Tattoo
Humakbang si Frank papunta sa pintuan.
Tinitingnan ko ang kanyang likod. Mas lumapad pa ang kanyang balikat. Nahahalata na din ang back muscle niya dahil sa pagkahapit ng kanyang tee shirt.
He still has that strong effect on me.
Kailangan kong alalahanin ang laging pangaral ng nanay ko tungkol sa mga lalaki.
Hawak hawak niya sa kaliwang kamay ang kanyang bandana.
Nang nakatalikod na siya ay may napansin akong tattoo sa mag bandang baba ng siko niya.
A❤A
Kulot kulot ang pagkakasulat neto. At pure na kulay itim ito.
Hindi ko maitatangging may pinapangarap akong meaning nung kanyang tattoo ngunit pinalis ko agad ang kaisipang iyon.
Binuksan niya ang pintuan at may sinabi kay Kuya Ford.
Pagkatapos ay isinara niya ito at inilock niya.
Nandoon lang siyang nakatayo at nakahawak sa siradura ng pintuan. Nakatalikod pa rin siya.
Nais kong umupo ngunit pinili kong huwag gumalaw sa kinatatayuan ko.
Nagbalik ang alaala ko nang pinasok niya ako sa aking kwarto sa mansion.
Pinilig ko ang ulo ko upang makalimutan iyon. Doon nag-umpisang umusbong ang kakaibang damdamin ko para sa kanya.
Unti unti siyang humarap sa akin.
Bumuntong hininga ako.
Hinila niya ang isang upuan sa may harapan ng drawer.
"Sit here baby", utos niya sa akin. Hindi ako gumalaw. Tiningnan ko lang ang upuang in-offer niya sa akin.
"Adee, please.", nagsusumamo na ang kanyang mga mata.
Lumapit ako at umupo.
Kinuha niya ang isang upuan at iniharap sa akin.
Umupo din siya doon at naglean siya palapit sa akin.
Medyo umatras ako ngunit hinawakan niya ang kamay ko
"Now talk.", utos niya.
Medyo sumimangot ako.
Akala mo kung sino siyang makautos.
"Bakit ka bumalik?", diretsahang tanong ko.
"Because of you", simpleng sagot niya.
Titig na titig siya sa akin. Na para bang napakatotoo ng sinasabi niya. Na parang walang halong panlilinlang.
"Because of me? Eh nasaan ka sa nakalipas na dalawang taon?", nag-aalangan kong tanong sa kanya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Kahit na alam kong wala akong karapatan ay nangako siya sa akin. Iyon ang pinanghahawakan ko.
"This is the reason why I don't wanna go to Australia", pumatak na ang luha ko dahil sa inis. Binawi ko ang kamay ko.
"Anong koneksyon nun sa tanong ko Frank? Shit! Bakit hindi mo nalang ako diretsahin?", pinipigilan kong tumaas ang boses ko.
"Okay! Umiwas ako sa'yo. Iniwasan kita.", pagtatapat niya.
Hindi ko matanggap ang sinabi niya.
"But...why?", umiiyak na ako.
"Di sana hindi ka nalang nagbitiw ng mga salitang hindi mo naman pala kayang tuparin", akusa ko.
BINABASA MO ANG
Breathless
General Fiction"I never thought I would be breathless looking at a girl in her school uniform", wika niya sabay sa pagkinang ng kanyang earings at pagsiil ng halik sa akin. Hindi ko lubos akalain na hindi lang pala ako ang kinakapusan ng hininga kapag kaharap ko s...