Ch 01: Andre/a

11 0 0
                                    

            Saturday night sa tabing ilog. Usual spot ng mga nagliligawan, minsan ng mga naliligaw rin. Ang lakas maka-mainstream pero talagang romantic yung view. Mga kumikinang-kinang na ilaw sa ilog gawa ng mga nagtataasang building sa kabilang side. Hindi rin nauubusan ng fireworks dahil sa dami ng lalaking gustong idaan ang nililigawan nila sa putukan (ooooh). Yung mga mayayaman, nakasakay sa sari-sarili nilang yate. Mas masaya daw mag date kung nasa ilog mismo kaya meron ding mga balsang makikita. Minsan isang tao na lang yung nasa balsa dahil nalaglag na yung kasama niya. Sa kabilang side ng ilog ang mas romantic. Hindi tulad sa east side na puro building, dito tahimik. May mga nagtataasang palm trees, mga duyan at flower beds. Meron ding talahib beds na gawa ng mga hindi napigilan ang init ng putukan. Mga bandang tumutugtog. Best hang-out place na siguro para sa mga teenager na katulad ko.

            Isang babae ang lumabas sa pintong tinititigan ni Andre. Ang ganda niya. “Andrea!”

            First time ko siyang nakita ng gano’n. Kababata ko siya, kaya naman hindi ko alam na magiging ganito siya kaganda sa mga mata ko. Hindi ko rin alam kung kailan, ang alam ko lang...

            nahuhulog...

            na...

            ...ako.

“Ang ganda ko ‘no? Hihi. Inayusan ako ni mommy eh.”

            *gulp* “Ah-eh oo nga, he-he.” Binawi ni Andre ang cool niya. “So, tara?”

“Hindi mo ba ako ipagpapaalam kay mommy? Hmm.”

            “Ano? Pero... hindi pa ako nakakapagpaalam sa nanay ng babae. First time ko pa lang magyayayang lumabas...”

            *missing* “Andrea???” Eh? Asan na si Andrea?

“Mommy, si Andre nga! Halika naaa...may sasabihin daw po <3” Huling nakita ni Andre ay nasa tapat niya na ang mommy ni Andrea at kinakausap siya. “Oh Andre, ano pala ang sasabihin mo?”

            ...tik tok tik tok...

“YIEE!! At ano naman kaya yun? Ahihi. Liligawan mo ba ang anak ko? Mag d-date kayo? Yieee, nakakatuwa namaaan. hihihi”

            *sweatdrops* “Mommy naman. Eh mas kinikilig pa yung mga buto-buto mo kesa sakin eee.”

“Uh tita Mina...gusto ko po sanang, ilabas si Andrea...kasama ko po...kung pwede...po...tita...”

            ...tik tok tik tok... May mali ba akong sinabi? Hala, hala, tinitingnan lang ako ni tita!!

“Promise po iingatan ko po ang anak ninyo, ibabalik ko po siya ng buo!”

            ...tik tok tik tok...

“Babalitaan niyo ako ha?” Lumapit si Mina kay Andre at bumulong, “sabihin mo kapag nag holding hands na kayo, o kaya naman...ahihi...nag kiss, yiiieee <3”

            “MOMMIIIEE???” Hinila na ni Andrea si Andre. “Bye mom, baka kung ano pa masabi niyo kay Andre eh.”

“Okay anak! Wag masyado pahirapan si Andre ha?!”

***

“Si tita talaga. Parang kasing edad lang natin siya ano? Haha.”

            “Spoiled sa sweetness ni daddy kaya ganun.”

“Nakakatuwa sila, kahit matagal nang taong ang lumipas, teen at hearts pa rin sila. Ang cute.”

            Saglit naging tahimik ang dalawa. “Saan ba tayo pupunta?” tanong ni Andrea.

“Secret syempre...mawawala yung excitement kapag ganun=)”

            Naglakad sila patunong river side, at tulad ng inaasahan, makulay nga ang langit gawa ng mga fireworks. Ganon rin ang surface ng ilog na nagrereflect ng ilaw ng kalangitan, pinabongga pa ng mga kumikinang na ilaw ng mga yate ng mapapalad na nilalang. Lumapit ng onti si Andrea at mahinang nagsalita, “Masaya ako at naisipan mong ilabas ako...”

“Um, kasi namimiss ko lang na lagi tayong magkasama. Minsan na lang tayo lumabas ng ganito.”

            “Oo! Tapos maglalaro tayo hanggang gugustuhin. Ahaha. Naaalala ko tuloy noon kapag nilalagyan ko ng kung anu-ano yung music sheet na gawa mo...tapos kapag tinugtog ni tito Andrew

           " “Para siyang clown~” " nagkasabay silang dalawa...

            ... at nagkatinginan.

            *shy*  “Alam mo, noon ko pa nagugustuhan ko na yung galing mo sa paggawa ng music.”

“Um *blush* salamat, hehe. Alam mo may bago pala akong gawa.”

            “Talaga!!? Gusto kong marinig!”

“Actually, yung kanta na yun talaga namang para...” sayo...

            “para...?”

“para...” SAYO!

            “huh?”

“...p-para sa t-taong bayan.”

            “Taong bayaaan?! Ahahaha” Sandali rin nagkaro’n ng katahimikan. Pinagmamasdan ni Andrea ang mga fireworks na gawa ng kung sino mang feeling bida ng telenovela habang si Andre naman... ang mukha ni Andrea ang pinagmamasdan.

“Andrea...” Mahinang tawag ni Andre kay Andrea. Lumingon si Andrea.

            Nagkatinginan sila ng matagal.

Closer...

            Closer...

                        *eyes closed"

            “uh-” napatigil si Andre. “s-s-sorry...”

            ***

            ***

“Bye Andre! Salamat ulit! Ingat ka pauwi ah!”

            “Sige! Paalam ^.^”

            Naglalakad na si Andre at hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari kanina.

Muntik na. Sa totoo lang inilabas ko siya dahil namimiss ko na siya.

            Hindi ko naman akalain na...

            ...muntik ko pa siyang mahalikan. Pero, hindi ko na naman nagawang umamin sakanya!

            Di bale. Hindi ako mawawalan ng pag-asa! Isa pang pagkakataon, magtatapat na talaga ako!

...Isang pang pagkakataon!!!

Four Times Trouble Equals Love (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon