Bye
Pagkatapos kong maghugas ng katawan at makapagbihis ay sumulyap ako sa aking wall clock. Alas onse y media na pala ng gabi.
Sinilip ko ang cellphone ko kung nagtext na ulit si Frank. Wala namang bagong message sa phone ko.
Napagdesisyunan kong magbasa muna ng libro ko sa isang major subject. Hindi ko alam kung dahil ba sa hindi pa talaga ako inaantok o may hinihintay lang ako.
Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko. Natural itong straight hanggang sa bandang baywang ko pero medyo nagcurve siya ngayon dahil sa pagkakapusod ko sa duty kanina.
Hinanap ko ang chapter kung saan na kami sa subject na ito.
Nagscan ako doon at medyo tiningnan ang mga illustrations.
Binasa ko ang isang word dun na binigyan ng meaning at inexplain kung paano gawin ang procedure na iyon.
Tatlong beses kong inulit ulit na basahin iyon pero hindi ko pa rin talaga maintindihan.
Pumikit ako ng mariin at nagulat ako nang may kumatok sa pintuan ko.
Napagbuksan ko si Austin at bihis na bihis ito. Sinadya niyang guluhin ang buhok niyang pinagupit niya sa tinatawag na mohawk.
Nakasabit sa kanya ang bass guitar niya. Naka tee shirt din siya ng oversize at nakajagger jeans.
"Ate, magpapaalam lang sana ako. Tutugtog kami sa isang club dito lang sa Trios.", banggit niya sa hilera ng mga clubs na dinarayo ng mga artista at iba pang anak ng mga mayayaman.
"Mom's busy with Kuya's visitors. I'll just text her and tell her na nagpaalam na ako sa'yo.", paliwanag niya sa akin.
"Okay. Anong oras kang makakauwi niyan? Gagamitin mo ba yung sasakyan mo?", lumapad ang ngiti niya.
"Yes ate. Of course, I will drive my chev. I'll be home by 3 in the morning.", sabay tingin niya sa wristwatch niya.
"Sige. Pero huwag kang iinom ng alak ha. Kundi malalagot ka sa daddy mo."
Tumango naman siya at ngumiti.
"Good boy here.", itinaas pa niya ang kanang kamay niya.
"Umiwas din sa girls baka mapikot ka", biro ko sa kanya.
"C'mon ate. Hindi ako ganun kahina", sabay kindat sa akin.
"Sus, yabang. Sige na sibat na. Mag-ingat ka ha."
"Okay, byie!", sabay talikod sa akin.
Nais ko sanang lumabas para icheck yung mga kasama ni Mr. Campbell na bodyguards kung may nag-aasikaso ba sa kanila.
Pero bago pa ako makapagdesisyon ay pinigilan ko na ang sarili ko dahil natatakot akong baka hindi ko mapigilang silipin si Frank habang nasa private room sila.
Tumitindi ang pagnanais kong marinig ang usapan nila ngunit sa tingin ko ay labas na ako doon.
Isinara ko ang pintuan ko. Inihanda ko nalang ang susuotin ko bukas sa pagpasok at ang libro at notebook ko sa minor subject ko bukas.
Uuwi nalang ako after ng first subject ko at dito na ako sa bahay magbibihis upang maghanda sa duty ko ng 3 pm.
Humiga na ako at pinilit ang sarili kong makatulog na dahil masyado nang malalim ang gabi.
Naalimpungatan ako sa pagvibrate ng phone ko dahil sa tawag. Nasa tabi ko lang pala. Tiningnan ko ang screen at si Frank iyon.
"Hello", bungad ko. Naihilamos ko ang kamay ko sa aking mukha.
BINABASA MO ANG
Breathless
General Fiction"I never thought I would be breathless looking at a girl in her school uniform", wika niya sabay sa pagkinang ng kanyang earings at pagsiil ng halik sa akin. Hindi ko lubos akalain na hindi lang pala ako ang kinakapusan ng hininga kapag kaharap ko s...