Taong Kasalukuyan, Zombie Day 186 + 0425 Hours,
"Bro, maayos na nakaalis sina Commissioner nang walang masyadong kinakaharap na mga zombie. Ayon sa kanila ay malinis ang daan patungong airport kaya doon niya pinapunta ang rescue team na naka-standby sa Maine," ulat kay Noir ni Grace habang tahimik silang nagtatago sa loob ng compound.
Tulad ng plano ay nahati sa dalawa ang grupo. Sa ngayon ay binubuo sila ng apat na high-profile civilians, apat na sundalo mula sa European Union, apat mula kay Olivier, tatlo mula sa grupo nila at silang dalawa ni Grace. Ang apat na sibilyang kasama nila ay binubuo ng isang binata, isang dalagita at dalawang batang babae. Ayon sa intel ay prinsipe ang binata mula sa British Royal Family, ang dalagita ay apo ng Pangulo ng Italy habang ang dalawang batang babae naman ay mga anak ng Prime Minister ng Poland. Minabuti ni Noir na piliin ang apat na maiwan kasama ng grupo upang mailayo ang mga ito sa panganib na susuungin ng grupong kinabibilangan ng Commissioner.
"Ganoon ba? Mas maganda kung aalis na din tayo dito," sagot niya bago tumingin sa iba. "Prepare yourselves. We're getting out of here."
Tumayo naman si Grace. "Hmmm...maganda 'yang naisip mo. However, naisip ko na mas magiging madali kung kami lang ng mga tauhan ko ang aalis dito nang buhay kasama ang apat na 'yan," sabi nito bago lumingon at itinutok sa kanya ang hawak nitong baril. Manlalaban pa sana ang iba pang mga sundalo ngunit agad itong pinatulog at dinisarmahan ng mga tauhan ni Grace na kasama nila.
"Ano'ng ibig sabihin nito, Grace?" tanong niya sa babaeng sundalo at IT Expert ng grupo.
Seryoso siyang tiningnan nito. "Kung ako ang tatanungin ay wala naman akong personal na galit sa'yo," sagot nito. "Sa maniwala ka man o sa hindi ay dala lang ito ng trabaho, Brother Rivera. Or should i say, Death Noir?" dagdag pa nito.
Tiningnan naman niya ito pabalik. "Ngayon ay naiintindihan ko na kung paanong nagkaroon ng mga zombie sa loob ng USS Taft nang hindi napapansin ng mga bantay doon," sabi niya. "Let me guess, pinasok mo at pinakialaman ang kanilang security systems habang may kasama kang nagsasagawa ng pagpatay, tama ba ako?" seryosong tanong niya dito.
Napangiti naman ito. "Napahanga mo ako sa galing at bilis ng pag-iisip mo. Tama ang lahat ng sinabi mo," sagot nito. "Medyo natagalan si de Martin sa trabaho niya pero naging matagumpay naman siya sa paggawa ng alibi. It's just a shame na masyadong mabilis ang pagpatay ng mga sundalo sa mga zombie kaya hindi ko nagawang kopyahin ang nakuha nilang files concerning Sigma Virus at sa antiviral research na nasa kanilang main server."
"In other words, para lang makuha ang research files ay kinailangan pa ninyong kumitil ng mga inosenteng buhay?" muling tanong niya.
"Don't preach to me. I'm not looking for a priest," sagot nito. "Tulad nga ng itinuro sa atin sa ICRC ay kailangan nating magsakripisyo ng ilang buhay paminsan-minsan para sa ikabubuti ng mas nakararami. They're still gonna die anyway, no matter how many times we save them," dagdag pa nito.
Natawa naman siya sa tinuran nito. "Sa totoo lang, ang akala ko ay nababaliw na talaga ako gawa ng mga nangyayari sa paligid. But it turns out na walang-wala talaga ako kumpara sa takbo ng pag-iisip mo," sabi niya dito bago muling nagseryoso sa pagsasalita. "Ang isipin na ang buhay ng dalawang tao ay mas mahalaga kaysa sa isa...IYON ANG TUNAY NA KABALIWAN!" sigaw niya sabay sipa sa sikmura nito.
Babarilin sana siya ng isa sa mga tauhan ni Grace nang agad itong nilundag ng binatang prinsipe, dahilan para mabaling dito ang atensiyon ng iba pa. Sinamantala naman ni Noir ang pagkakataong iyon sa pamamagitan ng pagbunot ng baril niya at mabilis na pinaputukan ang mga tauhan nito, na agad namang namatay gawa ng tama ng bala sa sentido.
Pagkatapos gawin iyon ay agad niyang ginising ang mga sundalong kasama nila. Nang makarinig siya ng ingay sa labas na gawa ng papaalis na sasakyan ay saka lang niya napansin ang pagtakas ni Grace. Hahabulin pa sana ito ng mga sundalo nang bigla niyang sinenyasan ang mga iyon na huminto.
BINABASA MO ANG
Undead Chaos: Omega (UC Book #4)
Science FictionLEGAL DISCLAIMER: All characters in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead (and in this particular case, UNDEAD), is purely coincidental. "Maybe this is the End. However, i've got no plans to go to Heaven yet."...