"Allyson, papunta na dito sila Paulle. Mag na-night swimming tayo sa roof top" sigaw ni Ate Miki mula sa tingin ko ay sala ng aming condo.Umirap ako sa hangin at tumayo na para mag punta sa banyo at maligo.
Pagkatapos kong maligo mga 1000 hours later, nakita ko na naka higa sa kama ko si Gian habang may kinakalikot sa phone ko.
"Hoy, ano yan?" Tumabi ako sakanya at dinungaw ang ginagawa niya sa phone ko. Gallery.
"Bakit ba ang tagal maligo ng mga babae? Ano bang ginagawa nyo? Nilulunok ba kayo ng bowl?"
Inirapan ko siya.
"Oh ano? In love kana din kay Maki? Akin lang yan, humanap ka nalang ng iba" sabi ko sabay agaw ng phone ko sakanya.
Nanlaki ang mga mata nya habang nakatingin sakin. Maya maya napaka tingkad na kulay ng pula ang tumulay sa muka nya.
"M-mag bihis ka na nga!" Sabi nya sabay tulak sa balikat ko.
Saka ko lang naalala na naka tapis lang pala ko.
"Sorry. Haha!"
Tumayo ako at nagbihis ng faded ripped shorts at loose shirt na may black bikini sa loob. Magswiswimming daw kami sa rooftop.
Paglabas ko ng walk in closet, wala na si Gian bumaba na siguro yun.
Pagkababa ko wala na sila. O-kay. Thanks guys. Thanks.
Sa inis ko kumain na muna ko ng red velvet cupcakes na mukang dala nila Ate Paulle.
Ckilson's Point of View.
"Itulak si Maki! Itulak si Maki!" Nakakapang-agaw talaga ng atensyon ang ingay sa swimming pool ng rooftop ng aming condo.
Akala ko pa naman kami kami lang ang magswi-swimming. Medyo malamig kasi ang panahon ngayon at gabi na din.
Pag pasok namin sa pool ng rooftop napahinto talaga ako.
"Sige lang, Aison, bagalan mo pa." Tinulak nila ako at nang makita nila kung sino ang makakasama naming mag swimming sa pool ng condo na ito napatigil din sila.
"Holy sht."
"MAKI ALVAREZ?"