Chapter 2

5 0 0
                                    

Nalingon silang lahat saamin.

Nakita ko pa ang ibang artista na kasama ni Maki Alvarez sa grupo nila. Si Kirus, Jiroh, Mccoy, Kyle, Jamie, Ñigo... shet. Kasama nila ung sikat din na grupo ng mga babae na sumasayaw sa isang noon time show. Actually, ang grupo nila Maki Alvarez at ang grupo ng mga babae ay parehong sumasayaw sa iisang noon time show.

"Paulle!"

"Uy, Rian!"

Nakita kong lumapit si Paulle sa babaeng kakaahon palang mula sa pool. Si Rian Rivas. Kasama siya sa sikat na girl group. Kilala siya ni Paulle? Nagbeso silang dalawa. Nakita kong pinakilala ni Rian Rivas si Paulle sa mga artistang kasama niya.

Sinenyasan kami ni Paulle na lumapit. Lumapit kami sakanya at isa isa kaming pinakilala kay Rian Rivas at sa mga kaibigan niyang artista.

"...at ito si Ckilson, Aison for short. Bestfriend ko."

Nag hello at nakipag kamay sakin si Rian Rivas at ung ibang artista yung iba naman tumango lang at ngumiti saka nag hello. Kasama na si Maki Alvarez sa mga iyon. Sht.

"Teka. Asan si Allyson?"

"Nung bumaba ako galing kwarto nya magbibihis palang siya non."

"Malamang aabutin nanaman yon ng siyam siyam!"

Nagtawanan ang barkada.

"Sino si Allyson?" Nakangiting tanong ni Rian Rivas.

"Nakababatang kapatid ni Aison. Crush nun si Maki!"

"Talaga? Maki! Crush ka daw ng kapatid nya!" Napatingin kami kay Maki na naka upo sa gilid ng pool at naka tingin samin.

"Talaga?" Nakangiting tanong ni Maki.

"Oo! Crush na crush! Nako!" Sagot ni Paulle.

"Asan siya?" Tanong ni Maki.

"Ay naku. Nandun pa yun sa unit nilang magkapatid. Baka papunta na yun."

"Pakilala niyo sakin mamaya ha." Sabi niya ng nakangiti. Masiglang tumango si Paulle.

Nako! Kung andito ang luka, malamang tinakasan na yun ng hininga sa kilig!

Napagdisesyonan ng barkada na humiwalay muna sa grupo nila Rian Rivas habang wala pa si Ally. Surprise kung baga. Itatago daw muna nila si Maki at tatalikod sila sa pwesto namin para hindi halata.

Excited na kong makita ang reaction ng aking kapatid. Hahaha!

Allyson's Point of View

Sumakay ako ng elevator mag isa. Buti nalang sanay na kong mag isa at iniiwan. Joke! Haha.

Kinalikot ko ang instagram account ko habang naghihintay na makarating ako sa rooftop.

May post na selfie si Maki! Sht. Ang gwapo! Nilike ko agad syempre!

Bumukas ang elevator at lumakad ako papuntang pool are ng rooftop habang nagkoconcentrate sa pag s-screenshot ng mga bagong posts ni Maki. Shems! Heaven!

Agad kong nakita sa peripheral view ko sina Ate Aison. Nakita ko din na may mga kasabay pa kaming mag swimming, siguro ung barkada nanaman nila Ressley, yung taga kabilang floor na inaaraw araw ata ung pagdadala ng kaibigan para mag swimming.

"Ano nanaman yang ginagawa mo?" Tanong ng Ate ko habang umuupo ako sa upuan sa gilid ng pool. Tumalikod ako sa mga ibang kasabay namin sa pool.

"Syempre iniistalk si Maki" tumawa ako ng mahina.




-

A/n: Guys! Kung may nagbabasa man neto, comment naman po kayo kung ipopost ko pa ung ibang chaps na nasa drafts ko o hindi. Baka kasi ayaw ng ta o napapangitan kayo sa story ko. Un lang! Thank u guys!

Your Idol Is My Knight In Shining ArmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon