10 - One Place

8 1 0
                                        

VICTORIA'S POV.

Naalala ko palang may pasok ako sa trabaho ngayon. Dahil sa pagpupumilit ko kay Austin na samahan ako, pareho kaming hindi nakapasok sa trabaho. Bahala na 'yong trabaho ko. May bukas paaa!

"Pareho tayong umabsent sa trabaho! Mahigpit pa naman ang anak ni Mr. Thirlwall! Na manager ng fast food na 'yon! Anong pwede nating gawing excuse?! Dalawa ang magkapatid na 'yon! Gusto mo bang masabon?!" Sabi ni Austin sakin. Nakasakay kami sa "tricycle" na sinasabi niya.

"Hayaan mo na 'yon. Sabihin mo, nagkasakit tayong dalawa or may family reunion." Sabi ko pa.

"Sandali nga, hindi ko pa naitatanong sayo 'to eh." Iritadong sagot niya. "Bakit ka pala nandito sa mundo ng tao? Hindi ba dapat nandun ka sa kaharian mo?"

Sumimangot ako sa tanong niya. Ayun nga ang tanong na kanina ko pa iniiwasan noong nakwento ko sa kanya ang lahat. Ayoko sagutin 'yun pero sasagutin ko na nga. Para maging aware ang pesteng ito.

"My parents are too much," Tumingin ako sa malayo. Rinig na rinig ko ang karag-karag na makina ng tricycle na 'to. But I don't care. Isaisip niyo nalang na sound effects 'to ng pagdadrama ko rito. "They always set high expectations for me. Lagi nila akong pinipilit sa bagay na hindi ako capable. Hindi ako capable maging princess, Austin. Yon lang 'yon. Minsan nga, iniisip kong hindi nila ako mahal kasi ganun nga. Kapag nagkakamali ako, they always get mad."

"Wala namang magulang na hindi mahal ang anak eh," tugon naman ni Austin. "Maybe they want you to be in your best side. Gusto lang nilang mapabuti ka, Victoria. Expected naman na isa kang prinsesa eh, mataas talaga expectations."

Hindi pa rin niya naiintindihan.

"Ayun nga eh. Ayoko maging prinsesa dahil doon. Sa lecheng expectations na 'yon." Tugon ko.

"You know, you're lucky," napataas ang dalawa kong kilay nang sabihin niya 'yon. Ano raw? Lucky daw ako sa pagiging princess? Kung alam niya lang kung ano pinagdaraanan ko. "You have special treatment, food, basta lahat ng karangyaan. Maraming nag-aasam sa posisyon mong 'yan. Be thankful."

Tama kaya si Austin? Pero ganito talaga ang feeling ko eh. Thankful naman ako't nagkaroon ako ng pamilyang ganoon. But, ang malas maging prinsesa. Narating naman namin ang place na nakasulat sa mapa. May binigay na mapa sa'kin ang witch na 'yon. Iisang place lang ang nakasulat sa mapang 'to. Pero sana makatulong 'to.

"Why the fuck are we here? Baka naman nagkamali ang mapang 'yan. Tingnan mo nga, we're on an old house." Reklamo ni Austin. Ewan ko rin eh, dito kami dinala ng mapang 'to. Kumatok kami sa bahay.

"May kilala po ba kayong babaeng nanganak nang walang pangalan? Kahit sino pong kilala niyo?" Diretsuhan kong tanong. Um-oo naman ang matanda. Bakit ganon? Parang ang gaan ng loob niya sa amin. Agad-agad niya kaming pinapasok.

"A-a-ano ang kailangan niyo kina Imelda?" Tanong niya. Pucha, sino nanaman si Imelda? "Imelda ang tawag namin sa babaeng 'yon. Siya lang naman ang kilalang walang pangalan dito sa lugar eh."

"Kwentuhan niyo po about her. Please lang po, Lola." Sabi ni Austin.

"May asawa siya. Medyo hirap sila sa buhay at hirap ding manganak si Imelda noon. One time nga at nabuntis na si Imelda. Inalagaan talaga ni Imelda ang batang nasa sinapupunan niya. Ipinanganak na 'to at suddenly, lumitaw na ang balitang nawawala na raw ang bata. 'Yun lamang ang aking nalalaman eh." Sabi niya pa.

"Bakit po kinuha 'yung anak? May alam ba kayo kung bakit?" Tanong naman ni Austin.

"Base sa kwento ng kapitbahay, pinaniniwalaang mangkukulam daw 'yang si Imelda. Noong may nakita kasing kasama 'yung asawa niyang babae, kinabukasan, namatay 'yung babae. Kinuha raw 'yung anak ni Imelda para malayo sa ina niyang mangkukulam." Sabi niya pa.

"Bakit parang ang dami niyo pong alam?" Tanong ko.

"Syempre, bahay nina Imelda ang tinitirhan ko ngayon. Eversince Imelda disappeared, pinatira na ako dito ng asawa niya. Ang asawa naman niya'y nagpakalayo-layo. Naghiwalay din si Imelda at ang kanyang asawa eh." Sabi niya pa.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Austin. Hay, ang complicated naman masyado ng buhay ni Witch Imelda. Nagpasalamat naman kami sa lola at umalis na. Luckily, nakasakay kami ng tricycle na maayos naman ang makina ngayon.

"Naguguluhan na ako sa buhay ng Imeldang 'yon, onting-onti nalang ay maloloko na ko!" Pagrereklamo pa ni Austin.

"Pasok tayo ngayon. Maaga pa naman yata eh." Wika ko. Nagliwanag naman ang mga mata nitong si Austin. Sabi na eh. Gusto lang nitong pumasok sa Thirlwall na fast food na 'yon! Haha! Baka crush niya 'yung anak na babae ni Mr. Thirlwall. Si Jade Thirlwall. (A/N: Ang character na si Jade Thirlwall ay kabilang sa Little Mix na fandom koooo. Omg!)

Finally, nakarating kami dun sa fast food chain. Hindi naman kailangan mag-uniform doon. Buti nalang pala at dinala ko ang work ID ko. Sumalubong sa amin si Ma'am Jade.

"Bakit pala kayo late?" Masungit na bungad sa amin ni Ma'am Jade.

"Uh Ma'am Jade, may pinuntahan po kasi kami eh. Nasaan po ba si Sir Jeffrey?" Tanong ni Austin. 'Yun siguro 'yung tinutukoy na panganay na anak ni Mr. Thirlwall. Sinenyasan ito ni Ma'am Jade. Naiwan ako't kaharap ko si Ma'am Jade.

"Hello po," magiliw kong bati.

"Hello rin. Ikaw ba 'yung tinutukoy na bagong trabahador dito? As cashier?" Tumango naman ako.

"Opo," sabi ko. "Alam niyo po, crush po yata kayo nung Austin na 'yon!"

Bigla siyang tumawa ng malakas. Aba loka din pala 'to! Aakalain mong masungit pero pang-alien ang tawa.

"Hahaha! That's a good joke. Friends?" Nagshake hands naman ako sa kanya. At nagpaalam na magtatrabaho na ako.

Dumiretso ako sa cashier area. Medyo natutunan ko rin kung paano mag-cashier. Noong una ay nasigawan pa ako ng isang customer. Pero okay lang, atleast naeenjoy ko na rito. Bigla namang lumapit sakin 'yung Sir Jeffrey. Mukhang baklushay 'to.

"Ang ganda mo naman. Haha!" Biro niya. Ngumiti lang ako. He started making kwento-kwento habang busy ako mag-cashier. Lechugas. Matapos ang trabaho ko hanggang alas-singko, tatawagin ko na sana si Austin nang hilahin niya ako. Napa-aray ako.

"What the heck is your problem? Ang sakit nun." Hinipo ko ang braso ko. Masakit talaga eh.




"'Wag mo ngang landiin 'yung si Sir Jeffrey. Nakakainis." Sabi niya pa.

"Bakit ba? Di ko nilalandi 'yon and we're just friends. Di ako papatol don ano! Mukha siyang bakla." Wika ko. "Nagseselos ka ba?"







"Hindi ah," bulong niya.




Escape The RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon