Chapter 3

4 0 0
                                    


Binaba ko ang cellphone ko sa maliit na table sa may tabi ng pool at hinubad ang loose shirt ko. Narinig kong nag "oww" ang mga lalaking barkada ni Ate kaya sinamaan ko sila ng tingin.

Kinuha ko ang lays na dala ng barkada at pinatong ko ang paa ko sa upuan sa harap ko saka kumain.

"Alam nyo guys" sabi ko sabay turo sakanila ng lays,"Pag nakita ko si Maki Alvarez sa personal? Pwede na kong kunin ni Lord"

"What the.." narinig kong sabi ni Ate Paulle.

Nakarinig ako ng mahihinang tawa sa likod ko, lilingunin ko na sana..

"Ally"

Napatingin ako kay Ate Stella, kaibigan ni Ate.

"Oh?"

"Gusto mo ba talagang makita si Maki Alvarez sa personal?"

"Oo naman no!"

"Pano pag nakita mo siya?"

"Edi! Omg! Kyaaah!!! Hindi ko maimagine ang irereact ko! Alam nyo ba. Nagpapapansin ako dun sa twitter pero di ako pinapansin! Huhu! Tapos ung iba pinapansin niya. Nakakaiyak diba? Nakakalungkot lang isipin na ang layo layo niya sakin. Syempre artista sya. Sikat diba? Ang daming fan girls. Tapos ang gaganda pa nung fans niya! Tapos nakita mo ba yung ka-love team niya ngayon? Ang ganda! Mukang makinis pa! Kamusta naman diba?" Tuloy tuloy kong sabi.

"Oh bakit ka umiiyak?" Tanong ni Ate Aison.

Napahawak ako bigla sa pisngi ko na basa nga.

"Eh kasi naman!" Nag tuloy tuloy na ung bagsak ng luha ko. Para kong baliw.

"Gustong gusto ko siya! Ang kaso ang layo layo niya sakin! Too imposible. Alam niyo yun? Huhuhu. Nababaliw na ata ako"

"Pano pag sinabi namin sayo na nasa likod mo lang si Maki Alvarez?" Tanong ng Ate ko habang nagpapakita ng nakakalokong ngiti.

Napatayo ako bigla. Parang tumigil ang pag daloy ng dugo ko. Wait? Totoo?

"H-hindi magandang biro!"

"Edi tignan mo."

Dahan dahan kong nilingon ang ulo ko.

Nag slow motion ang paligid at nakita ko ang nakangising lalaki na naka sandal sa gilid ng pool.

Nakaramdam agad ako ng panghihina ng tuhod.

Maki Alvarez??!!

Your Idol Is My Knight In Shining ArmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon