[10] The Tss Family.

7 0 0
                                    

"Tss. Nakalimutan mo pa yung daan pauwi?"sabi sa akin ni Sir Sed.

"Opo." Napangisi na lang ito.

"How's your day?" Kinakamusta niya kasi ako ngayon sa office niya, kung ano naman daw yung lagay ng first day ko sa pagiging yaya nila. Gusto ko sanang ikwento lahat e, kaso naalala kong hindi kami close.

"Ayos naman po. M-Mababait naman po mga anak niyo." Jusmiyo, kung alam lang niya. Kung alam lang niya yung mala-impyerno kong buhay sa mga anak niya. ~Hayys.

"Alam ko Hija na nag-aalangan kang ikwento sa akin, wag mo ng pagtakpan pa sila dahil alam ko ugali ng mga yon. Tss." sabi nito. Buti alam niya, kaso para namang mapagbago ko ang mga yon. Imposible yon noh. ipinanganak na kasing mga demonyo, masusungit at may saltik yung mga anak niya kaya wala na akong magagawa.

"ayy, hindi po. Mababait po talaga sila." sige Cindy,ipagpilitan mo pa kaya ka nasasaktan e. Hindi pa naman talaga ako nasasaktan actually. Nakikiuso lang ako sa mga hugot hugot na nababasa ko s atuwing magbubukas ako ng facebook account.

"Hahaha. Sige sabi mo e, makakaalis ka na. " sabi nito sa akin at nginitian k na lang ito at umalis na nga ako sa office niya.

**

"Uhm, Kakain ba kayo ng dinner? Ipagluluto ko ba kayo?" tanong ko sa kanilang lahat habang nanonood silang lahat ng divergent sa movie room. Napatingin sa akin si Grey at Tyron. Napatigil naman sa pagkain ng potato chips ang kambal. Sila Jax at Tristan naman ay tulog.

"Kahit wag na, hindi ka naman masarap magluto e.Tss." sabi ni Tyron.

"Eh? pero." sabi ko na nagaalangan. Biglang tumayo si Grey at lumabas ng kwarto na yon. smaantalang ang ilan sa mga amgkakapatid ay pinagpatuloy ang kanilang panonood.

Argh. naguguluhan tuloy ako kung kakain pa ako ng dinner o wag na. Pero dahil nga gutom ako at makulit ang mga bituka ko, naisipan ko pa ring bumaba at magluto ng kahit anong pwedeng kainin basta hindi panis.

**

Naabutan ko don si Grey na nagluluto. Shit. Ang bango naman niya, I mean nung niluluto niya. Ano kaya yon? Pwede kaya akong manghingi?

"Kung gusto mo.." Hala? paano niya nalaman an nandito ako sa kusina. Nga pala, sa sobrang talino nga pala niya may salamangkinetik na siya sa utak, kaya niya nahulaan.

"...Magluto ka ng iyo." Tss. paasa.

"Bawal tikman? kahit hingi lang. Or isang kutsara lang. Basta patikim. " ayan. mukah an akong bata sa sobrang gutom, baka mamaya yung pride ko makain ko na.
Ano konek?

"tss." ayan, signature nilang mga Ayroso yan. ang salitang "tss." ganun ba talaga pag mga may toyo. Pasalamat talaga siya at gutom ako.

"Pwede na ba akong manghingi?" Tanong ko.

Inilagay naman niya yung niluto niyang beef something. sa lamesa. Hehe. Hindi ko kasi alam yung tawag e, basta alam kong masarap.

"Beef Nacho Casserole tawag jan. Wala ba sa bundok niyo nyan?" Aba. Ang yabang naman. Eh sa hindi ko alam tawag e. May magagawa ba siya?

Hindi ko na lang siya pinansin at tinikman ko na lang yung niluto niya and W.O.W. masarap talaga. Inafairness kay Kulay a. Ang sarap niyang magluto. Kumain na rin siya ng tahimik malamang.

Napatigil kamimg dalawa sa pagkain dahil nakita namin ang lima na nakatingin sa amin.

Problema nila.

"Tss. Maduga hindi nang-aaya. "natawa ako kasi sabay-sabay pa sila ng pagkakasabi.

At yun, kumain ako kasabay ang Tss Family. ^ ~ ^

*

SupermansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon