Taong Kasalukuyan, Zombie Day 124 +0500 Hours,
"Masyadong naging action-packed ang araw na 'to para sa ating dalawa, ah," sabi ni Noir kay de Martin nang maiwan silang dalawa na nakatayo malapit sa emergency room ng USS Taft.
"Oo nga, eh. Medyo nakakapagod rin pala ang pagiging sobrang science-head," sagot naman ni de Martin. Katatapos lang kasi nilang gamutin ang bunsong anak ng Pangulo dahil sa nakagat ito ng isang zombie. Buti na lang at nagkataong nabawi nila mula kay Olivier ang bakuna at nakabalik sila nang maaga.
"Buti naman at na-realize mo 'yan. 'Yun nga lang, lubhang nakapagtatakang may nakapasok na infected, given the fact na masyadong mahigpit ang seguridad dito sa barko," sabi naman niya.
"Yeah right. Kung ako ang tatanungin ay hindi na ako magugulat pa na malamang may naganap na sabotage dito," sagot ni de Martin. "Pero sino naman ang posibleng gumawa noon at...ano'ng dahilan niya?" tanong pa nito.
"Well...kung ano man ang dahilan ng taong 'yon ay wala na tayong pakialam doon," sabi naman sa kanila ni Commissioner Vargas, na kasalukuyang nakikinig sa usapan nila mula sa likod. "May sarili silang mga imbestigador dito. Hayaan na lang muna natin silang kumilos."
"Sir, yes, sir!" sagot dito ni de Martin. "Nga pala, ano na po'ng gagawin natin ngayon?" tanong pa nito sa Commissioner.
"Katatanggap ko lang ng panibagong mission objective mula sa taas," sagot ng Commissioner. "Ayon sa kanila ay kasalukuyang hawak ngayon ni Dr. Rosseau ang mga miyembro ng Royal Family. Given the objective, inaasahan ang lahat ng able-bodied ICRC personnel na tumulong sa rescue mission kaya kailangan nating makaalis sa oras na matapos ang tune-up at refueling ng helicopter. Is that clear?"
"Affirmative," sabay nilang sagot ni de Martin bago sumaludo. Agad namang umalis sa harapan nila ang Commissioner pagkatapos noon.
Kung sino man ang may gawa nito, sigurado akong nais niyang patagalin ang nangyayaring kaguluhan, naisip niya.
Bigla namang nag-vibrate ang suot niyang relo kaya pasimple niyang binasa ang mensaheng nakapaloob doon habang nakatalikod sa kanya si de Martin. Nakaramdam siya ng galit matapos na mabasa ang mensahe kaya napakuyom ang kanang kamay niya.
"Looks like kinakailangan kong mag-iwan ng instructions regarding Ms. Girlie kaya maiwan na muna kita dito," sabi sa kanya ni de Martin bago umalis.
Kinuha naman niya ang kanyang GPS communicator at agad na nagpadala ng mensahe.
Re: Proceed to Sector 3A. Make sure that all of you are safe until i get there.
***
So this is where he lives, sabi ko sa aking sarili habang nakatingin sa isang tree house. Masasabi kong napakaganda ng location na 'yon dahil itinatago iyon ng mga madahong sanga ng isang mataas na puno.
"Sa tingin mo ba ay ito ang hideout niya?" tanong sa akin ni Dewalyn.
Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. "He's going to show himself here shortly," kampante kong sagot sa kanya.
Kinamamayaan...
"Huwag na kayong magtangkang kumilos pa nang masama," babala sa amin ng isang lalaking sundalo. "Ibaba ninyo ang inyong mga armas," utos pa nito.
"Magandang araw sa'yo, Lieutenant Cariño," nakangiti kong bati sa kanya. "Bakit hindi na lang ikaw ang magbaba ng baril mo?" maayos kong tanong sa kanya.
Magsasalita pa sana siya nang bigla niyang naramdaman na may baril na nakatutok sa kanya mula sa likod. Dahil doon ay napilitan siyang magtaas ng kanyang mga kamay.
BINABASA MO ANG
Undead Chaos: Omega (UC Book #4)
Science FictionLEGAL DISCLAIMER: All characters in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead (and in this particular case, UNDEAD), is purely coincidental. "Maybe this is the End. However, i've got no plans to go to Heaven yet."...