Ch 00: The Equation of Love

29 0 0
                                    

Ano ba ang equation ng love?

            I < 3 u ?

            Korni. Mainstream. Nakakasawa na. Araw-araw nakikita ko na lang ‘yan sa GM ng mga magsyotang nagpapainggit sa mga single out there...

            ...tulad ko.

SINGLE.

            Hindi ko nga alam kung bakit ngayon hindi pa ako nagkakaroon ng girlfriend.

Pero Marami nagkakagusto sakin, aba bakit hindi?

            Ako lang naman si Andre Evener ng East Wing Colleges, isang sikat na estudyante sa loob at labas ng music class (pero Computer Science ako, haha) dahil sa angking galing sa musika. Hindi sa’kin nanggaling yun ah. SILA ang nagsasabi at isa pa,

            ...hindi hypothesis yan. That’s a LAW. Hehe. Pero kahit ganon gusto ko lang naman kasing girlfriend ay yung magtatagal. Hindi pang display, hindi pantawid init.

            Yung alam mong hindi pang 1 week...1 month...1 year.

            Minimum? AT LEAST FOREVER. Haha. Ang choosy ko no? Parang chix. Ayoko lang naman kasi magkamali. Iba ang laro at pag-ibig. Kung gusto mo lang naman ay maglaro eh maraming playground jan. Mga immature lang ang mga naglalaro sa feelings ng kapwa. Mga bata batuta.

            Pero sa totoo lang I have found the girl I am looking for. At ironically siya ang dahilan kung bakit wala pa akong GF hanggang ngayon. Kababata ko siya, at kung may term lang na ‘Kabe-baby’ ay mas fit yun.

            I never knew na sakanya na pala ako nahuhulog. Siguro nga totoo yung “You’ll never know when you’re falling in love until you have already fall for.” sabi ng paborito kong DJ, si Papa Jack. Gabi-gabi yata ako nakikinig sakanya. 90.7 alas nuebe ng gabi. Naka save pa nga sa CP ko yung tinatawagan na number at minsan napapadaanan ko pa ng GM. Hehe.

            Sinisimulan ko nang suyuin ang kababata kong to.

            Nakakainis at sa tinagal-tagal namin magkakilala ay ngayon lang ako nagkagusto sakanya.

            Maraming beses na rin akong nag-try na umamin...

...pero hindi ko magawa.

            Nakakatakot kaya! Imagine everything is on the line. To risk such a magnificent relationship si so much magnifficult. Baka hindi rin siya maniwala sa’kin. Lately parang bumubunga naman yung efforts ko, pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakapagtapat sakanya. Kainis. Lagi akong nawawalan ng lakas ng loob.

            Alright. Here it goes!   *Fixes collar, sprays perfume*

“Andrea... Mariz.”

Four Times Trouble Equals Love (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon