VICTORIA'S POV.
"She's my cousin,"
Nagulat ako nang sinabi niya 'yon. Ganon ba talaga kaliit ang mundo ngayon? Ang bait talaga ni Lord sa akin. Hahahaha!
"Nasaan ba siya?" Tanong ko.
"She must be somewhere here. Hindi kami masyadong close nun but we know each other. Our parents used to have tea to their house eh. She didn't go to school today due to a heartbreak." Sabi niya. "I have no idea kung ano 'yon. I'm not that strong to ask her. Ayokong masaktan si Perrie."
Si Zayn ba ang tinutukoy niya don? Nasaan ba si Zayn?!
"Students, you'll find your section sa bulletin board. Please walang magtutulakan or else I'll send someone to the office right away!" Masungit na wika ni Adviser Adonis. Daig pa yata ang babae eh, araw-araw may period kung magalit. Take note, lalaki siya!
Agad naman kaming tumingin sa napakalaking bulletin board. Ano kayang field ako kasama? May iba't iba kasing field dito eh, base yata sa entrance exam scores mo. May Academics, Fencing, Sports, Arts, Dance, at finally ang Magic. Gusto ko sanang mapunta sa Magic.
Nang makita ko ang pangalan namin ni Calidsa sa Academics, nagsigawan kami. Nako, isang kalog din pala 'to! Nakita ko ring sa Magic si Ate Vaseline at sa Fencing si Ate Valeriana. Kainggit naman si Ate Vaseline.
Pumunta agad kami sa classroom. Mamayang dismissal ay pupunta ako sa castle upang ibalita kay Mommy ang nangyayari sa Good Town.
Paupo na sana kami sa dalawang upuan nang biglang pinaalis si Calissa ng isang babae. Nako! Biglang bumagsak si Calissa sa floor at nanigas. Hala bakit?!
"What do you think you're doing? Hurting my friend? Bakit siya nanigas huh?!" Sigaw ko. Maraming nakatingin sa amin. I don't even know her, eh. Maya-maya'y biglang bumalik si Calissa sa dati niyang anyo. Bigla niya akong tinawag at binigyan ng "itigil-mo-yan" look pero di ako papaawat.
"Don't you know who I am?! I am Affrah. Isang anak ng king and queen sa Water Kingdom! Ikaw?! Isang anak ng prince?! Oh! Poor!" Sigaw niya. Aba, baka hindi niya kilala kung sino ako. Hindi ko siya kilala dahil hindi nga ako informed na meron palang ibang sakop dito sa Good Side. Kapag kasi pinag-aaral ako ni Mommy ng History, hindi ako nagbabasa. Nagkukunwari lang ako, dahil natatamad akong alamin 'yon.
"I'm Victoria from the Good Side. Anak din ng isang KING and QUEEN." Inemphasize ko 'yung king and queen. Agad siyang nagulat pero biglang naglaho 'yon at bigla akong sinampal. I slapped her back.
"Hey! Stop this madness! Pinapatawag na kayo ng king and queen sa Good Side castle! Now!" Dumating naman si Adviser Adonis. Dumiretso naman kami sa office nina Mommy. Hays.
"What happened?" Tanong ni Mommy. "At kasali ka rito, anak?! What the hell!"
"Mommy, si Affrah ang may kasalanan. She just pushed Calissa and Calissa turned to ice. I just said na dapat di ganon 'yung ginawa niya. She slapped me too." Sabi ko naman.
"No, Queen. Your daughter is lying. She's the one who slapped me first. She bullies me na ang panget ko raw." Sabi niya. Oh my gosh! Ang galing niya magsinungaling! Pro! Biglang nag-iba ang aura ni Mommy at Daddy.
"Levi and Freyo, take Victoria to her room. She will be suspended for this day!" Matigas na sabi ni Papa. What?!
"Dad, hindi nga ako 'yung nauna eh! What the!" Sigaw ko. Nakita ko namang nginitian ako ni Affrah. Bakit ganon? Hindi naman ganon si Mommy ah? They won't let anyone to fake the truth. Anong meron kat Affrah? Umalis na si Affrah.
"Mommy, bakit niyo ginawa 'yon?! Alam niyo namang tama ako eh!" Sabi ko. "Would you stop holding my arms?!" Sabay sigaw ko dun kay Levi at Freyo. Gwapo man silang alagad, I don't care!
"Hindi mabubuo ang Good Side kung wala ang Water Kingdom. Sila ang supply nating lahat ng tubig, anak. Her parents are warfreak to be honest." Mahinahong wika ni Dad.
"But sana hindi niyo 'yun ginawang reason para pagtakpan ang mali diba?!" Sabi ko. Hirap.
"We would all die, anak. Naalala ko pa noong sinabi ng queen ng Water Kingdom na once nag-traydor kami sa kanila, mapuputol ang magandang supply ng tubig from them. I'm sorry, anak. Just follow what we said. Take her now." Sabi ni Mommy. Hays, I hate this lifeee!
Bumalik naman ako sa Good Side Academy at dumiretso sa room ko doon. Siguro, nagsimula na 'yung klase nila by now. Kaklase ko kasi si Calissa. Pati 'yung Perrie, hindi ko tuloy siya naabutan! Kaasar! Na-suspend tuloy ako, first day na first day eh.
Siguradong nakarating na ang balitang 'to kina Ate. Ayokong magpakita sa kanila, perfectionists sila. They want me to be perfect like them. Kaya nga sinasabi ko sa sarili ko na wala akong pag-asang maging queen eh. Mahirap umasa.
Biglang may kumatok. Nako, mukhang sila na nga 'to. Isang beses lang kumakatok si Ate Vaseline eh. Kaya alam kong sila na 'yon, mukhang breaktime na nila ngayon.
"We heard about the news," mahinahong sabi ni Ate Valeriana.
"Please don't be mad, it's really not me. Affrah is just a freak." I rapidly said.
"Paano kami hindi magagalit sayo! You're so dumb! Alam mo namang ang Water Side ang nagsu-supply ng tubig sa buong Good Side! At kapag nawala 'yon, mamamatay tayong lahat! Are you even thinking, Victoria?! How can you be so irresponsible with your actions?!" Sinigawan na naman ako ni Ate Vaseline. Kakasabi ko lang, I told you. Mas mahigpit si Ate Vaseline kesa kay Ate Valeriana. But Valeriana is older. Remember? Months lang ang tanda namin, dahil capable ang maraming anak sa isang taon. Kapag royal ka.
"Don't shout, Vaseline!" Utos ni Ate Valeriana. "But Vaseline is right, you're too irresponsible. Ayusin mo na 'to next time. Bye, we gotta go Victoria."
Lumabas sila ng room ko sa GSA. Hays, ayan na naman sila. Ang mga luha ko'y nagsimula na namang tumulo. Ganyan naman sila eh. Masyadong bipolar. Minsan napaka-gentle or minsan napaka-agressive nila sakin. They try to make me feel na ako 'yung pinaka-worst na anak diba. Ayoko talaga maging prinsesa. Bakit ba kasi sa ganitong buhay?! I don't need fame and money. I need love!
Bata palang ako, lagi na akong ginaganyan eh. Why am I so dramatic right now? May naramdaman akong kakaiba at bumugso ang malakas na hangin. May kakaiba. Bigla nalang may kumalabit sakin.
"WAAAAH!" Bigla akong napasigaw nang lumitaw sa likod ko ang isang magandang dilag. Lol. "Who the f*ck are you? San ka nanggaling?"
"I'm Perrie. And someone told me that you're talking about me." Magiliw na bati niya.
(A/N: Guys, fan na fan ako ni Taylor Swift at Little Mix. Isang true fan. Kaya hinango ko sa pangalang "Perrie" ang isa sa mga characters. Naisipan ko ring i-dagdag 'yung breakup nila ni Zayn dyan, pero with twist. And I'm happy for my Perrie dahil medyo nakakalimot na siya. Medyo.)
BINABASA MO ANG
Escape The Royalty
FantasySiya si Victoria. A royal princess who has a royal family and a royal life. Sino nga ba ang hindi aayaw sa marangyang buhay? But for her, it's not the place where she belongs. All she wanted was to be normal. But how will she achieve her dream?