Chapter 19- Caught in Action

179 4 2
                                    

*CHAPTER NINETEEN*

-----

MARIELLA'S POINT OF VIEW

Naaalala ko pa rin yung nangyari kagabi. Pero mas importante yung mangyayari ngayong gabi.

Hindi pa ako nakikipagdate na romantic. Pero I think this will be. I mean, ano bang dapat kong isuot?

Ang dami ko namang damit, pero hindi naman magaganda.

Kailangan ko ng expert na tutulong sakin at alam ko kung sinong pwede.

Kinuha ko ang phone ko at tinext agad si Kath.

"Hey Kath, shopping tayo?" Ang text ko sakanya.

Hindi naman ako mahilig magshopping, pero hindi pwedeng panget ako mamaya sa date ko.

"Sure, darating ako within 5 minutes." Ang sagot ni kath.

Agad akong nagsuot ng jeans, shirt. At inayos ang buhok ko.

DING! DONG!

Agad akong bumaba at binuksan ang pinto.

"Wow, sabi mo 5 minutes?" Ang sabi ko.

"Insan, diyan lang ako sa harap niyo nakatira." Ang sabi niya.

"What? Bakit hindi kita nakikita?" Ang sabi ko.

"Bakit? Uso ba sayo ang lumabas?" Ang tanong niya. "Lagi ko kayang pinapasyal si fifi sa harap ng bahay niyo."

"Ayokong lumabas no. Kapag lang naglalakad ako, tapos delikado pa." Ang sagot ko.

"What do you mean?" Tanong niya.

"Well, lagi akong hinaharang ni Owy at ng barkada niya." Ang sagot ko.

"Anyways, tara na." Ang sabi niya.

Hindi naman masyadong matagal ang biyahe namin papunta sa mall. Nakarating din kami after 15 minutes.

"San mo gustong pumunta?" Tanong ni Kath.

Hindi naman ako nagpupunta dito. At isa pa diba wala nga akong hilig.

"Ikaw? Saan mo gusto?" Ang tanong ko.

"Sa Forever 21, magaganda yung damit nila dun." Ang sabi niya na nakangiti.

Nasa store na kami, napakadaminv damit na parang lahat gusto ko ^_^

"Follow me." Ang sabi ni Kath sabay hila sakin.

"Sandali, para san ba yung dress?" Ang tanong niya.

Natahimik ako. Sasabihin ko ba na may date kami ni Owy ngayon?

Nope, baka asarin niya lang ako.

"Um... Para sa... Dinner with Family." Ang pagsisinungaling ko.

"Um, pwede na yung medyo colorful, medyo makintab, at slutty." Nanlaki ang mata ko nang sinabi niya ang slutty.

"What slutty?" Ang tanong ko.

"Come on insan, hindi ako tanga! Alam ko may date ka. Halatang-halata ka." Ang sabi niya sabay ngiti.

Nginitian ko siya. Humanap na siya ng damit para sakin.

Nagsuggest siya ng tatlo: A short blackdress with sparkles, a mint green long dress, and a short sleeve pink dress that looked fancy.

Sinukat ko na sa dressing room. Saan kaya ako dadalin ni Owy mamaya.

-----

OWY'S POINT OF VIEW

My High School Bullies (FILIPINO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon