Chapter 6- Hatred

277 5 3
                                    

*CHAPTER SIX*

-----

MARIELLA'S POINT OF VIEW

Hay! Ang ganda ng gising ko ngayon. Excited na ko para sa sabado! Nasabi ko na kay Nana at Niall. Masaya si Nana para sakin pero si Niall wala lang.

Tumayo na ko sa kama at naligo. Pagkatapos ko pumili na ko ng damit ko. Naisipan kong mag black jean, white t-shirt, at white shoes. At binraid ko ang buhok ko para maiba naman.

Ready na ko. Tumingin ako sa bintana at nakita ko si Owy na sumasakay sa school bus. Buti naman at di na ko mag-aalala na baka sundan nanaman nila ako.

Tumakbo ako at hindi na nagbreakfast. Kailangan kong makarating sa school agad. Gusto ko na makita si Cav. Tingin ko parang may something ako sa kanya.

Siya kasi yung unang lalaking nakilala ko na hindi ako tinawag na "pangit" o kaya "malandi" o kaya naman "bitch".

Tumakbo na ko sa school. Ten minutes lang naman eh. Pero tingin ko 3 minutes ko lang yata tinakbo.

Pumunta agad ako sa locker. Hinintay ko si Cav. Inayos ko ang gamit ko. Pagkatapos ko nagring agad yung bell. Time to get to class, pero wala pa si Cav. Baka late lang. O kaya may sakit. Kung ano man nangyari sakanya sana okay siya.

-----

OWY'S POINT OF VIEW

Katatapos lang ng basketball practice. Nagpunta na kami sa locker room para magpalit.

"Guys! Mag-start tayo ng plan bukas." Ang sabi ko habang hinuhubad ang jersey ko.

"Bakit?" Tanong ni Ranz habang nakataas ang kilay.

"Kailangan ko magpa-check up." Ang sagot ko.

"Okay. Anong dapat naming gawin?" Tanong ni Biboy.

"Sundan niyo siya after school dun sa lagi niyang dinadaanan." Ang suggest ko.

"Sige." Ang sabay na sagot ni Ranz at Biboy.

-----

MARIELLA'S POINT OF VIEW

Buong araw kong iniisip si Cav. Isip ako ng isip kong nasan siya. I mean bakit pumasok siya ng first day tapos kinabukasan mawawala?

Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na sa school. Naglakad na ako pauwi.

Napahinto ako ng mapansin kong may mga tao sa dadaanan ko. May hinihintay. Alam kong si Ranz, Ully, Oliver at Biboy. Teka? Nasan si Owy?

Tumakbo agad ako para magtago. Nakita ko silang unalis. Phew! Buti naman.

"Sup slut?" May narinig akong boses.

Lumingon ako sa kanan at nagulat ako ng makita ko si Biboy.

"H-hi." Ang sabi ko. "Nasan si Owy?"

"Bakit gusto mong malaman? Ha?" Ang sabi niya habang papalapit.

Bago ako sumagot naramdaman kong tumama na ko sa pader. Ganun na pala ko kalayong umaatras?

"Curious lang." Ang sagot ko.

"Nagkakaila ka pa! Alam naming gusto mo si Owy." Ang sigaw ni Biboy.

"No." Sagot ko.

"Okay." Ang sabi niya.

"Ano bang kailangan mo?" Tanong ko.

"Coming to say hi." Ang sabi niya sabay ngumisi.

"Weh?" Ang tanong ko.

"Yes! Come out boys!" Ang sigaw niya.

Lumabas si Oliver at Ully. Lumaput sila at sinumulan na akong saktan, sinuntok ako sa tiyan at sinipa ako. Bumagsak ako sa sakit. Okay pa ko. Pero dumating si Ranz.

My High School Bullies (FILIPINO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon