[1] Mama.

4 0 0
                                    

"Mama! Ano ba yung ginagawa mo!? Bakit mo nilalabas ang mga gamit ko!" Mababaliw-baliw na ako para lang bawalin si Mama. Kasi naman kanina pa yan. Kanina pa niya sinasabog lahat ng mga damit ko. Sa pagkaka-alam ko wala naman akong ginawang masama ngayong araw para ikagalit niya e. Hindi ko lang talaga malaman kung ano yung problema niya. Nakakainis.

Simula nung may tumawag sa kanya sa cellphone niya, bigla siyang naging lutang na ewan. Basta simula nung kanina, naging misirable na yan.

"Ma!" Ilang beses ko na talaga siya tinatawag. Pero ewan ko ba kung ano ba talaga yung problema niya. Nakaka-leche. Punyeta.

Napa-upo na lang siya bigla at umiyak ng umiyak. Alam kong may problema e. Halatang-halata yun sa mukha niya. Bakit ba kasi ayaw pa niyang sabihin sa akin. Talaga bang solusyon yung pagkakalat ng damit ko? Mahihirapan tuloy ako mamayang maglinis niyan.

"Cindy, patawarin mo ako a." mahinang sabi nito. Kaya naman nilapitan ko na siya agad at yinakap.

"Mama, ano ba yung problema? Baka po matulungan kita. " pati tuloy ako naiiyak na. Kasi naman sino ba namang anak ang hindi iiyak o masasaktan kapag nakita niya yung mama niya ng ganito kamiserable yung itsura.

"W-Wala naman, tulungan mo na lang akong maglagay ng gamit mo sa mga kahon."

"T-Teka nga Ma! Ano ba?! Bakit naman nadamay mga gamit ko?"

Naiyak na naman siya. Nakakainis na, bakit ba kasi hindi niya magawang sabihin sa akin yung problema. Paano ko siya matutulungan niyan? Ano? Mag-iiyakan na lang kami dito?

"I-Isipin mo na lang na lilipat tayo ng bahay, mali, ikaw lang pala, isang lugar na hindi mo ako kasama. "

Ano?!

SupermansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon