Kabanata 2

24 0 0
                                    


Broken

"Frank-"

"Ashton", pagputol niya sa akin.

Umiling ako. "Ashton, please don't make this hard on me. Your band is blooming. This will be your second tour. Kailangan mong bumalik ng Australia dahil marami kayong aasikasuhin.", sulyap ko sa kanya.

"They don't need me there. We have our manager and the organizers. This isn't like the first time we have our tour. This won't need much attention and preparations. Trust me baby.", nakangiti pa siya at susulyap sulyap sa akin. Nagmamaneho siya ngayon. Sinundo niya ako sa school after ng duty ko sa hospital.

"Oo nga, andun na ako pero look, hindi ba you need to rehearse and record for the album you'll launch during the tour?", nakatingin ako sa unahan.

Medyo dumidilim na ang kalangitan at nakasindi na rin ang ibang mga street lights.

Nakahawak ako sa seatbelt ko. Dinungaw ko siya nang narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"And besides Adee, I can't afford to leave you, especially now that you confessed to me, too. After all those hardships that I have gone through, naniniwala ka pa ring aalis ako para lang sa ganung mga bagay?", pagkumbinsi niya sa akin. Pumungay ang kanyang mga mata. Halos natibag na ang pagkatibay tibay na pader na ipinundasyon ko at siyang kinakapitan ko upang mapauwi siya sa kung saan siya nararapat.

Nasa Australia ang buhay niya. Nandun ang pamilya niya, his mom and 2 half sisters specifically.

Medyo bumagal ang usad ng kanyak sasakyan dahil sa traffic.

Nilingon ko siya. Napakagaan ng aura niya.

Napakaimposible talaga ng lalaking ito. Hindi ko pa rin mahulaan ang tumatakbo sa kanyang isipan.

Hindi ko akalaing basta basta na lang siyang nagdedesisyon ng ganun kabilis sa mga mabibigat na bagay na ganito.

Originally, dapat ay 1 month lang ang vacation niya dito dahil nirequest ng papa niya ang presence niya nang gumraduate ng senior high ang kapatid na si Austin.

Naextend nang naextend iyon sa hindi ko malamang dahilan. He simply said to his dad that he learned to love Philippines.

First time niyang magpunta dito. Although Pinay ang mom niya, ipinanganak si Frank sa Hornsby, Australia. Taga roon kasi ang dad niya, si Tito Albert, who by that time ay may-ari ng isang fastfood where his mom is a regular costumer. That's how they met according to his dad.

His parents decided to get divorsed when Frank was just 4 years old and his mother learned that his dad had a son with Tita Annie, Austin who is almost a year old then. That's all I know about the family.

I never met his mom personally but he lets me talk to her and to his younger siblings, Lauren and Harrieth through Skype.

His mom is so beautiful and for more than 2 decades of living in Australia, she's still fluent in speaking Tagalog.

I met his bandmates last Christmas when they visited Frank. I just had a little chitchat with them sometimes over a snack or a meal pero pansin ko agad ang pagka cool nila.

They always tease me and Frank. Before the New Year umuwi na din ang mga bandmates niya ngunit nagpaiwan pa rin siya and promised to go home at the end of January dahil na din sa mga schedules na naka set sa kanila at kailangang daluhan.

There's this one time that their band are going to perform in one of the night show in New York. He promised them that he'll go home. Pero hindi niya pa rin tinupad, tuloy nang nagperform ang West Coast ay ang recorded na drumbeats ni niya na lang ang sinabayan nila.

BreathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon