Bumibili si Andre ng hot chocolate (iyon kasi ang iniinom ko ngayon, hehe) sa isang vending machine sa canteen kasama si Jack, classmate niya.
P5.00...*clank*
P2.00...*clank* *clank*
*dripping chocolate*
“Wala na namang prof sa music...hay naku, kung kelan naman kailangan eh.” Sabi ni Andre.
“Kumuha ka ng miscellaneous subject na Music? Kailangan mo pa ba no’n?”
Pumunta sila ni Jack sa bakanteng table. “Oo naman. Hindi naman ako genius sa music eh.”
“Pero gifted child lang? haha!”
“Mana lang sa tatay no.” *sip*
“Buti ka pa. Straight to a girl’s heart ang music pre. Just think of it na katulad lang ng effect nila sa atin iyon kapag pinaguluto nila tayo.”
“Hindi ko alam yan ah. Pero hindi ako gumagawa ng music para magpa-impress sa mga babae. Gumagawa lang ako kapag nasa mood ako, at kapag may sapat na inspiration...”
*sip*
“...gumagawa ako kahit wala akong idea kung magugustuhan ba ng ibang tao ang gawa ko.”
“Parang sona lang ah. Nice speech pre! Yadada bla bla bla...”
Anong sabi ko ulit? Hindi ko lang siguro naiintindihan ang art sa paggawa ng lyrics, pero... I think it’s just the same kapag gumagawa ako ng music. Mood. Inspiration. Dapat carefree. Yun ang nakalimutan ko!
“dadada Huuuy! Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?”
“Ah-sorry, may sumagi lang sa isip ko.” Inabot ni Andre ang hot choco kay Jack. “...sayo na lang pre, may pupuntahan lang ako saglit.”
“Oh, salamat!” *looks inside the paper cup*
“...kahit kelan talaga, Andre -.-”
***
Next subject sana ni Andre ang music. Dahil walang prof sa subject niya ay may isang oras at kalahati pa siyang magagamit na oras pagkatapos ng break time. Dali-daling umakyat si Andre sa rooftop, nilabas ang notebook at inilapag ang bag sa sahig.
“Hindi masyadong mainit...marunong rin pala makisama ang ulap kahit minsan.”
*girl’s voice from somewhere* “...Andre?!”
***
“Yes ma’am...”
Labasan na agad nila Andrea. Nagbigay lang kasi ng quiz ang last subject professor nila, at natapos naman nila nang maaga. Biglang naubusan ng gagawin si Andrea dahil may kanya-kanyang business ang mga kaibigan niya. Movie ulit. Sawa na siya dahil tuwing maaga ang uwian nila ay ganoon na lang ang ginagawa ng mga girl friends niya.
Isang grupo ng lalaki ang sumalubong kay Andrea by the time na nagpaalam ang iba pa niyang kasama. “Mariz, mind if you get some company?”
“NO thanks...I’ll never waste my time on you guys. At isa pa...stop calling me by my surname!”
Nag walk-out si Andrea at nagmadali. Delikado ang mga lalaking iyon. Malinis ang records nila pero sila yung mga tao na feeling mo na-rape ka na kausap mo pa lang sila.
Makaka isa rin kami sayo, Mariz...
Dahan-dahang naglakad si Andrea pauwi, hindi na siya sumakay dahil gusto niyang mag-isip ng gagawin.
“Ang aga ng labasan namin, haaay. Si Andre...alam ko mamaya pa ang labas niya. May music at English pa siya ngayon...” How come na kabisado ko ang schedule niya?
Pagkarating niya sa daan papuntang bahay nila ay tumigil muna siya at tumingin sa kabilang kalsada. Doon ang daan papunta sa pinapasukan ni Andre. Dalawang oras lang naman or something... Maya-maya palabas na rin yun. Nang marating ang school, tumayo lang siya sa tapat ng gate.
“Miss, may hinihintay po kayo? Pwede ka namang pumasok sa loob, iwan mo na lang ang ID mo dito.”
***
“Andrea!?” iyon agad ang nabanggit ni Andre nang nilingon niya ang tumawag sa pangalan niya.
???
“Oh, sorry....you’re expecting someone else, I guess?”
“Miyuri.” Si Miyuri ay classmate ni Andre sa music class. Hindi sila laging nag ha-hang out na magkasama pero madalas nag e-end up pa rin na sila ang magkasama kahit saan. Sa canteen, sa library, sa studio, at ngayon, dito. “Anong ginagawa mo dito?”
“Killing time. Wala tayong prof diba?”
“Nandito ka ba lagi?”
“Yup. Favorite place ko dito...” Tumabi si Miyuri kay Andre. “Ano ba ‘yang ginagawa mo?”
“Uhm, kanta lang ‘to. Ibibigay ko sana isang babae.”
“Oh really? Ang swerte naman niya at pag-aalayan mo ng kanta.” Tiningnan ni Miyuri sa mata si Andre. “Siguro wala pang nakapagsabi sayo, pero ang dami mo nang nabiktima ng kanta mo...”
“Nabiktima?”
“Na-inlove... katulad ko...”
“M-miyuri? Alam mo-”
Hindi na pinatuloy ni Muyuri na matapos ang sasabihin ni Andre at nagsalita, “...oo alam ko, may isang babae jan sa puso mo na hindi kayang higitan nang kahit sino.”
Ngumiti si Miyuri at nagpatuloy, “I admire both you and your works and I will always be your fan, pero ang gusto ko lang talagang sabihin...”
“...that girl sure is lucky na magustuhan mo. Bakit hindi ka pa umamin sakanya?”
Napangiti lang si Andre at tumingin ng deretso. “Ilang beses ko na rin sinubukan, pero lagi akong nawawalan ng lakas ng loob...” Tinitigan ni Miyuri si Andre sa mata.
“Pero last time muntik pa kayo mag kiss, ahihihi...”
“T-teka, alam mo yung nangyari nung nakaraang gabi? Nakita mo ba kami?”
“So muntik na nga talaga kayo mag-kiss? Haha. Hinulaan lang kita eh ^.^” *kilig*
Uhh, Am I that way too predictable? *insert fail sound here*
> “naririto talaga siya!” *rumble* *rumble*
< “sandaliiii!”
> “gusto ka lang namin makausap!!!”
< pagod na ako!
> “ang sweet! Habulan gusto niyaaa <3”
< “waaaa !!”
“Ano ‘yon?”
Nagpunta sina Andre at Miyuri sa gilid para makita ang kaguluhan sa baba.
a closer look...
...a cloooseeer looook,
“Andrea??!!”
BINABASA MO ANG
Four Times Trouble Equals Love (Hiatus)
HumorFour times the girls. Four times the frustration. One true love, two college years, three best friends, four sincere lovers, uncountable chances missed. Calling me the "Lucky Guy" is a butthurt. Being popular is the largest disadvatage bestowed upon...