He, saying my name, sending shiver down to my spine. Kinilabutan ako ng sinabi niya ung pangalan ko. Narinig kong nag tilian yung mga kasama niya at kasama ko."Ang bilis natin ha!" Pang aasar ni Jamie Romero.
"Binata na si Maki!" Pabirong sabi ni Mccoy na nag patawa sa lahat.
"Pag pasensyahan mo na yang mga yan. Mga baliw eh."
"Okay lang"
Kahit iniangat na ako ng bahagya ni Maki, ang tangkad niya pa din. Sabagay, 19 years old na siya.
"So," narinig kong sabi niya.
Ayaw ko man, napilitan akong tignan siya sa kaniyang magagandang mata. Omygaaahd! Hindi ako makahinga.
"Fan din pala kita" Ngumiti siya sakin. Isang nakakatunaw na ngiti. Haay. Kung nasa panaginip lang ako, handa akong matulog forever kahit walang forever kung ganto lang din ang nasa harapan ko.
"Ha? Ahm. Oo." Shet. I mentally slapped my face. Apaka tangang sagot Allyson! Jusmio! Bumalik ka na nga sa sinapupunan ng nanay mo!
"Nice" tumango tango pa siya habang nakangiti ng maloko.
I sighed.
Noon, ilang beses ko nang prinaktis sa utak ko ang magiging senaryo kung sakali mang makita ko si Maki sa personal. Kakapalan ko na ang muka ko. Baka ito na ang una at huli naming pagkikita, magpapabebe pa ba ako? Hindi ko pa ba siya kakausapin? Tanga nalang ako kung gagawin ko yun.
Kaya mo yan, Allyson. Erase the awkward air at magpaka-FC ka sa idol mo ng kahit ito na ang huli niyong pagkikita, may posibilidad na maalala ka niya sa kakapalan ng muka mo! Aja!
"Alam mo Maki"
"Hmm?"
"Ang awkward lang ng feeling"
Nag taas siya ng kilay sakin. Ang mga kamay niya ay nasa baywang ko pa din.
"Wala lang. Kinikilig kasi ako. Alam mo naman!" Nakita kong nanlaki ang mga mata niya.
"Gulat ka no? Haha! Minsan lang to kaya susulitin ko na. Alam mo bang nag ha-harlem shake na ung lamang loob ko? Ay, jusko. Kinikilig ako!" Hinampas hampas ko pa siya sa balikat non. FC ako eh.
Nagulat ako ng tumawa siya at hinila ako sa may gilid ng pool at doon isinandal. I took the opportunity na humawak sa gilid bilang suporta. Lumapit siya sakin at inilagay ang kaliwang braso sa gilid ko. Saka ko lang napansin na kaming dalawa nalang pala ung nasa pool kung saan kasama namin ung mga kaibigan niyang artista. Andun n sila lahat sa pool kung asan sila Ate Aison.
"Aaminin ko." Tumawa ulit siya."First time na may nag sabi sa harap ko mismo na kinikilig siya sakin"
"Alam mo, yung mga babaeng fans mo na hindi nasabi sayo kung gaano sila kinikilig sa presensya mo, eh hinahangaan ko sila. Hinahangaan ko sila sa pagpapalampas ng once in a lifetime experience na mapalapit kay Maki Alvarez!"
Tumawa ulit siya.
Tumalikod ako sakanya at inilapat ang baba ko sa may gilid ng pool.
"Galak na galak ka naman. Magkanda ihi ka dyan." Sabi ko sakanya habang nakatingala sa napakadaming bituin.
Ginaya nya ang pwesto ko habang tumatawa pa rin.
"Hindi kaba nahihiya sakin?" Natatawa niya pa ding tanong.
"Muka ba kong nahihiya?"
Umiling siya habang tawa pa din nang tawa. Ano bang nakakatawa?
"Okay. To be honest, nahihiya ako sayo syempre. Pero wala munang hiya hiya sa mga pagkakataong minsan lang mangyari. Minsan na nga lang to bakit pa ako magpapaka plastik at magpapabebe? Bakit hindi ko nalang ipakita sayo kung gaano ako kabaliw sayo?" I sighed. Napangiti ako ng mapait sa thought na matatapos din to.