End it
"Wherever you are...", binigkas ni Jaxen ang huling linya ng kanta.
Hindi ko mawari kung ngingitian ko ba si Frank or what.
Dahil sa pagtatapos ng kanta ay namatay ang mga ilaw. Naghiyawan ang lahat.
"Ehem", tumikhim si Preston. Hindi pa bumubukas ang ilaw.
Sa sobrang dilim ay hindi ko maaninag kung anong nagyayari sa stage.
"Where's Ford, man?", boses iyon ni Frank, sigurado ako. Hindi masyadong dinig, marahil ay malayo siya microphone.
May narinig akong humalakhak.
Oh God! Malalagot si Kuya Ford neto dahil sa kagagawan ko.
Hinawakan ko si Sam sa may kaliwa ko. Nakatayo pa rin ito. Kung tutuusin ay silhouette lang niya ang kita ko.
"I need to go.", paalam ko at hindi na hinintay ang sagot niya. Tumakbo na ako patungong pintuan.
Narinig kong inistrum ni Preston ang gitara niya para sa susunod nilang kanta.
Umilaw nang muli. Hindi na rin ako lumingon.
Nang sumulyap ako sa pintuan ay wala na doon si Kuya Ford.
Biglang lumakas ang sigawan ng mga fans sa parte ng "Patron Seats" na dinaanan ko.
Nagkagulo sila ngunit hindi ko na pinansin.
Patuloy ang pagtakbo ko patungo sa pintuan.
Nang nakalabas na ako ay kumakanta nang muli si Clyde at Jaxen.
Lumingon-lingon ako upang hanapin si Kuya Ford.
Wala siya dito.
"Oh God! Nasan na kaya si Kuya Ford?", tanong ko sa aking sarili.
Palabas na ako sa may bandang entrance area nang nagsisigawan ang mga babae sa labas ng arena.
Marami rami din talagang fans ang naghintay lang sa labas at ang tawag nila sa sarili nila ay Team Labas.
Ang ibang naubusan ng ticket o kaya mga hindi siguro pinayagan ng mga magulang na makapunta ay Team Bahay.
Mabilis ang lakad ko upang makabalik na agad sa may dressing room nang sumalubong sa akin si Frank at nasa likuran niya si Kuya Ford.
Nagulat ako nang niyakap niya ako agad. Halos umangat pa ako dahil sa yakap niya.
"I miss you. I miss you so so much. You're so stubborn baby", bulong niya habang nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko.
Pawisan siya ngunit mabango pa rin. Hindi pa rin siya nagpapalit ng brand ng pabango.
Everything about him is still the same. Except sa kanyang body built na medyo nagkalaman. Mas nahubog pa ang kanyang biceps.
Hindi ko alam kung iyon lang ba ang nagbago sa kanya, o kasama din ang mga pangako niya sa akin noon na lumipas na.
Kung maaari lang sanang putulin ko na din ang kumunikasyon ko sa pamilya Pearce mula nung pinili kong humiwalay ay ginawa ko na upang makaiwas ako kay Frank.
Ngunit naisip kong walang ipinakitang masama sina tito at tita sa akin upang gawin ko iyon.
Isa pa ay napalapit ang loob ko sa kanila at sigurado akong mas mamimiss ko sila kapag nangyari iyon.
Nang nakabawi na ako sa gulat ko tinulak ko siya upang makalas ang yakap niya sa akin.
"Di ba sabi ko sa'yo hintayin mo ako sa dressing room.", mapupungay ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Breathless
General Fiction"I never thought I would be breathless looking at a girl in her school uniform", wika niya sabay sa pagkinang ng kanyang earings at pagsiil ng halik sa akin. Hindi ko lubos akalain na hindi lang pala ako ang kinakapusan ng hininga kapag kaharap ko s...