12 - Unsolved Mystery

22 1 0
                                    

VICTORIA'S POV.

Kasalukuyan kaming nasa "mall" ni Austin. Dinala niya ako rito para raw hindi ako tatanga-tanga. Kumakain kami ngayon sa Mado yata 'to. Di ko sure, hindi ko masyadong narinig 'yung sabi ni Austin kanina eh.

"Sarap dito sa Mado ha." Sabay kuha ko ng fries. Bigla siyang tumawa sa sinabi ko. What the hell is wrong?

"McDo! Anong Mado?" Tumawa ulit siya.

May nahagip akong service crew na pamilyar sakin. Medyo matanda na siya. Bigla ko siyang kinalabit. Pamilyar siya eh. AYUN! Siya 'yung nasa picture na ipinakita sakin ni Witch Imelda bago ako umalis sa Good Side!

"Kuya, may kilala ka po bang Imelda? 'Yung babae pong walang pangalan?" Sabi ko. Kinalabit ako ni Austin at di ko siya pinansin.

"W-w-w-wala po!" Sabi niya.

"Kuya umamin na kayo. Pamilyar kayo sakin. Kailangan ko po kayong makausap." Sabi ko. Umupo naman siya sa harap ko. Habang si Austin ay nakatunganga parin siya sa nangyayari.

"Asawa ko siya. Dati kong asawa. Sino ka ba? Matagal na siyang patay. Wala na siya. Paano mo siya nakilala?" Tanong niya.

"Basta. Sagutin mo ang tanong ko. Sino siya? Anong kinalaman mo sa kanya?" Tanong ko.

"Asawa ko siya. Nilayasan ko siya dahil nawala ang aming anak. Siya rin ang dahilan kung bakit namatay ang isa kong babae. Siya ang dahilan ng lahat ng 'to. Pati ang paghihirap kong 'to!" Sigaw niya. Nawawalan na ako ng respeto sa lalaking 'to.

"Magkwento ka po muna, pwede ba 'yon? Mamaya ka na po magalit sa amin." Magalang na sagot ni Austin.

"Dati palang ay alam ko nang mangkukulam siya. Kaya siya nahihirapang magbuntis dahil isa siyang mangkukulam. Pinagtiisan ko 'yon dahil mahal ko siya. Finally nabuntis na siya at naipanganak na namin ang aming anak. January 17, 1999. 2000 noong mawala siya sa amin. Kinuha siya noong kapatid ng witch."

KAPATID?!

"May kapatid ang witch. Ang tawag sa kanya ay si Imarya. Walang nagkakagusto kay Imarya kahit maganda siya. Naiinggit siya kay Imelda  dahil kahit panget ito, minahal ko siya. Si Imarya ang kumuha sa anak namin. Alam kong siya 'yon." Sabi niya.

"Alam mo pala kung sino 'yung kumuha sa anak mo. Hindi mo man lang ba nahanap?" Tanong ko.

"Hayaan mo nga ako magkwento muna!" Sigaw niya. "Si Imarya ang pinakamalakas sa kanilang dalawa. Kaya niyang gawin lahat. Natakot ako noon, baka patayin niya ako kapag kinuha ko sa kanya ang anak namin ni Imelda. Hindi ko na alam kung nasaan sila ngayon."

"Tatay ka po ba talaga?" Tanong ko.

"Ang tatay, handang gawin ang lahay sa kanyang anak. Anak mo 'yon. Mas pinili mong isalba ang sarili mong buhay." Sabi ni Austin.

"Mahirap ako at hindi ko kayang tustusan at buhayin ang anak namin. Mas pinili ko nalang na hayaan siya kay Imarya. Mas mapapabuti ang kanyang buhay doon." May namuong luha sa mga mata niya. "Babalik na ako sa trabaho. Kung sinuman kayo."

Bumalik na kami sa katotohanan. Iba-iba ang statement nila ha. Sabi ni Imelda, paggising daw nila'y nawala si Anak. Si Imarya ay naiingit kasi nga maganda sya, pero walang nagkakagusto sa kanya. Si Imelda nama'y pangit at nagkagusto sa kanya 'yung Tatay. Si Imarya ang pinakamalakas pero na kay Imelda pa rin ang atensyon. Inggitera naman si Imarya eh. Nasaan na kaya si Imarya?
"Naduwag ang tatay na 'yon." Sabi ko kay Austin.

"Oo nga eh. Pwede naman niyang paghirapan ang tustos niya sa anak nila eh. Hindi niya dapat takasan ang responsibilidad niya bilang ama. Natakot siya." Sabi niya. "Dati noong inampon ako, ayaw pa rin ni Nanay Ermat kasi raw baka masira ang buhay ko. Pero pinairal ni Tatay Erpat ang kanyang panindigan. Na paghihirapan niya ang ipapambuhay sakin."

"Your family is such a good example, Austin." Ngumiti ako sa kanya. Nagulat ako nang bigla niyag hawakan ang kamay ko. I felt electricity. Bumagal ang mga bagay-bagay.

"Mahal na yata kita eh." Sabi niya sabay ngiti. Hindi ako makagalaw. Ilang minuto kaming ganon. "JOKE LANG! HAHAHA! NANIWALA KA YATA EH!"

"Lol." Sabi ko. Hay. Akala ko pa naman eh. Hahahaha! Di ako umasa. "Ang sabihin mo, crush mo si Ma'am Jade Thirlwall."

"Haler ,hindi 'no! Baka ikaw 'yung may crush sa baklushay na si Sir Jeffrey? Hahaha!" Sabi niya.

"Tara na nga." Sabi ko.

Umalis naman kami. Nakakaloka na ang buhay ni Imelda. Oras daw na mahanap ko si anak niya ay makakabalik na ako.

"Kapag nahanap mo na 'yung anak nung witch, saan ka na ngayon?" Tanong ni Austin habang nag-iintay ng jeep pauwi.

"Babalik na ako sa Good Side. Iiwan ko na kayo nina Nanay at Tatay Erpat." Nakakalungkot kong sagot sa kanya. Bigla siyang sumimangot.

"Ganon?" Sabi niya. Maya maya'y nakahanap na kami ng jeep na masasakyan pauwi. Namimiss ko na sina Mama't Papa at Ate. Kamusta na kaya sila ngayon? I'm deadly sure na hinahanap nila ako ngayon. Hay. I have to do this.

Bigla nalang nagdilim ang buong paligid. May lumabas na malaking hole na makulay. May gravity na humihila sa amin papasok sa hole na 'yon, hindi ko alam kung ano 'yon. Hindi na kami nakasalita ni Austin.







Bigla nalang nawala ang pakiramdam ko, at ramdam kong hinawakan ako ni Austin at niyakap.



At hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Escape The RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon