Intro

13 0 0
                                    

"Pwedeng mag pa-picture?" Tanong ko kay Maki Alvarez, isa sa pinaka sikat na artista ngayon.

"Oo naman" ngumiti siya sakin at umakbay.

Nanginginig ang mga kamay ko habang nagse-selfi kami. Shet.

"S-salamat po"

"No, salamat."

Napadilat ako ng may tumamang bagay sa muka ko.

"Anak ng!! Panaginip lang? Arg!!"

"Anong problema mo jan? Oh ayan, binili kita ng swim suit, swimming tayo mamaya. Bumangon ka na dyan! Nakapamili na ko't lahat tulog ka pa din!" Sigaw ng ate ko sakin.

"Oo na po, nay!" Bumangon ako at tinignan ang black na swimsuit na binili niya.

Ang sweet naman nung pangit na yun!

"By the way, Allyson. Salamat ha! Salamat!" Sabi niya sabay sarado ng pinto ng kwarto ko.

"You're welcome, Ckilson!"

Allyson and Ckilson Lopez. Ang ganda ng pangalan namin no? Pero ang pangit ni Ckilson. Joke. Kaming dalawa nalang ang magkasama ngayon dahil nasa bulacan ang mga magulang namin kasama yung isa pa naming kapatid na si Jigson.

Nakatira kami sa isang exclusive condominuim na pag mamay-ari ng Ninang ko. Madaming artista na naninirahan dito at umaasa ako na isa sa mga iyon ang crush kong si Maki Travis Alvarez! Omg!

Fan girl be like.

Hindi nga ako pinapansin nun eh! Kahit ilang beses na kong nagpapansin sakanya sa twitter. Wala. Nganga! Pero nagrereply siya sa iba! Qino-qoute tweet. Huhuhuhu! Nakakainggit. Ang swerte nila!

Yung cellphone ko, puro picture niya na ninakaw ko sa instagram!

Kahit alam kong imposible, umaasa pa din ako na sana mapansin ako ni Maki Travis Alvarez. Kahit nasa milky way siya at kailailaliman ako ng lupa. Kahit ang taas taas na niya. Sana mapansin niya din ako someday.

Hay Maki Travis Alvarez, sana mapansin mo din ako.

Your Idol Is My Knight In Shining ArmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon