Ang laki ng ngiti ni Andre hanggang matapos ang mga performance ng estudyante. Sinabihan silang bumalik at after at most 30-45 minutes break para mabigyan ng oras ang mga judges at sponsors para piliin ang mapalad na estudyanteng mabibigyan ng full scholarship sa NWC.
Agad na pinuntahan nila Miyuri at Jack si Andre para batiin.
“Pre, ang galing mo talaga!” *gimme five*
“Salamat Jack!”
“Ahn...dreeeeiiii ~~” *heart eyes* natulala lang si Miyuri kay Andre.
*pats her shoulders* “...easy lang, Miyuri. Ahaha!”
“Yiee, ang gwapo mo kaya kanina! At nakaka-inlooooveee... La-la-la~ alam mo kung sa akin ka lang may gusto sinagot na kita <3 hihi..”
Dalawang babae ang magkasamang dumating.
(Jack) *jawdrop*
*smiles* (Rian)
Tumayo sa tapat ni Andre si Andrea at inayos ang collar ng polo niya. “Ayos na sana kaso ung collar mo hindi naka-align ng maayos :)))”
(Miyuri) “Yiiiee... para kayong mag-asawa. Ahihi.”
Napaatras ng onti si Andrea at nag blush. Pinakilala ni Andre si Miyuri.
“Andrea, si Miyuri nga pala, kaibigan ko. Tapos it..”
Ituturo na sana ni Andre si Jack, “...yang lalaking yan na nakatulala si Jack.”
Kinuha ni Miyuri ang mga kamay ni Andrea. “Haii, Andrea! Miyuri nga pala :)))”
“Yun namang nag papacute na chix kay Jack, si Rian.” Sabi ni Andrea.
Napagpasyahan nilang pumunta sa canteen para bumili ng snacks bago magsimula ang accouncement. Bumili si Andre ng dalawang hot chocolate at ibinigay ang isa kay Andrea. “Salamat.”
Inabutan niya rin si Jack...
Alam ko walang laman ‘to! Hindi mo na ako maloloko, Andre!
“Ibigay mo na lang kay Miyuri para sakin...” sabi ni Jack. Na-outsmart rin kita, haha!
“Miyuri oh. Ayaw ni Jack e, ibigay ko na lang daw sayo...”
“Thanks, Andre! Salamat Jackkk!!” sabay *bleeeh* kay Jack. “Hihi..”
ARRR! Naisahan mo na naman ako!!!
Bumili pa si Andre ng isa para sakanya at isa para kay Rian.
“Galante ah. Parang hindi ikaw :p” sabi ni Andrea.
“Masaya ako eh ^_^” Nagpalitan sila ng ngiti ni Andrea, sabay yuko pagkatapos.
Mamatay-matay na sa kilig si Miyuri habang pinanunuod ang dalawa, samantalang sina Jack at Rian naman may sariling business. “Hindi ko alam na ganito pala ka-masayahin si Andre kapag ikaw kasama niya, Andrea.”
“Haha, bakit, suplado ba yan sa school niyo?”
“Oo! Tapos ang tipiiiid sumagot! Kapag nagkasalubong kayo kahit mag ‘hi’ ka, ngingitian ka lang, parang ganito oh...” idi-nemonstrate ni Miyuri ang ngiti ni Andre, FPJ style™
“... tas marami pang iba yun!”
Tawa naman ng tawa si Andrea kay Miyuri. May bagong friendship na naman siya. Si Andre naman hindi akalain na gano’n kakulit si Miyuri. Medyo serious-type kasi siya kapag silang dalawa lang ang magkasama, kaya pati siya tawa rin ng tawa.
“Pero kanina...” Mejo naging serious ang tono ni Miyuri. “...yung taga NW na nagpiano rin bago ikaw, nakaka-amaze rin talaga.”
“Oo nga. That sadness. Akala ko talaga kanina nadadala lang ako dun sa music, pero nag complement lang pala yung tugtog yung galaw niya, expression ng mukha at mga mata niya.”
“Ikaw Andre, ano naman masasabi mo?”
“Speechless. Just by looking at her as she moves, even without the music... talagang mararamdaman mo yung emotions niya.”
Tumingin si Miyuri kay Andre...tapos kay Andrea. “Eh parehas lang kayo ng sinabi eh!”
“Ahaha! Ikaw kasi ginaya mo’ko eh...”
“Ui hindi kita ginaya! Magkaiba kaya tayo ng sinabi!”
To see how this two get along well... bakit hindi pa kayo hanggang ngayon? Si Andrea... siya yung sa unang tingin mo pa lang alam mo nang siya yung tipo ng babae na bagay maging bida sa isang love story. Siguro kung ano man love story nila, ang korni nung author kasi hindi pa rin niya ginagawa na maging sila... Haiiinakunamampo. Now I am seeing kung bakit siya ang nagugustuhan ni Andre. Above all, napaka-compatible pa nila.
Pero hindi parin ba alam ni Andre? Obvious naman na gusto rin siya ni Andrea eh. Thickheaded ba si Andre o talagang psychic lang ako... If only I knew them better.
...right.
I’m gonna KNOW them better.
“27 minutes na makalipas...babalik na ba tayo?” tanong ni Andre kina Miyuri at Andrea.
“Tara! Excited na akong malaman yung results.”
Bumalik na silang lima sa auditorium. Habang patungo roon, inusisa saglit ni Miyuri si Andrea at nagtanong ng maraming bagay tungkol sakanya at sakanila ni Andre. Napansin ni Andre na maya’t-maya kung sumulyap si Miyuri at ngingiti na parang may kakaibang natuklasan tungkol sakanya.
Wala nang makausap si Andre. Kung si Jack naman. Naku, wag mo nang tanungin. Yung epekto ng love at first sight hindi pa rin nawawala at eto, para bang mamaya-maya lang handa nang magpakasal yung dalawa.
Para kay Andre, napakalayo ng nilakad nila... samantalang si Miyuri parang bitin pa sa pakikipag-usap kay Andrea.
Miyuri... simula noong umamin siya sa’kin sa rooftop naging mas close na kami. Pero aside doon, wala namang nagbago. I don’t think na meron siyang hidden intentions, at ayaw kong isipin na meron nga. After all parang happy naman siya na friends lang kami.
“Pwede naman na sigurong hindi umupo sa may harapan...” sabi ni Andrea kay Andre. Tatabi na dapat siya nang umupo si Miyuri sa tabi ni Andrea, at si Rian naman nasa kabilang side na.
Binabawi ko na ang iniisip ko tungkol sayo kanina >.< zzzzz
***
Nagsisimula na ang pamimigay ng special awards. Hindi exempted ang mga taga North Wing sa awards kaya inaasahan na ng mga estudyante na karamihan sa mga ma-aawardan ay taga NWC.
Bryon Pete Reyes
Ami Nivero
Karen Perez
“Ugh. As expected sa NEWS event... mga taga-NWC na naman. Haiiinakuuu.” Sabi ni Miyuri na bored na sa paulit-ulit na “*insert name here* from North Wing College!”
“Talaga naman kasing magagaling sila.” Sagot ni Andre.
Sandaling tumigil ang host sa pagbanggit ng mga awards... nagbuild-up na ang tension.
Ito na kaya ang announcement? “Gosh, kikabahan ako bigla...” sabi ni Miyuri.
“...at para sa pinakahihintay na announcement!”
BINABASA MO ANG
Four Times Trouble Equals Love (Hiatus)
HumorFour times the girls. Four times the frustration. One true love, two college years, three best friends, four sincere lovers, uncountable chances missed. Calling me the "Lucky Guy" is a butthurt. Being popular is the largest disadvatage bestowed upon...