Kabanata 6

14 0 0
                                    

Kaibigan

After the dinner ay inihatid ako nila Frank sa may boarding house ko.

Sa may bandang west part ko tinuro ang daanan dahil kung dito sa may east ipapasok ang van ay baka may mga parte ng daan na hindi magkasya.

Medyo masikip kasi ang ibang mga daanan doon. Lalo na at may mga nakapark pang sasakyan. Kung tricycle ay pwede pero kung four-wheels ay mahihirapan.

Hangga't maaari sana ay ayaw kong ihatid nila ako sa may boarding house dahil papasok pa iyon. Alam kong pagod si Frank at baka inaantok na si Kuya Ford

Doon na sana ako sa may kanto sa bungad bababa at magtatricycle na lang ako ngunit hindi pumayag si Frank.

"What gave you an idea to transfer to this place?", tanong niya nang nadadaanan ang ibang lalaki na tulog sa mga upuan na nasa harap ng kanilang mga bahay.

Mainit marahil dahil Abril na din naman.

"Mura yung nahanap namin nila Sam at Aurora. Wala pang curfew kaya yun na ang kinuha ko.", paliwanag ko habang tuloy sa pagtuturo kay Kuya Ford kung saan kami liliko.

Importante sa akin na walang curfew dahil sa nagtatrabaho ako ng gabi hanggang madaling araw.

"No curfew huh?", tatango tango pa siya.

May bahay sila Samantha malapit lang sa school. Inoffer niya sa akin ngunit nakakahiya pa rin kahit magkaibigan kami.

Nangungupahan naman ng apartment si Aurora kasama ang kapatid at tatlong pinsan.

Kung tutuusin ay apat lang sana ang tatanggapin ng may-ari ng apartment ngunit pinayagan na rin nito ang isang pinsan ni Aurora.

Kaya hindi na rin ako pupwede doon.

Taga probinsiya sila. During vacation ay umuwi sila sa kanila.

Gusto niya kaming isama ni Sam upang mamasyal. Nais ko rin sanang sumama doon sa kanila ngunit wala pa akong naiipong ganun kalaki para gastusin lang sa pamamasyal.

Wala nang mga batang naglalaro dito sa kalye. May mangilan ngilang nga lang umiinom sa gilid ng daan.

Umiiling nalang si Frank tuwing may nakikitang ganun.

"Are you safe here?"

Tumawa ako sa tanong niya.

"Mahigit isang taon na ako dito Frank. Buo pa rin naman ako ah.", pabiro kong sagot sa kanya.

"Yeah, yeah right..."

Ang dami niyang mga katanungan.

Kung anong sinasakyan ko para makauwi. Kung may kasama ba ako pag-uwi. Kung may mga boarders bang lalaki. Kung may fire exit ba ang boarding house.

Sinasagot ko nalang ang mga tanong niya upang magtigil na siya.

Pinaliwanag ko din naman na puro kami mga babae sa boarding house.

"I really thought you are living with Stephen.", iling niya nang malapit na kami.

"Huh? Kanino mo nalaman iyan? Kay Sam?", at iniimagine kong pinapagalitan ko na si Samantha kung sa kanya nga nanggaling ang maling balita ba iyon.

"Nope...I just thought", sabi niya.

Umiling na lang ako.

Nagpark na si Kuya Ford sa harap ng gate ng boarding.

May duplicate naman akong susi kaya hindi ko na kailangan pang gisingin si Nanay Roda upang pagbuksan ako.

Bale tatlong susi ang hawak ko; para dito sa gate, sa main door at sa kwarto namin.

BreathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon