Taong Kasalukuyan, Zombie Day 124 +2000 Hours,
"PLEASE DON'T HURT HIM!" narinig ni Jake na sinisigaw ni Fanny habang binubugbog siya ng mga taong nakahuli sa kanila.
Kasalukuyan siyang nagmamaneho noon papunta sa kanilang rendezvous point ni Noir nang may bumanggang kotse sa kanilang sinasakyan, dahilan para bumaligtad ito. Nang magkamalay siya ay nakasandal na siya sa isang puno habang magkakatabi naman ang mga babae sa isang dako at binabantayan ng mga armadong kalalakihan.
"F**k**g Asians. You're too troublesome, all of you," sabi ng pinuno ng mga taong bumubugbog sa kanya. "How 'bout we enjoy ourselves with these girls while beating you up? Isn't that what you call a booty?" tanong pa nito bago tumawa nang malakas.
Tiningnan naman niya ito nang masama. "Just try to touch any of them and i'll make sure that your end becomes a lot worse than the zombies out there," banta niya.
"Such empty threats. Watch and learn from me, then," sagot naman nito sabay hatak sa buhok ng pinakabatang miyembro ng pop group. "This one looks good. Bon appetit!" dagdag pa nito.
Upang mapigilan ang lalaki sa kanyang masamang balak ay kinagat ng babaeng si Fanny ang braso nito habang hinatak naman pabalik ng isa sa kanila ang kanilang kasamahan at niyakap ito nang mahigpit para hindi na muling makuha pa.
"Y-YOU!" galit na sigaw ng pinuno ng mga lalaki pagkatapos nitong itulak si Fanny. Kasunod noon ay bigla itong bumunot ng baril para patayin si Fanny.
Bagama't nananakit ang buong katawan ay muli siyang humugot ng lakas at buong puwersang tumalon sa harap ng nakapikit na si Fanny, dahilan para siya ang tamaan ng balang papatay sana dito.
Sorry, Sir, pero mukhang hanggang dito na lang ako. Sayang at binigo kita hanggang sa huling pagkakataon, naisip niya pagkatapos maramdaman ang mainit na bala sa kanyang kaliwang dibdib bago tuluyang nawalan ng malay.
***
Sa kabilang banda...
Nagmamaneho noon si Noir nang makita niya ang tumaob na military jeep sa daan, ang mismong sasakyan na ginamit nila ni Jake papunta sa safehouse kaya agad siyang bumaba para tingnan ang loob nito. Nakahinga siya nang maluwag pagkatapos makumpirma na wala itong laman.
---
*Flashback*
"Where are the girls?" tanong niya sa manager ng pop group na kasalukuyan nang naghihingalo.
Umiling naman ito. "I-I don't k-know. Y-Your comrade...has t-t-taken them..." sagot nito. "I-I don't have...much time. Please...h-help...them," pakiusap sa kanya nito bago tuluyang namatay.
Naghintay pa siya ng mga ilang sandali. Nang muling dumilat ang manager ay nakumpirma na niya ang pagiging zombie nito. Doon lang niya ito sinaksak ng hawak niyang kunai sa noo.
Mga ilang saglit pa ay nasusunog na ang safehouse na pinagdalhan nila sa pop group.
*End of Flashback*
---
Agad niyang sinundan ang GPS signal sa mapa nang makita niya na may dalawang nakaparadang military truck malapit sa lokasyon ng pop group. Nang tuluyang makalapit ay may napansin siyang dalawang nag-uusap na bantay.
"Aww...they're now having fun while we're busy looking after those trucks," reklamo ng isa.
"Those girls. I bet they're still fresh," sagot naman ng isa pa.
BINABASA MO ANG
Undead Chaos: Omega (UC Book #4)
Science FictionLEGAL DISCLAIMER: All characters in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead (and in this particular case, UNDEAD), is purely coincidental. "Maybe this is the End. However, i've got no plans to go to Heaven yet."...