Prologue: Final Bow

101 6 0
                                    

Taong Kasalukuyan, Exact Date and Time Unknown,

"P-please...let me perform for the last time," pakiusap ng isang babae kay Noir habang abala siya sa pagsipat sa kanyang .357 Colt Python Revolver. "Please, Sir...let me live a little longer."

Seryosong tiningnan ni Noir ang babae. "Do you think that you can still perform after getting yourself bitten? Something bad is going to happen to you, Sica, and i must not allow that," kalmanteng sagot niya.

Dahil sa pagtakas niya para bumili ng damit kahit na dis-oras na ng gabi ay nakagat si Jessica, ang main vocalist ng isang sikat na pop group, ng isang gumagalang zombie nang dumaan siya sa isa sa mga ghetto area sa New York habang papauwi sa dormitoryong tinitirhan ng grupo. Wala pang ideya noon ang publiko sa pagkalat ng Sigma Virus sa lugar kaya nabiktima siya ng isa sa mga apektado nito.

Agad na ipinadala si Noir ng ICRC sa dormitoryo nina Jessica pagkatapos tumawag sa 911 ang isa sa mga kasamahan nito at sinabi ang tungkol sa hindi maampat na nagdurugong sugat. Halos hindi naman makapaniwala ang manager ng kanilang grupo sa nangyari sa main vocalist ng pop group.

Lumuhod sa kanya si Jessica habang patuloy na nakikiusap. "I'm really not the type who often does this thing but, for the sake of my fans, please...let me perform for the last time," muling pakiusap nito.

"It's not gonna work. Sorry," sagot naman niya sabay tutok ng baril dito. "Don't worry. The entertainment company has already been informed about your situation. It's only up to them whether to believe the report or not. But as for you, your entertainment career ends here."

Napatingin siya sa pinto nang biglang nagsipasok sa loob ng kuwarto ang mga kagrupo nito kasama ng kanilang manager. At tulad ng ginawa ni Jessica ay lumuhod din sila at nakiusap sa kanya.

"Please, Sir...grant her wish," apela ng isa sa mga babaeng kasamahan nito.

"Let her perform, please," sabi ng isa pa.

Agad namang tumayo ang isa sa mga kasama ni Jessica at hinawakan ang kamay ni Noir na walang hawak na baril. "I know that you're just doing your job, Sir. But just like you, Jessica has her own job to do. So if you kill her right now, the fans will surely become disappointed towards all of us. Do you really want her to die carrying that burden inside her heart?" apela sa kanya nito.

Kasunod noon ay biglang nag-iyakan ang mga babae.

Bahagya niyang tiningnan ang nakasabit na orasan sa dingding. Pagkatapos tumingin ay lumuhod siya at binuklat ang gasang nakatakip sa sugat ng babae. Napailing siya pagkatapos na makita ang kondisyon ng naturang sugat.

"When are you gonna perform?" tanong niya kay Jessica.

Napatingin naman ito sa kanya. "At seven o'clock in the morning, sharp," tipid na sagot nito.

Tumayo naman siya at nagsimulang lumakad papunta sa pinto. "I'll give you five more hours. And make sure that you cover that wound properly. However, be warned that your wound's going to become more painful so you might as well prepare yourself for that," sabi niya dito.

"So it means...?" tanong ni Jessica.

"Do your best," sagot niya bago lumingon sa kanilang manager. "Don't try to do anything stupid. One bad move and it will probably cost you your life, as well as the lives of the other girls," babala niya dito.

***

Naging matagumpay ang concert na ginawa ng pop group noong umagang iyon. Namangha ang lahat sa performance ng buong grupo lalo na ni Jessica, na sa sobrang energetic ay kinanta ang lahat ng kanyang bahagi sa kanilang mga kanta nang hindi gumagamit ng lip sync kahit na minsan.

Undead Chaos: Omega (UC Book #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon