VICTORIA'S POV.
Ipinasyal ako ni Austin sa iba't ibang lugar. Unti-unti na akong nagiging familiar sa mga bagay-bagay sa mundong 'to. Ang ganda pala dito sa Maynila. Dapat pala matagal ko na 'tong ginawa. Nagulat nga ako't agad akong natanggap sa trabaho. Matalino naman daw ako, at kilala na si Austin sa fast food chain na 'yon.
Nag-apply akong cashier doon sa Thirlwall. Isa raw sa sikat na fast-food chain sa Manila. Bukas ay magsisimula na akong magtrabaho. Para makaipon at makaupa ng bahay. At mahanap ang anak ni Witch No Name. Kamusta na kaya sina Mommy doon? Hay.
Kasalukuyan akong nasa kama. Nahihiya ako dahil dito ako pinatulog nina Nanay Ermat. Eh kwarto ito ni Austin, sa lapag tuloy siya natulog. Tiningnan ko siya pero gumagamit pa rin siya nung cellphone.
"Austin! Palit na tayo!" Sabi ko.
"Ang arte mo. Diyan ka na nga pinapatulog eh."
"Mukha kasing hindi okay sayo eh. Austin kasi."
"Isa."
"Austin! Dito ka na!"
"Dalawa."
"Dito ka na! Bahay niyo 'to, nakikitira lang ako dito eh!"
"Tatlo. Case closed, dyan ka matutulog."
Bahala siya. Ang arte niya. Hinayaan ko nalang. Bigla akong napaisip about sa anak nung witch. Sinabi niya kasing kapag hindi ko nahanap, forever na akong nandito sa mundo ng tao. Hindi ko naman pinangarap na dito forever. Panandalian lang naman 'to.
------------
"Gumising ka na uy! Kakain na! Hindi ka ba sanay na gumigising ng maaga?! 10 am na uy!" Naririnig ko ang boses ni Austin. Eh, ayoko pa. Gusto ko pa matulog. Nag-insist akong gumising. Ayoko pa. Late na ako nakatulog kagabi sa kaka-overthink eh. "Hahalikan kita kapag hindi ka gumising!"
"Edi halikan mo! Wala akong pake, alam ko namang hindi mo magagawa 'yan. Kasi isusumbong kita kay Nanay at Tatay!" Sabi ko. Nagulat nalang ako nang biglang may dumikit na labi sa labi ko. Pucha, ginawa niya talaga! Pinigilan ko ito. Pero wala na akong nagawa, hinalikan niya ako.
"Akala mo siguro hindi ko magagawa 'no? Kaya gumising kana dyan."
Inulan ko siya ng suntok at tadyak. Alam kong nasasaktan na siya dahil nag-iiba na ang mukha niya. Wala akong pake! Naiinis na ako sa kanya. That's my first kiss. Ayon kay Mommy, bawal pa ako mag-kiss unless mag-aasawa na.
"How dare you! It's my first kiss! Sa kingdom namin, bawal ang mag-kiss unless 'yun na ang mapapangasawa mo! What the hell are you!" Sabi ko. Galit na galit ako.
"Maniwala ako sa'yo? Kahapon ka pa sa kingdom mong 'yan ha. I'm starting to believe you na." Sabi niya. "May pasok pa tayo sa trabaho!"
"Maniwala ka talaga! Akala mo natutuwa pa ako sa ginawa mo?!" Sigaw ko. Pumunta na ako sa kusina nila. Anak lang naman siya ni Nanay at Tatay Erpat. Sila naman ang nagkupkop sakin, hindi si Austin. "Gandang umaga po."
Nag-nod naman sila. Tinanong nila kung okay ba ako. Sinabi ko namang dala lang 'to ng "bagong gising" trait ko. Bangag na naman akooooo.
-----------------------------------------
VASELINE'S POV.Isang araw nang nawawala si Victoria. All of our guards do their best to find her. Hindi pa ako nakakatulog eh, hanggang ngayon ay gising pa rin ako. Nag-aalala ako para sa kapatid ko, lalo na't bunso siya. Malaki ang chance niyang maging queen.
Kahit naman sinisigawan ko ang kapatid ko, I still love her naman eh. I'm not that showy person pero mahal na mahal ko si Victoria. I just want her to be ready. Gusto ko lang na maipakita niya ang best niya.
Kasalukuyan kaming nasa dining table ni Ate Valeriana. Sumama sa paghahanap sina Mommy at Daddy, ganun nila kamahal si Victoria. Hindi lang din sila showy.
"Hindi ako mapakali," wika ko habang pinaglalaruan nalang ang pagkain ko. Wala akong gana. Ayokong magising ng ganito. Noong bata pa kami, she used to make us laugh habang nasa hapag.
"Mahahanap din natin siya, Vaseline. Walang masamang mangyayari sa kanya. Trust me." Wika ni Ate Valeriana. "By the way, mamaya na ang training para sa war. You better ready, mukhang mahirap."
"Isa pa pala 'yan," wika ko. "Kinakabahan na ako sa war. Paano kung may mamatay?"
"Puro negativity 'yang lumalabas sa bibig mo. Bakit ka ganyan? Kumain ka nalang." Sagot ni Ate. Hay. Tama siguro siya. Hindi ko pa rin kasi nama-master ang "instinct" power ko eh. Si Ate nama'y may "invisible" power.
-----------------------------------------------------
VICTORIA'S POV.
"Samahan mo na kasi ako!" Kanina ko pa pinipilit si Austin na samahan ako. Ngayon kasi'y sisimulan ko na ang paghahanap ko sa anak ng witch eh. Naikwento ko lahat sakanya ng tungkol sakin. Finally ay naniwala na siya.
"Ayokoooo! Natatakot ako! Baka mamaya paganahin mo 'yang powers mo!" Putangina naman nitong si Austin. Ang gwapo-gwapo. Daig pa ang prinsipe sa sobrang gwapo eh duwag pala!
"Hindi ako interesado sa pagpapalabas ko ng powers ko! Duwag duwag duwag!" Sigaw ko. Napilitan tuloy siya. Hahaha.
Kasalukuyan akong nasa kwarto niya. Wala kaming gagawing masama aber. As if naman sa lalaking 'to at wala pa akong asawa. Maliban lang kung siya ang magiging asawa ko. Ew! Hindi no, erase erase!
Kumuha ako sa loob ng closet niya ng damit. Ang arte-arte. Ayan tuloy, gagawin ko lahat para mapasama ko 'to. Mahirap na, baka kung mapaano ako sa daan eh. Di pa ako pamilyar sa Maynila! Naghubad siya ng pang-itaas niya sabay abot ko sa kanya ng isang tshirt.
"Talikod ka uy! Aba baka maglaway ka sa abs ko!" Sabi niya. Ulul ba 'tong lalaking 'to? Kingina, konti nalang ha. Hindi ako tumalikod. Hindi ko naman ginustong makita abs niya, hindi ako nagnanasa uy!
May napansin akong kulay orange na mark sa gilid ng abs niya. Ano 'yon?
"What's that? A birthmark?" Tanong ko. Ang unusual kasi eh.
"Pagkuha raw sakin ng Nanay ko sa bahay-ampunan, mayroon na raw akong birthmark. Ewan ko, ang ganda nga eh. Kulay light orange na hugis-curves." Sabi niya. "Hindi ko nakilala ang mga magulang ko."
"Hindi mo ba sila kikilalanin? Hindi mo ba sa kanila itatanong kung bakit ka nila iniwan noong baby ka pa?" Tanong ko. Ibang klase 'to ha.
"Ayoko," Sabay iling niya. "Ayoko pang masaktan sa malalaman ko. Masaya na ako sa pamilya ko. Kuntento na ako."
BINABASA MO ANG
Escape The Royalty
FantasySiya si Victoria. A royal princess who has a royal family and a royal life. Sino nga ba ang hindi aayaw sa marangyang buhay? But for her, it's not the place where she belongs. All she wanted was to be normal. But how will she achieve her dream?