If you noticed mejo naiiba ang pagka format nung story ko. Sorry kung nakaka confuse.
***
“Uy pare, ano yang ginagawa mo?” Usyoso ng isang estudyante kay Andre.
“Ah ito? Iniisipan kong lagyan ng lyrics, pero parang nahihirapan ako eh.”
“Wow. Ikaw, nahihirapan? Di’ba magaling ka pagdating sa ganyan?”
“Sa paggawa ng music lang ako magaling pero hindi pa rin ako sanay sa paggawa ng lyrics eh.”
“Huwag mo kasi masyadong pag-isipan, lalo ka lang mawawalan ng idea. Isipin mo ang inspirasyon mo. Kusa na lang lalabas ang ideas sa isip mo...”
Umalis na ang lalaki. Teka sino ba yun? Eh hindi ko nga yata classmate yun e.
...inspirasyon?
Sinubukan ni Andre gawin ang payo nung misteryosong estudyante. Sa sobrang occupied sa paggawa ng lyrics ay hindi na niya napansin na tapos na pala ang klase. Hanggang sa pag-uwi niya ay hindi siya tumigil sa paggawa ng lyrics, kahit pa mapupuno na ng lukot na papel ang kaniyang bulsa.
Pag-uwi ay dumeretso agad siya sa kanyang tatay. “Pa, patulong naman sa paggawa ng lyrics.”
“Oh, anak! Hindi ka na lang pala composer ngayon, songwriter na rin!”
“Nahihirapan nga po ako eh. Gusto ko pa naman sanang magawa ‘to sa lalong madaling panahon...”
“Hmmm. Anak, hindi minamadali iyan. Kung mamadaliin mo, hindi magkakaroon ng sapat na oras para magmaterialize into words ang ideas na nasa isip mo.”
“Ganon po ba? Hindi ko dapat madaliin...”
Napag-isip-isip ko...tama ang mga sinabi nila. Kung gusto kong gumawa ng isang kanta na iaalay ko para sa isang tao, dapat hindi minamadali. Hindi masyadong pinag-isipan dahil baka magmukhang unnatural. Pero paano?
Hindi ko ma gets!
Hanggang sa higaan ay dala-dala parin ni Andre ang ginagawa niya. Isang verse pa lang ang natatapos niya. And at the looks of it, parang ibabasura niya pa ang nasimulan na. Binasa ni Andre ang nagawang kanta, saglit na umiling at nilukot ulit.
“I just can’t get this right. Gusto kong may lyrics ang gawa kong ‘to!” Kinuha niya ang unan at itinakip sa mukha. “Baka bukas...magawa ko na ng tama.”
***
“Anak, ang ganda ng almusal mo ah...” puna ni Anna, nanay ni Andre.
Ngumiti si lang si Andre at dumeretso sa lamesa. Nilapag niya ang notebook at nagtimpla ng kape. Pag-upo niya ay dalawang cup ng kape ang nakita niya. Kage bunshin Technique O.o
“Ipinagtimpla na kita, nagtimpla ka pa ulit? Spaced out ka anak ah...”
“Eh, hindi ko napansin...” Kinuha ni Andre ang kapeng timpla ng mama niya. “Isang araw na ako nag-iisip wala pa rin akong magandang nasisimulan.”
*sip*
“Parang napaka importante sayo niyan ah. Hm, Andrea, tama ba?”
“H-hindi ah!” *siiiiiiiip*
*gulp*
“Ow-Ow! Ang inet! Ang inet!”
BINABASA MO ANG
Four Times Trouble Equals Love (Hiatus)
HumorFour times the girls. Four times the frustration. One true love, two college years, three best friends, four sincere lovers, uncountable chances missed. Calling me the "Lucky Guy" is a butthurt. Being popular is the largest disadvatage bestowed upon...