Chapter 1- Beware of Bullies

1.1K 6 3
                                    

*CHAPTER ONE*

---

MARIELLA'S POINT OF VIEW

Naglalakad ako sa school hawak ang mga libro ko. Bagong araw, siyempre bagong sakit. Habang tumatagal ang mga araw lalong nadadagdagan ang sakit na nakukuha ko sakanila.

Dahil wala ako sa sarili ko, ayun may nabangga ako. Nagkalat ang mga libro ko sa sahig ng corridors. Tumayo ako and standing infront of me is...

OWY.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo, paharang harang ka eh. Bitch." Ang sabi niya sabay sipa sa isang libro ko na napunta sa malayo.

Umalis na siya papalayo sakin habang pinupulot ko ang mga libro ko. Kailangan ko mabuhay sa ganitong torture everyday. Kahit na tuwing weekends. Considering na kapitbahay ko lang si Owy.

Pumunta na ako sa locker at nilagay ang mga libro ko. First period was Math Class. Of course, classmate ko si Ranz.

Medyo nalate ako sa klase dahil pinulot ko pa ang mga libro ko. That Owy made me late. And to bad for me, nakaupo ako sa harap ni Ranz.

Walang ginawa si Ranz kundi batukan at batuhin ako ng paper balls. Hindi ko alam kung bakit niya ko ginaganito? Eh kelan ko nga lang siya nakilala sabagay, bata nga pala siya ni Owy.

"Hey bitch, pwede bang paki-move mo naman yang malaki mong ulo para makita ko yung nakasulat sa board?" Ang sabi niya habang tinatapik ang likod ko sabay batok sakin.

Tumawa ang lahat sa sinabi ni Ranz. Well sana marealize niya na malaki din kaya ang ulo niya, puro hangin pa laman.

"Ms.Horan, would you please come up to the board and answer this equation?" Mrs. Santos asked.

Tumango ako sakanya, inikot ko ang mga mata ko nang mapansin ko na lahat sila nagtatawanan sakin. Bakit kaya?

"Ms.Horan, I don't think nakakatawa na you will walk around with the words 'I am a big fat slut' written across your back." Ang sabi ni Mrs. Santos habang tinatanggal ang papel na nakadikit sa likod ko.

"Hindi po ako ang naglagay niyan." Ang sabi ko naman.

"Well then who did?" Ang tanong niya.

Tumingin ako kay Ranz na sobra ang tawa habang nakaupo. Hindi na ko magtataka, alam kong siya ang naglagay ng papel sa likod ko, pare-pareho lang naman sila ng mga kabarkada niya. Mga mayayabang.

"I guess I don't know." Ang sabi ko.

Sinagutan ko nalang ang equation na pinasagutan sakin ni Mrs.Santos. Confident naman ako dahil alam ko ang sagot. Hindi naman sa pagmamayabang matalino naman ako, hindi dahil lagi akong pinagttripan ay wala akong ibubuga.

"Very good Ms. Horan. You may sit down." Ang sabi niya.

Bumalik na ko sa upuan ko, well heto nanaman po tayo. Nasa likod ko nanaman ang may sapi na si Ranz.

"Your a smart slut, aren't you?" Ang bulong ni Ranz sakin.

Hindi ako sumagot sa sinabi niya, inis na inis ako sakanya. I mean, sakanilang lahat. Bakit hindi nalang sila mag-enjoy sa buhay nila? Pinag-aaksayahan pa nila ko ng panahon.

After the whole day in class, sa wakas uwian na. Akalain mo, hindi naman ako masyadong natorchure ngayon. Yung kay Ranz kanina? Well pasalamat nalang ako at yun lang ang inabot ko sakanya.

Kinuha ko ang bag ko at nilagay sa balikat ko. Lumabas na ko sa school. Mas gusto kong maglakad nalang pauwi kesa sumakay sa school bus. Hindi naman gaanong malayo, at makakapag-exercise pa ko.

My High School Bullies (FILIPINO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon