. The truth is, balak kong i-edit ang UC Installments into 3k word-chapters for easy reading at publishing. Publishing ba kamo?! HAHAHAHA! XD

Nga pala, bago ka mag-umpisa sa pagbabasa nito, nais ko munang pag-usapan ang isang off-topic matter, that is, 'yung pagbuo ng fan pages sa social networking sites tulad ng Facebook concerning my stories in the near future. Para sa akin, kahit na gaano pa kaganda ang mga kuwentong isinulat ko, mas magugustuhan ko kung walang gagawa ng fan page regarding my works. Bakit ba kamo? Kasi, kapag binanggit ang salitang 'fan', ang ibig sabihin ay may nag-e-exist na isang 'idol'. At kahit na gaano pa kaganda ang kuwento ko, for me it's only WORTH READING AND NOT IDOLIZING. Sa madaling salita, I STRONGLY DISCOURAGE ANY FORM OF IDOLATRY. Bakit ba kamo? MALI kasi iyon. MALI. AS IN ABSOLUTELY WRONG. Ika nga, IDOLATRY IS A FORM OF SIN.

Kung meron man kayong dapat idolohin, iyon ay wala nang iba kundi ang Diyos na lumalang sa ating lahat. Kuwento lang ang mga sinusulat ko dito. Tanggapin ko man o hindi, makakalimutan din ng mga mambabasa ang mga kuwento ko pagkalipas ng ilang taon.

I'm not being negative towards my own works here. Ang gusto ko lang ay pumili kayo ng PERFECT EXAMPLE na magiging inspirasyon ninyo other than me or my written stories. Alam ko din naman sa sarili ko na hindi ako perfect para idolohin. At lubhang napakalaki pa ng room ko for improvement when it comes to writing kaya tulad ko, MY PRESENT WORKS ARE STILL FAR FROM PERFECT. And when it comes to perfecting my works, i think it's gonna take me a whole lifetime doing just that (May Wattpad pa kaya noon? XD).

Lilinawin ko din dito na wala akong pakialam kung mag-decide ang ibang mga manunulat na tulad ko na gumawa ng fan pages regarding their works. Ang primary concern ko lang dito ay 'yung mga gawa ko at hindi 'yung gawa ng iba. Hirap na din akong ayusin ang sariling buhay ko kaya wala na din akong time para pakialaman pa ang ginagawa ng iba. XD

- The Author, E.N. 007

P.S. Marami pa din ang umaasa na bubuhayin ko si Angel para may partner si Lance Edward at maging good ang ending. If you're gonna ask me, medyo gasgas na ang ganoong plot para sa 'kin especially kapag virus at zombies na ang pinag-uusapan. Ilan na ba ang napanood ninyong zombie movies at nabasang stories na binubuhay ang namatay na bida thru extraordinary means? I assure you that i can still make it a happy ending kahit na hindi ko pa buhayin si Angel. Sa paanong paraan?! Just wait and see. :D

Sorry din in advance kung may mababasa kayong typographical errors, ha?! Peace yow! XD

***

Undead Chaos: Omega (UC Book #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon