Ikapitong Kabanata: The Culling

47 6 0
                                    

Taong Kasalukuyan, Zombie Day 193 +0200 Hours,

"May balita na ba kayo sa whereabouts ni Captain Khriz?" tanong ni Charmaine kay Lieutenant Emilou habang nagpapahinga siya sa loob ng infirmary ng USS Taft. Kasalukuyang naka-cast ang kanyang kanang braso gawa ng nabaling buto doon.

Umiling naman ito. "Ayon kina ex-General Edmundo Forastero ay nagawa na nilang bawiin ang WESMINCOM Base mula sa mga sumugod na zombie. Na-check na din nila ang identity ng lahat ng mga natagpuang bangkay at kasama doon si General Maganto. However, hindi nila nakita si Khriz sa vicinity," sagot sa kanya nito.

Pumikit si Charmaine para mapigilan ang kanyang papatulong luha. "At this rate, wala akong mukhang maihaharap kay Edward. Ano na lang ang sasabihin ko sa kanya?" sentimyento niya.

Nginitian naman siya ni Emilou. "Ibinalita na namin iyon sa kanya. Ang sagot niya sa amin ay sigurado siyang buhay pa ang isang 'yon. Bagama't mataas daw ang posibilidad na may kumuha kay Khriz, palagay pa din ang loob niya na magiging ayos lang ang lahat," sagot nito.

Tiningnan naman niya ito. "At paano naman siya nakakasiguro? Ayos lang ba sa atin ang manatiling kampante lalo na kung totoong may kumuha kay Captain Khriz? Paano kung mga kalaban ang dumukot sa kanya?" sunud-sunod na tanong niya.

Napabuntung-hininga si Emilou bago siya sinagot. "I'm not entirely sure about her safely. However, i trust Edward's instinct. Alam mo naman ang dalawang 'yon...extraordinary ang bonding nila," sagot nito.

"Pagdating sa so-called 'bonding' na 'yan, maging ako ay curious sa kung ano ba talaga silang dalawa," sabi ni Charmaine. "Nang tinanong ko si Captain Khriz last time, ang sabi lang niya ay bestfriends/cousins/siblings ang relationship nila."

Natawa naman si Lieutenant Emilou sa sinabi niya bago muling napabuntung-hininga. "Yeah. Nakaka-relate ako sa kanilang dalawa since i also experienced the same thing. Napakahirap talaga ng sitwasyon nila, kung ako ang tatanungin mo," sagot nito.

Napatingin siyang muli dito nang may halong pagtataka. "Naiintindihan mo ang ibig sabihin ni Captain Khriz?" tanong niya.

"Ang ibig sabihin noon ay aware silang dalawa na soulmates sila. But somewhere along the way, na-realize nila na kahit gaano pa nila kamahal ang isa't-isa, alam nilang mas makabubuti para sa kanilang dalawa na makuntento na lang kung ano man ang relasyon nila sa ngayon," sagot ni Lieutenant Emilou.

"It sure sounds very calculating," sagot naman ni Charmaine. "Pero puso naman ang ginagamit sa pagmamahal at hindi utak, 'di ba? Paano nila malalaman kung sila nga ang para sa isa't-isa kung hindi nila susubukan?" tanong niya.

"Kung ako ang tatanungin mo, ang relasyon ay hindi lang puro puso, Charmaine. Most of the time, kailangan mo pa ding gumamit ng utak since doon manggagaling ang mga kasagutang kakailanganin mo most of the time," sagot sa kanya nito. "Let's just say na aware sila sa katotohanang magiging devastating para sa maiiwan kapag nawala ang isa sa kanila because of their chosen profession. At para mapigilan iyon, pinili na lang nilang huwag maging intimate sa isa't-isa. That way, mas madali silang makaka-move on kung sakali."

Napaisip naman si Charmaine. "Parang araw at buwan lang silang dalawa, ah. Nag-e-exist sa parehong kalawakan ngunit hindi maaaring magsama sa parehong oras," sabi niya.

Napangiti naman si Lieutenant Emilou. "I think you finally got the gist of it," sagot nito. "Mas okay na rin siguro ang sitwasyon nila sa ngayon, lalo na at hindi feasible ang bansa para magtaguyod ng isang masayang pamilya."

Tumango naman si Charmaine. "Ayoko ding itaguyod ang future family ko sa ganitong sitwasyon. If it is possible, pagkatapos ng lahat ay ayokong banggitin sa mga magiging anak ko ang tungkol dito," sabi niya.

Undead Chaos: Omega (UC Book #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon