Taong Kasalukuyan, Zombie Day 193 +0700 Hours,
"That should do the trick," sabi ni Noir sa kanyang sarili matapos niyang pasukin ang computer system ng BioSynth Main Headquarters at patayin ang lahat ng security measures na nagsisilbing proteksiyon ng buong lugar. Iyon ay matapos niyang dispatyahin ang systems administrator at ang mga tauhan nito.
Bagama't malaki ang naturang gusali ay batid niya na hindi hangal ang mga kalaban upang magsagawa ng pananaliksik doon. Sa halip ay mayroon silang underground research facility, na mabilis naman niyang natunton gawa ng kanyang suot na thermal goggles.
Kasalukuyan siyang nakatingin sa mga surveillance monitor ng underground security nang makita niya si Khriz na nakakulong sa isa sa mga kuwarto.
Napangiti siya. "There she is," sabi niya sabay pindot sa switch ng locking mechanism ng kuwarto nito. "All that's left is to make a commotion and secure our escape."
Papalabas na sana siya ng underground security room nang mapansin niya ang footage ng isa sa mga surveillance monitor. Dahil dito ay agad niyang pinindot ang magnify button para makita niya nang malinaw ang naturang footage.
Mas lalo siyang napangiti pagkatapos niyang makumpirma ang bagay na tiningnan niya. "Sino nga naman ang mag-aakala na dito pa kita makikita, sa kabila ng sandamakmak na BioSynth research facilities na ginalugad ko?" sabi niya sa kanyang sarili. "Don't you worry. I'll be right there shortly," sabi pa niya bago tuluyang lumabas ng kuwarto.
***
Ano'ng nangyayari dito? Bakit biglang nawala ang mga bantay? tanong ko sa aking sarili habang naglalakad sa corridor ng research facility. Bagama't nawalan ako ng malay ay alam kong nakakulong ako sa isang underground base, ang bukod-tanging lugar na maaari mong pagtaguan lalo na kapag buong mundo na ang naghahanap sa'yo.
Pagkatapos kong matiyak na walang sumusunod sa akin ay agad kong pinasok ang pinakamalapit na locker room na nakita ko. Mabilis kong binuksan at tiningnan ang bawat locker doon. Mga ilang saglit pa ay nakasuot na ako ng t-shirt, asul na fatigues at isang pares ng combat shoes. 'Yun nga lang ay wala akong nakuhang sandata doon maliban sa isang maliit na combat knife at dalawang pepper spray.
I might as well make good use of these, naisip ko pa nang biglang may lalaking nagsalita sa likuran ko.
"W-Who are you? Identify yourself," sabi pa niya habang mabilis na papalapit sa akin.
Nang isang metro na lang ang layo niya ay agad ko siyang nilingon at binigyan ng pepper spray sa kanyang mga mata. Habang umiiyak siya sa sakit ay agad ko siyang binigyan ng uppercut, dahilan para mawalan siya ng malay.
Pagkatapos noon ay mabilis kong kinuha ang hawak niyang Glock 17, spare clips at dalawang smoke grenade bago ako tahimik na lumabas ng locker room.
"THERE SHE IS!" narinig kong sigaw ng isa pang lalaki. Nang mapalingon ako ay nakita ko ang mga bantay na nagsibunot ng mga baril kaya agad akong tumakbo nang mabilis papalayo sa kanila.
"Catch me if you can," bulong ko sa aking sarili matapos kong tumakbo at lumiko sa pinakamalapit na kanto. However, you all have to run faster, naisip ko pa.
***
"Matanong kita, Commissioner. Bakit kilala ka ni Death Noir? Saka bakit parang napakalaki ng galit niya sa'yo?" tanong ni Grace kay Commissioner Vargas habang bumibiyahe ang barkong Maine sa Mediterranean Sea. Balak nila kasing salubungin si Olivier at ang grupo nito bago pa ito makalabas ng Rhodes, ang islang pinagtataguan nito sa kasalukuyan.
Napabuntung-hininga naman ang matanda bago ito nagsimulang magkuwento sa kanya. "Dati niya akong Commanding Officer noong miyembro pa siya ng United Nations Peacekeeping Force na nakadestino sa Golan Heights," sagot nito. "Dumating ang panahon na nakubkob kami ng mga terorista sa lugar kaya nagplano kami kung paanong maipagtatanggol ang baseng kinalalagyan namin. Ngunit dahil sa lubhang napakalaki ng posibilidad na mamatay kaming lahat sa mangyayaring standoff, iniwan ko at ng iba pang mga matataas na opisyal sina Noir at ang iba pa para iligtas ang sarili naming mga buhay. Sa madaling salita, nilinlang namin sila."
BINABASA MO ANG
Undead Chaos: Omega (UC Book #4)
Science FictionLEGAL DISCLAIMER: All characters in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead (and in this particular case, UNDEAD), is purely coincidental. "Maybe this is the End. However, i've got no plans to go to Heaven yet."...