Now
Nasa ikalawang row kami ng mga upuang VIP. Umupo na ako sa aking upuan at inobserbahan ko ang aking paligid.
Medyo mataas ang stage na kulay itim at napalibutan ng nga computer controlled na mga ilaw.
Patay-sindi rin ang mga ilaw sa itaas na sumasabay sa beat ng kantang tinutugtog ngayon. Kahit malamig ang aircon ay medyo pinagpapawisan ako dahil na rin siguro sa suot ko.
Naalala ko, hawak hawak ko pa lang pala yung ibinigay na armband nung babae sa entrance kanina. Ibinulsa ko muna iyon dahil nahihiya akong istorbohin ang katabi kong si Sam. Enjoy na enjoy niya ang pagtalon sa beat.
Tumingin akong muli sa harapan at binasa ko ang pagkalaki laking nakasulat na West Coast sa wall na nasa likuran lang ni Frank. Background nito ang napakalaking picture nilang apat na nakatalikod na hanggang bewang nila ang kuha at topless sila. Mula kaliwa ay si Preston, Jaxen, Frank and Clyde. They are all wearing dark blue colored jeans and leather belts.
May design ang picture sa gilid na pinturang kulay pula na parang ibinuhos buhos lang. Natalsikan ang katawan nila sa picture at nagpadagdag pa iyon ng atraksyon maliban sa hubog na hubog na mga katawan nila. Kulay itim na matte din ang background ng wall.
"Ayos ka lang ba diyan babae ka? Parang natutulala ka yata?", tanong ni Sam sa'kin.
"Huwag mong sabihing hindi ka parin nasasanay sa epekto ng sex appeal ng apat na yan?", segunda naman ni Aurora.
"Ha?", kako na lang. Para iparating na hindi ko naiintindihan ang sinasabi nila dahil sa ingay ng paligid namin.
"Sa dalas ba naman ninyong nagkakasama noon ni Frank ay parang love at first sight pa rin ang dating niya sa'yo?", dagdag pa ni Aurora at naghagikgikan ang dalawa.
Umiling nalang ako at
nalingunan ko si Kuya Ford sa may bandang kanang pintuan kung saan ako pumasok kanina. Nagkakanda haba haba ang leeg niya at parang may hinahanap. Alam ko na agad na ako iyon.Tumayo ako at kumaway sa kanya. Medyo natagalan bago niya ako nakita dahil sa mga nagtatayuan, nagtatalunan at kumukuha ng litrato o video sa gilid ko.
Hanggang sa nalingunan niya ako dahil na rin siguro sa unifrm na suot ko. Ngumiti ako kahit na alam kong hindi naman niya makikita dahil sa bilis ng pagsayaw ng mga ilaw.
Nakita kong napailing siya. Nahiya naman tuloy ako dahil nagsinungaling ako sa kanya. Pumuwesto na siya dun sa gilid ng pintuang iyon.
Marahil ay hihintayin niya ako doon. Lalabas na din ako mamaya. Tutal ay hindi naman alam ni Frank na tinakasan ko si Kuya Ford, aagahan ko nalang ang umalis upang hindi siya mapagalitan.
"Sam, aalis din ako agad ha.", paalam ko ng maaga kay Sam.
"Oo, sige na huwag ka nang magulo diyan at naka concentrate akong titigan si Clyde.", sagot niya sabay tili.
Sa ngayon ay ieenjoy ko din muna ang unang concert ng West Coast dito sa Pilipinas.
Tumingin ako kay Preston. Sa kanilang apat siya ang pinakablonde ang buhok. May piercing siya sa kaliwang tainga niya at may kulay itim na hikaw. Nakapikit siya habang nakatapat sa mic ang bibig at ini strum ang kanyang gitara. Nakasando siya ng kulay itim at may topper na checkered na red na flanel.
Naagaw ni Jaxen ang atensyon ko nang nandun na sa chorus ang kinakanta nilang pangalawang kanta. Ang taas ng tune niya ngunit ang sarap pakinggan dahil napaka smooth ng pagkakablend ng boses nilang apat.
Naka tee shirt siya ng stripes na black at red. Hawak niya sa dalawang kamay niya ang mikropono at nakatitig siya sa mga fans na nasa kaniyang paanan lang. Nagsisisigaw ang mga fans dahil na rin sa pagkindat niya. Kulay blue ang kanyang mga mata. May piercing siya sa gilid ng kanyang ibabang labi na nakapagdagdag din ng kanyang appeal. Siya ang pinakamantangkad sa kanilang apat.
BINABASA MO ANG
Breathless
General Fiction"I never thought I would be breathless looking at a girl in her school uniform", wika niya sabay sa pagkinang ng kanyang earings at pagsiil ng halik sa akin. Hindi ko lubos akalain na hindi lang pala ako ang kinakapusan ng hininga kapag kaharap ko s...