VICTORIA'S POV.
"Gumagabi na, we better start this process now." Sabi nung witch. I have no choice. Gusto ko rin naman makaranas sa mundo ng mga NORMAL na tao. Ayoko na maging prinsesa. Wala na akong pakealam kahit maghanap pa sila. Pwede bang pagbigyan muna nila ang gusto ko? "Handa ka na ba?"
Nag-nod naman ako. Handa na ako. Nag-cast ng spell sakin ang matanda. Napakahaba at may nararamdaman akong pagkamanhid sa buong katawan ko. Wala akong dalang damit or kahit ano, okay na 'yon!
Nagmanhid ang buong katawan ko. Hindi ako makagalaw. Maya-maya'y may bumalot na kulay white na sparks sa akin. Unti-unting pumikit ang mga mata ko.
----------------------------------
"Ano ba! Ikaw na nga gumising!"
"Ikaw na. Mukhang nagkakamalay na siya eh!"
May narinig akong boses ng isang babae at lalaki. Mga mid-50 voices nila. Pagdilat ko, nakita ko ang isang babae't lalaki. Mukhang mag-asawa sila. Nasaan ako? Bigla namang nag-flashback sa isipan ko ang kagabi. Kagabi ba 'yon? Parang ang haba.
"Nasaan po ako?" Tanong ko sa kanila. "Bakit po ako nandito? Diba kagabi nasa Good Side pa ako."
"Nasa Pilipinas ka," sabay ngiti sakin nung babae. "Anong kagabi? Isang week ka nang tulog."
Nagulat naman ako. Isang linggo? Baka dala 'yon ng spell. Ang haba ng tulog ko ah. Sabi na eh, ang haba talaga eh. Pero, ano 'tong Pilipinas? Mundo na ba 'to ng normal na mga tao?
"Ako nga pala si Tatay Erpat. Ito naman si Nanay Ermat. Mag-asawa kami pero hanggang ngayon ay wala pa kaming anak. Hindi na kami nag-aasam na magkaroon pa dahil may isa kaming ampon." Sabi nung lalaki. Oky!
"Bakit po ba ako nandito. Paano po ako napadpad sa bahay ninyo?" Tanong ko. Pilit kong tumayo kahit hindi pa maayos ang pakiramdam ko. Nilibot ko ang buong bahay. Maraming bagay na hindi pamilyar sakin. Iba talaga kapag mundo ng mga tao.
"Nakita ka nalang namin sa labas ng aming bahay. Una kasi, may narinig kaming malakas na bagsak. Tapos bigla ka nalang namin nakita sa labas. Tulog." Sabi nung Nanay Ermat.
"Nasaang parte po tayo ng Pilipinas ha?" Tanong ko. Medyo nakakaramdam ako ng init eh. Hindi naman ganito kainit sa Good Side.
"Nasa Maynila tayo. Nakatira tayo sa isang katamtamang bahay." Sabi niya. "Teka, saan ka ba galing na bata ka? Bakit parang ang dami mong tanong? Taga-saan ka ba? Naka-gown ka pa nga eh."
Naputol ang aming pag-uusap nang magsalita ang isang lalaki ulit. Baka 'to ang tinutukoy nilang ampon. Ang gwapo niya.
"Nanay! Sino 'to? Bakit naka-gown? Ang arte-arte!" Sabi naman nung lalaking gwapo pero panget pala ng ugali. Mukhang kaedad ko lang siya. Bigla akong binigyan ng "siya-ang-ampon-namin" look ni Tatay Erpat. Gusto ko nang sapakin 'tong lalaking 'to pero nahihiya ako sa mga magulang niya. Baka mamaya, paalisin pa ako rito.
"Uh, aalis din po ako agad dito. Kapag nakahanap na po ako ng permanenteng matitirhan." Sabi ko sabay ngiti. Napatingin ako dun sa lalaking anak nila, na ngayo'y nakatingin sa akin ng masama. Sasapakin ko na talaga 'to! "Hello, I'm Victoria Swift."
Nagulat naman sila sa sinabi ko. Anong masama sa pangalan ko?! Naplano pa 'yan ni Mommy at Daddy para mabuo ang pangalan ko. Bigla ko tuloy namiss ang Good Side. Hay.
"Ako si Austin. Teka nga, pangmayaman ang apilyedo mo ah?! Bakit mukha kang pulubi sa itsura mo?!" Tanong niya. Bigla naman siyang sinaway ng mga parents niya. Nakakainis na 'tong lalaki na 'to ha.
"Para makilala niyo ang isa't isa, Austin, ipasyal mo siya sa magagandang lugar dito sa Maynila." Sabi ni Tatay Erpat. Pinagbihis ako ng t-shirt at pants. Papalag sana siya sa utos ng kanyang ama, nang tinakot ito na sabihin ang mga sikreto niya. Lol. Austin hides his darkest secrets pala.
Umalis naman kami sa bahay. Takte, mas lalo pa akong nakaramdam ng init. Ganito ba talaga sa Maynila? Bigla naman akong nakakita ng iba't ibang sasakyan. Ano 'yun? Hinila ako ni Austin at sumakay sa isang? Hindi ko alam. Chariot lang ang alam ko eh.
"Ano tawag dito? Pasensya ha, ngayon lang ako nakakita ng ganito." Sabay tawa ko. I'm trying to be friendly. Lol.
"Jeep ang tawag dito," sabi niya. "Wala bang ganito sa mundo niyo? Saan bang lupalop ka nanggaling? Wala ka bang magulang? Tawagan mo kaya sila? Eto oh, cellphone."
May inabot siya saking bagay. Medyo malaki at may apple na may kagat sa likod. Ano 'tong bagay na 'to? Inalog ko naman. Wala namang masyadong tao sa "jeep".
"What the heck is this thing?!" Patuloy pa rin ang pag-alog ko sa "cellphone" daw.
"Ang foolish naman ng pinanggalingan mo. Bakit hindi mo alam 'yan? Cellphone 'yan! Hindi mo pa kasi sabihin kung nasaan ka galing. Bigla bigla ka nalang sumusulpot." Sabi niya. Napansin kong nag-dark ang necklace ko. Kada puna kasi ng ibang taga-Good Side about sa kingdom namin, nagda-dark ito. Ibigsabihin masama. Kapag nag-light, maganda ang feedback. "Nagdark necklace mo. Light-up necklace ba 'yan?"
"Isa akong prinsesa," Nahihiya kong sagot. Baka kasi may sabihin siya. Bigla siyang tumawa ng sobrang lakas. Sabi na eh. Ganito ang magiging reaksyon niya. Ngumiti siya sakin. Mabait din pala 'to.
"Prinsesa ka? Really? Maniwala ako sa kabokteran mo! Magising ka nga sa katotohanan uy!" Sabay tawa pa niya. Hay. Siya palang ang unang taong napagsabihan ko about sa kalagayan ko. Ngayon lang din naman ako nakapunta sa mundo ng tao eh.
"Bahala ka dyan, edi wag ka maniwala. Magsisisi ka sa huli kapag hindi ka naniwala." Sabi ko.
"Uy joke lang," sabi niya pero tumatawa pa rin. "Hindi ako naniniwalang prinsesa ka. Pero naniniwala akong maganda ka."
BINABASA MO ANG
Escape The Royalty
FantasySiya si Victoria. A royal princess who has a royal family and a royal life. Sino nga ba ang hindi aayaw sa marangyang buhay? But for her, it's not the place where she belongs. All she wanted was to be normal. But how will she achieve her dream?