Chapter 20- Enough

152 3 0
                                    

*CHAPTER TWENTY*

---

OWY'S POINT OF VIEW

"Guys anong ginagawa niyo dito?" Ang tanong ko.

"Dapat yata kami ang nagtatanong niyan sayo?" Tanong ni Ully.

"Nanuod lang ng movie." Sabi ko.

"Eh bakit kasama mo siya?" Tanong ni Oliver.

Wala akong maisip na excuse kung bakit kasama ko siya.

Kasama namin parents namin?

Eh ano naman sasabihin ko pag tinanong kung nasan sila?

Nakita ko siya dito?

Oo, pero dapat ipaliwanag ko pa kung bakit hinahalikan ko siya.

"Di ko akalain na gusto mo pala si Mariella." Ang sabi ni Ranz na nandidiri.

"Hindi." Ang sabi ko.

At the corner of my eye, nakita ko ang itsura ni Mariella, she looked upset.

Hindi ko sinasadya ang sinabi ko, pero anong sasabihin ko.

"Eh bakit hinalikan mo?" Ang tanong ni Biboy.

Oh sh*t, isa nalang ang option ko.

"Hinalikan niya ko." Ang pagsisinungaling ko.

Tumingin sakin ang mga barkada ko na nagtataka. Hindi ko nga sinasadya, wala lang akong ibang dahilan.

"Alam ko, malandi yan eh." Ang sabi ni Ranz.

"Gusto lang niyang ilayo si Owy satin." Ang sabi ni Ully.

"Wag ka mag-alala bro, kami na bahala dito." Sabi ni Oliver.

Umakma na sila na galit na galit at nilapitan agad si Mariella.

---

MARIELLA'S POINT OF VIEW

"Wag ka mag-alala bro, kami na bahala dito." Ang sabi ni Oliver.

Natatakot na ko. Umakma na sila na bubugbugin ako.

Bakit walang ginagawa si Owy?

Takot ba siya sakanila?

Ikinahihiya niya ba ako?

O plano niya lang to sakin?

Nagugulahan na ko. Gusto kong tumakbo pero alam ko maaabutan parin nila ako.

Tinulak ako ni Biboy, kaya sumakit agad ang likod ko.

Sinipa naman ako agad ni Ranz at Oliver. Halos sinipa nila ko sa buong katawan ko. Sa tiyan, mukha, legs kahit na sa maselang bahagi ng katawan ko! Sana marealize nila kung gaano kasakit na masipa ang hinaharap mo ng ganun.

Tinawag nila ako ng, "Malandi, whore, skank."

Ang sakit ng mata ko, nasipa kasi nila, siguradong magkaka-black eye ako bukas. Binuksan ko ang isa kong mata at tumingin kay Owy.

Nakatayo lang siya at pinapanuod sila. Wala ba talaga siyang gagawin? Hahayaan niya lang na saktan ako.

Huminto na sila, pero may sasabihin pa si Ully:

"Ako na tatapos." Ang sabi niya na nakangisi.

Sinipa niya ako sa bibig ko. Napakasakit. Umiiyak ako sa sakit. Parang natanggalan ako ng ngipin kaya tumulo ang dugo sa bibig ko.

"You're welcome Owy." Ang sabi nila.

Umalis na sila, pero si Owy nakatitig lang sakin. Parang nawala ang isip niya pero ng magising sa katotohanan tumakbo siya papalapit sakin.

"Mariella! Okay ka lang?" Ang nag-aalala niyang tanong.

Dinura ko ang dugo sa bibig ko para makapagsalita ng maayos. Yuck, nandidiri ako.

"Ako okay? Mukha ba akong okay?! Tingnan mo nga ako! Hindi ako okay!" Ang sigaw ko.

"Listen Mariella, hindi ko sinasad-" Pinigilan niya ko.

"Save it Owy. Isa lang to sa mga set-ups mo." Ang sabi ko na galit.

"Pero Mar-"

"At para isipin mo na may feelings ako sayo. Akala ko nag-iba ka na pero mali ako." Ang sabi ko.

"Please." Ang pagmamakaawa niya.

"Please? No! I'm out of her, wag na wag mo nang iexpect na makikita mo pa ko." Ang sabi ko.

Ayoko ng marinig pa ang mga sasabihin niya. Naiinis ako sakanya.

"Alam mo napaka stupid na mainlove sa lalaking alam mong hindi para sayo.?" Tanong ko.

Tumingin siya sakin at umiling.

"Nainlove ka kasi akala mo magbabago siya." Ang sabi ko sabay alis.

Kinuha ko ang phone ko at tinwagan si Kath para sunduin ako. Ayokong sumakay kay Owy, pagkatapos nung nangyari.

She finally arrived, sumakay agad ako sa sasakyan.

"Anong nangyari?" Tanong niya habang nakatingin sa mga pasa ko.

"Kasinungalingan, kasinungalingan ang nangyari." Ang sabi ko.

Tahimik ang pag-uwi namin. Nakarating na kami sa bahay.

"Hey Kath, overnight ka samin? I need some girl talk." Ang sabi ko.

"Sure." Sagot niya.

Nagdoorbell kami ng maraming beses. Medyo bingi kasi mga tao samin.

Niall opened the door at sinilip ako.

"Yhel, what happened?" Tanong niya.

"Just some adult stuff." Sagot ko.

Nagpunta ako sa kitchen kung saan nandun si Nana at si Louis. Nana looked at me, at nagulat.

"Oh dear, what happened to you?" Tanong niya na nag-aalala.

"Some boys at school beat me up." Kwento ko.

"Why?" Tanong ni Louis

"Because I'm a loser." Sabi ko.

"You're not." Nana said.

Nilinis ni Nana ang mukha ko, kinwento ko ang lahat ng nangyayari sakin sa school pero hindi ko kailanman sinabi na si Louis. Ayokong masira ang friendship niya sa mommy ni Louis.

"If anybody gets to you like this again, please tell a teacher." Ang sabi niya.

"Don't worry, I won't have to worry about telling the teachers anything." Ang sabi ko.

Nagkatinginan si Kath at si Nana.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Kath.

"I'm dropping out of school." Ang sabi ko.

---

Omg! Bakit walang ginawa si Owy? Hehe, alam ko kung bakit :)

Pasensya na sa late update ha? Kasi busy tsaka wala pa ko masyadong mailagay na title.

Basta Vote, Fan and Comment lang :)

Thanks for reading lovies! I love you all.

~Mariella <3

My High School Bullies (FILIPINO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon