VICTORIA'S POV.
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang makarating ako sa La Forestalia. Mahigit ilang taon na ring 'tong forest na 'to sa Good Side Town. Wala akong pake kahit prohibited ang lugar na 'to. Mahigit ilang taon na rin kasi 'tong nakasara dahil may nangyari raw. Ewan ko ba.
Bigla naman akong nakaramdam ng pagod at tumigil. Hindi ko namalayang malayo na pala ang narating ko. Puro puno nalang ang nakikita ko. Hala, nawawala na yata ako! Ang kakapal na ng mga dahong nakapaligid sakin. Baka makagat ako or makain ako ng anything wild animal dito!
Maya-maya'y may nakita akong isang maliit na bahay. Hay pwede ba akong mag-stay dito? Hindi naman siguro ako maarte 'no. Ayoko muna umuwi sa castle. Masyadong nakakasakit 'yung ginagawa nila sakin. Kumatok ako ng sampung beses ngunit wala paring nagbubukas.
Naisipan ko namang buksan nang marahan ang pinto. Medyo maingay ang pinto dahil may kalumaan na ‘to. Pagbukas ko, may nakita akong iba't ibang gamit. Kakaiba. Parang pang-witch or something. Ewan ko. Jusko ano ba 'tong napasukan kong bahay?
Pagpasok ko, may biglang lumitaw na matanda sa harap ko. Nakakatakot ang itsura niya. Proven nga, isa siyang witch. Tatakbo na sana ako nang i-cast niya ako ng spell. Pucha, bakit hindi ako makagalaw?!
"Wag ka nang tumakbo," sabi niya naman. Ano ba ‘yan, Victoriaaaa! Kung anu-ano pinapasok na bahay!
"Tigilan niyo na po ako! Please lang, 'wag niyo po akong kainin or lutuin!" Sigaw ko. Literal na natatakoy na talaga ako. Mapapamura na talaga ako. Putangina, 'yan na nga.
"Ano bang akala mo sa akin, iha? Witch ako, hindi beast." Sabi niya pa. "Isa ka palang prinsesa ano? May suot kang royal necklace eh." Bigla akong kinilabutan nang sabihin niya ‘yon. What the hell is happening. Hindi pa rin ako makagalaw.
"Pakawalan niyo na po ako!" Sigaw ko.
"Once you've entered this house, you will never get out until you grant my wish." Sabi niya. Ano kayang wish ‘to? Jusko lord.
"What the fuck is that wish?! Pakisabi na po para hindi na ako naiistress ng ganito!" Sigaw ko.
"Ipapadala kita sa mundo ng mga normal na tao. May ipapahanap ako sayo." Sabi niya.
WHAT?! IS THIS A BLESSING?!
-----------------------------------------
VALERIANA'S POV.ILANG beses na naming tinawag ang pangalan ni Victoria, ngunit hindi man lang siya humarap. Ano bang nangyayari doon?
Pinabalik na kami nina Mommy sa kwarto namin sa GSA. Pinahanap na rin si Victoria, baka sa town lang ‘yon nagpunta. Bata pa lang kami ay ganoon na 'yung si Victoria. She's careless and clumsy. She once said na gusto niya maging normal.
Flashback.
May kumatok sa kwarto ko. Ah, si Victoria lang pala. Magkakaedad lang naman kami dahil capable ang royal family na manganak ng 7 beses sa isang taon. Pero ako ang pinakamatanda sa aming tatlo. 10 years old na kami ngayon.
"Victoria! Bakit hindi ka pa natutulog? Patay ka kay Daddy kapag nalaman niyang nandito ka pa!" Sabi ko.
"Hayaan mo na ‘yung si Daddy. Hug ko lang katapat nun! Hehehe!"
"Bakit ka ba nandito? May kailangn ka ba?" Tanong ko naman.
"Hirap maging prinsesa 'no, Ate? Hindi ka ba nahihirapan? Parang ang taas kasi ng expectations nila sayo. Tapos kapag hindi mo naabot, madidisappoint sila."
"Ganun talaga 'yun. Pumunta ka pa rito, 'yun lang naman pala sasabihin mo. Bumalik ka na dun!" Sabi ko.
"Gusto ko maging normal na tao, Ate. Ano kayang feeling ng ganun? May alam ka bang potion na magche-change sakin sa normal?"
"Kapag nalaman ni Mommy ang tungkol dito, patay ka doon! Mas maganda maging princess 'no! May privilege."
End of flashback.
Minsan nga, hindi ko maintindihan si Victoria eh. Ano bang problema niya sa pagiging prinsesa. Sa totoo lang, maraming gusto sa posisyon niya. Swerte nga niya eh.
Pero, balang araw malalaman niya rin ang totoo. Ang tinatagong katotohanan.
---------------------------------------------
VICTORIA'S POV.WHAT?! IS THIS A BLESSING?!
Nagulat naman ako sa sinabi ng matandang witch sakin. Ipapadala niya ako sa mundo ng mga tao. Pero, ano kaya ang ipapahanap niya?
"Ano po ba ang hinahanap niyo?" Tanong ko.
"'Yung anak ko. She's a girl. Matagal na siyang nawawala pero hindi ko pa siya nahahanap. Hindi ako pwedeng pumunta sa mundo ng mga tao." Sabi niya pa. May deeper story pa pala behind noon.
"Pwede po bang kwentuhan niyo ako tungkol sa kanya?" Sabi ko. Hindi naman siya ganun kasama eh. She's a good witch, perhaps.
"She's a good girl. Masayang-masaya pa kami ng asawa ko noong naipanganak namin siya. She's our only joy. Maswerte nga't nabiyayaan pa kami ng anak sa kabila ng sakit ko sa obaryo. Pero isang umaga, nagising nalang akong wala na siya sa tabi ko. 1 year old baby siya noon. Todo ang alaga namin sa kanya. Ayaw naming mawala siya." Naiiyak niyang sagot.
"Hindi niyo po ba inimbestigahan kung bakit siya nawala?" Tanong ko.
"No one believed us. Sabi nila, wala raw silang nakita. Masakit sa loob ko dahil hindi ko man lang naipaglaban ang anak ko. Hindi ko siya nabawi." Sabi niya. May napansin akong picture ng baby at nakadikit 'to sa isang doll.
"Ano po 'yang doll?" Tanong ko.
"Siya ang anak ko. Hindi namin siya nabigyan ng pangalan eh. Wala rin kaming pangalan. Ganun ang tradisyon ng aming angkan. Hindi nagkakaroon ng pangalan. Ang surprising diba?" Sabi niya.
Walang pangalan? Pwede ba 'yon?
"Wait, paano niyo po ba nasigurong sa mundo ng tao nawala ang anak niyo? Diba dito kayo nakatira?"
"Syempre, doon kami galing."
WHAT?! PANO SIYA NAPUNTA RITO?! ANLAYO HA.
![](https://img.wattpad.com/cover/64556560-288-k2024.jpg)
BINABASA MO ANG
Escape The Royalty
FantasySiya si Victoria. A royal princess who has a royal family and a royal life. Sino nga ba ang hindi aayaw sa marangyang buhay? But for her, it's not the place where she belongs. All she wanted was to be normal. But how will she achieve her dream?