South Wing College 7:18 a.m.
Ang SWC ay ang pinapasukan ni Andrea. Kabilang ng East, West at North Wing Colleges, binubuo ng apat na colleges ang NEWS University, isang malawak na connection ng mga private colleges na nakapalibot sa border ng lungsod kung saan nakatira sina Andre at Andrea.
Osha. Yun ang SWC. Naglalakad si Andrea papunta sa kaniyang classroom pero iilan lang ang naroon sa loob. 12 minutes na lang kaya nakakapagtakang wala pa rin estudyante. Anong meron? Bago pa makarating sa designated seat niya ay tinanong siya ni Rian, “Mariz, hindi ka pupunta sa event sa kabilang building?”
Event sa kabilang building? Wala akong idea tungkol dun ah. “Anong event?”
Lumapit si Rian at hinawakan ang mga kamay ni Andrea. “NEWS event! From south to north magpeperform dito sa atin!” Nagtatatalon si Rian. “Huum, yung mga taga North Wing papunta na rin!! Yiiieee!!!”
“Pati mga taga NWC?” Ang NWC ay naiiba dahil exclusive school iyon. Mga mayayaman lang ang nakakapasok doon dahil sa mahal ng tuition fee. Ganoon na lang ang bayad doon dahil sa NWC galing ang pondo para sa South, East at West Wings.
*zuuuhhhhrrrruummm*
Nagdaratingan na ang mga estudyante ng NWC, mga naka Lamborghini at Corvette... Feeling mo nasa mundo ka ng Need For Speed dahil sa mga kotseng dala nila.
“Eh bakit nandito ka pa?” Tanong ni Andrea.
“Hinihintay ka! Hindi ako selfish no... tara na, daliiii!!!”
***
NEWS Event... Hindi ko alam na sa ganito pa kalaking event maiimbitahan ang tulad ko. Sa katunayan, isinasagawa ang ganitong event taun-taon para maghanap ng estudyanteng may potential na makapasok sa North Wing. Anim ang representatives bawat wing, at pupunta ang mga taga NWC para mag perform.
Pipiliin ang estudyante base sa kanilang grades at sa performance na gagawin on-stage. Ang mga sponsors ang magbabayad para sa pag-aaral ng mapalad na estudyante... Whew. Buti sana kung iilan lang ang competitors. 18 kaming lahat (6 per wing, not including north wing). Wala naman talaga akong pag-asa eh, pero iba ang pinunta ko dito... Hindi ako nandito para sa schlarship kundi para...
...magtapat kay Andrea...
ON STAGE !!!
...kaya ko kaya? -.-
Some time later...
“Hindi ko pa rin nakikita si Andrea. Kinakahaban na ako. Tsk, bakit kasi walang ni-isa man lang sa kakilala ko ang nakasama sa event na ‘to?!” Hinipan ni Andre ang palad at kiniskis. Masama ito. Baka manigas ang daliri ko mamaya. Relax, Andre, relaaxxx...
“HUUUY!!” Biglang may mga kamay na bumagsak sa balikat ni Andre.
“Ayiyi!! O_O” Nagulat si Andre.
“Ai. Hihi. Nagulat yata kita=)”
“M-miyuri?!...At Jack?”
“Sinama lang ako ni Miyuri, he-he. Andito kami para sumuporta!” Sabi ni Jack.
“Sabi ko I’ll always be your fan... Maaari bang mawala ako sa ganitong kalaking event? Hihi.”
“Salamat, maraming salamat!!”
Buti at naroon sina Miyuri at Jack, kahit papaano nawala ang kaba ni Andre. Nagpunta sila sa canteen, not surprisingly halos kaparehas lang ang canteen ng SWC sa EWC. Bumili si Jack ng hot chocolate...
*clank* *clank* *clank*
“...hindi ka bibili Andre? Nakapanibago ah.” Tanong ni Jack.
“Pass muna. Kakanta ako mamaya eh...” Pagkatapos bumili ay bumalik na agad sila sa building na paggaganapan ng event. Nakasalubong nila ang student organizers at pinapunta sila sa kanilang upuan. Habang naglalakad...
“Gusto mo?” Inabot ni Jack ang hot choco.
Tumingin si Andre kay Jack...
Hot choco? Hmmm... “Ibigay mo na lang kay Miyuri para sakin...” Nagpaalam nang umalis si Andre dahil hindi naman siya dapat doon umupo. May designated seats ang mga mag pe-perform.
“Kelan ba’ko makakabawi dito kay Andre!?” Tinupi ni Jack ang paper cup ng na walang laman.
***
What was I thinking noong mga nakaraang araw at nakalimutan ko ang NEWS event?
“Ang tagal magsimula ah...” Sabi ni Rian na may pagkainip ang tono ng boses.
“Uhm...” At last. Nagsalita na ang emcee.
“Yiiieee... ayan na Mariz!!”
“We’re very sorry for we are experiencing some technical problems concerning our sound system...”
“Whaaat? Grabe ah, I thought he’s gonna say ‘Let us all welcome, the NW Flash Back!’ o kung ano man bukod jan sa ihhhh!!! Yang technical error na yan >.<”
*sip*
“Mariz, nakikinig ka ba sakin?”
*sip*
“Ugh, pati ba naman ikaw?!!!” inabot ni Andrea ang hawak na paper cup.
“Hot chocolate? Hihi. Salamat.”
“Wag mo’ko istorbohin kapag iniinom ko ang favorite ko, haha!” :p
About five minutes later ay official nang nagsimula ang NEWS event, at lalo pang dumami ang mga tao sa loob ng building. Naunang magperform ang NW Flash Back, ang pinakasikat na dance crew lang naman sa apat na colleges. Ang lalakas ng tilian ng mga babae, lalo na si Rian na sigaw lang ng sigaw ng “Wooo!! I love you Vincent!!”. Hindi rin nagpatalo ang mga lalaki, may mga chix rin kasi na kasama sa NW Flash Back kaya todo sigawan rin sila. Medyo kumalma na ang mga manonood pagkatapos ng NW Flash Back at nagsimula na ang totoong event.
“Ang gagaling rin pala ng mga taga-ibang wing.”
“Pero mas magaling pa rin mga taga north! Haaaauuu ~” Sabi ni Rian, medyo pagod pa sa kakasigaw niya kanina.
“Expected naman nang magagaling ang mga tara NW... pero sa tingin mo, taga saan kaya ang mapipili para sa scholarship ngayon?” deretso lang ang tingin ni Andrea sa stage.
“No idea.” Tumingin si Rian kay Andrea. “Pero Mariz, I wonder about that guy na taga-East wing...”
“East wing? Sino?”
Naaalala ko tuloy yung nangyari kapahon sa East wing... nakakahiya talaga, pero to be hugged in such an open space...
“Hmm... nakalimutan ko na yata yung name. Uploaded sa internet ang mga compositions niya...uh well, hindi siya kumakanta pero nakaka inlove siya mag piano=)”
Parang...
...si Andre?
Seconds lang ang makalipas nang magsalita muli ang emcee para i-introduce ang susunod na estudyanteng magpe-perform sa stage. Sa gilid ng stage ay may inaakyat na Grand Piano.
“And for our next performer, here is...”
BINABASA MO ANG
Four Times Trouble Equals Love (Hiatus)
HumorFour times the girls. Four times the frustration. One true love, two college years, three best friends, four sincere lovers, uncountable chances missed. Calling me the "Lucky Guy" is a butthurt. Being popular is the largest disadvatage bestowed upon...