Chapter 6

10 0 0
                                    


Tinotoo naman ni Maki ang sinabi niyang ifofollow back niya ako. Naka-private ako sa twitter kaya nung finollow niya ako pinagisipan ko talaga kung ia-accept ko ung request niya o hindi. Puro tungkol sakanya kasi ung mga tweets ko. Nabasa ko din ung tweet niya kagabi, kengkai pala ha. Kinilig naman ako syempre. Hays, landi.

Sa instagram naman, pinost ko ung picture namin ni Maki, yung jejemon pose. Naka peace sign ung dalawa kong kamay. Yung isa malapit sa muka ko ung isa nasa harap non, (basta kayo na bahalang mag imagine) with matching mukang ewan na facial expression. Si Maki naman naka pogi pose at naka belat.

lopez.ally: Meet potpot. Best night evaah!!💋👅😏

My heart skipped a beat nung nakita kong nag comment siya.

TheAlvarezMaki: Kengkai!😛😛

Hindi ko siya tinag. Gusto ko pang mabuhay ng matagal at ayaw kong masugod ng fans.

Labag man sa kalooban ko, pumasok ako sa school. Naalala ko yung kaibihan kong si Elle. Nako! Nakita niya ung post ko sa IG. Nag comment pa sya don. Tinadtad din ako ng chats at texts ng luka! Pero sineen ko lang sya. Pa-thrill kung baga.

"Hoy babae!" Speaking of the devil.

"Yes?" Lumingon ako sakanya with sweet smile on my face.

"Siraulo ka.." blahblahblah! Bakit daw di ko sinabi sakanya na close kami ni Maki. Kesyo bakit di ko daw siya sinama! Blahblah! Eh inaya ko kaya sya! Hmp!

Crush din ni Elle si Maki. Actually, ang una ko talagang crush sa grupo nila Maki is si Jamie. Pero nung napanood kong umarte si Maki at nung napanaginipan ko siya, nawala bigla ung loyalty ko kay Jamie. Huhu!

Dumating pa sa point na muntik na kaming mag away ni Elle dahil kay Maki. Pinakiusapan pa ako na wag daw si Maki. Like, duh! Mapipigilan ko ba yon? Pero dahil matatag ang friendship at na realize nya na willing naman siyang mag share (basta sakin, lol) nagkabati din kami.

"Eh hindi ko naman din kasi iaasahan yon!"

"Nakakainis re!"

"'Yaan mo next time na magkita kami, tatawagan kita agad!"

"Sabi mo yan ha!"

"Naman!"

"Ohh! Details dali!"

Tumawa ako at saka kwinento sakanya lahat. Pati ung part na muka akong tanga kasi umiyak pa ako habang sa mga kaibigan ng Ate ko kung gaano ka unreachable si Maki Alvarez.

"Pota ka, friend! Muka kang tanga non,pustahan! Shet!" Humagalpak siya ng tawa with that. Yea, right.

"Nakakahiya kaya! Syempre salita ako ng salita tapos nasa likod ko lang pala siya, ang mas masaklap tungkol pa sakanya ung pinuputok ng butchi ko! Tamo nga!"

"Shet. Turn off sayo yon!"

"Hoy grabe ka! Fav nga daw eh! Fav as in favorite!!" Tawa ko ng tawa habang inaalala ung post niya sa instagram.

"What the.. ikaw yon? Yung babaeng naka side view na pinost nya sa IG? Holy sht!"

I flipped my hair. Haha!

"Kapal ng muka neto oh!" Pabiro nyang sabi.

"Oo nga no? Bat di ko nahalata? Faded maong short shorts saka black bikini? Tumatanga kana, Elle." Dagdag niya pa.

I tapped her shoulders, " Yup, tumatanga kana."

--

"Allyson, may bad news ako sayo" biglang sabi ni Ate habang nanunuod kami ng TV kinagabihan.

"Ano?"

"Pero hindi siya bad news for me"

"Ano nga?"

"Eto na! Atat? Atat?" I sighed. Jusko. Kapatid ko ba talaga to?

Inirapan ko siya.

"Kay. Dito na din titira si Jigson"

"WHAT??!!"

"You mean..wha-- why? How? Shet. Seryoso?"

"Breathe, Allyson. Breathe!"

"Teka, paano nga?"

"Well, naalala mo yung Tito natin? Yung pinsan ni Mama na close nya? Namatay--"

"NAMATAY SI TITO JECK?!"

"Gaga! Patapusin mo muna ako pwede? Yung Nanay niya ung namatay. Since sa states na sila nakatira pupunta dun sila Mama. Dun ipapa crimate eh."

Tumango tango ako,"Naks, yayamanin."

"Napaka netong babaeng to! Pag ikaw minulto non!"

"Peace. Hehe. By the way, hindi ko pa din makita ung point kung bakit dito na din titira si Jigson. I mean, Kuya Jigson."

"Eh kasi nga hindi siya sasama sa states. Hindi naman siya pwedeng mag isa dub sa bahay kasi naawa daw sila Mama. Kaya dito nalang muna siya for the meantime."

I just rolled my eyes. Yea right. As if naman may magagawa pa ko.

Kuya Jigson and I were really close before. Ewan ko ba kung anong nangyari at nang palaki kami ng palaki, lalo akong naiinis sa presensya niya. Ewan ko ba.

"Hoy. Alam mo ba may girlfriend daw na artista ngayon yang Kuya natin!" Nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Ate pero mas nagulat ako sa sinabi niya.

"What?"

"Oo! Sumo-showbiz ang kuya natin ha!"

"Eh sino naman ung babae?"

"Ewan ko nga eh. Basta ang sabi lang ni Mama sikat daw saka maganda. Na meet na nga daw nila eh. Mabait daw saka magalang."

"Talaga?"

"Uhuh" tumango tango pa siya nun.

Ako naman napaisip. May nag tyaga ha! Haha. Pero seryoso, masakit mang tanggapin, gwapo naman si Kuya Jigson. Matangkad, maputi, makinis ang muka, makapal kilay, talented at hot. Bleah!! Seriously? Sinabi ko ba talaga yon? Pero to be honest, kung sino man yung girlfriend niya, swerte yun.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your Idol Is My Knight In Shining ArmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon