[7] Babies.

4 0 0
                                    

"O My Gosh." mahina kong sabi. Paano ba naman kasi yung lalaki na'toh. Yung punyetang lalaki na'toh. Nakapatong siya sa harapan ko at yung, yung --kamay niya naka-hawak sa ano sa upper part ko. Nagkatinginan kami. Putek, bakit ba ayaw niyang tanggalin? Bakit ba, medyo diniinan niya pa yung pagkakahawak niya at medyo inano-ano. Ahhh! Manyak!

Napatingin sa amin yung kambal at pati sila ay nagulat sa posisyon namin. "T-Tristan, yung k-kamay mo." sabi nung Liam.

Grabe, ang malas-malas ko ngayong gabi, kawawa naman yung ano ko.

Mabuti naman at inalis niya na yung pagkakahawak niya dun at pati na din sa pagkakapatong niya sa akin. Hindi ko alam gagawin ko. Kaya napatayo na lang ako bigla at nagtatakbo palabas sa impaktong kwarto na'yon.

Pumasok na lang ako sa loob ng kwarto ko at isinara ang pinto.

Napa-higa na lang ako sa kama ko. Bakit?!!!!

Napa-hawak na lang ako sa mga alaga ko. Shitt, kawawa naman nila.

Sa susunod talaga mag-susuot na ako ng bra kahit matutulog. Kasi yung mga taong aalagaan ko? Potek, mga manyak sila. Hayy, kawawa mga baby ko.

--

Morning..

"Hey, "

'Wake-up.."

"Talaga bang Yaya na'tin siya?"

"wake-up or you're fired?"

Nagising ang diwa ko sa boses na'yon. Nang idilat ko ang aking mga mata, anim na naman silang nakapalibot sa akin. Kaya nanlaki bigla ang mga mata ko.

"S-Sorry kung late ako nagising." Shit, may tulo-laway pa ata ako. May muta pa din ata. Kaya kinusot-kusot ko ang mga mata ko.

"Ipagluto mo na kami." sabi nung isa. Napatingin ako sa lalaki kagabi na naka-ano sa alaga ko.

Yung Tristan ba'yon?--OO yung manyak.

Nakatingin lang ito sa akin at medyo natatawa-tawa pa. Tssk, inirapan ko na lang siya. nakakainis kasi akala ba niya nakikipag-biruan ako. Manyak siya.

"Tara na, iwan na natin yan, may tulo-laway pa." sabi nung isa sa kambal.

Bakit ba gano'n kilala ko sila sa mukha pero sa pangalan hindi. Kaya naloloka ako. Ang aga-aga.

"Tssk, Oo nga, Hahahaha, kadugyot matulog." sabi naman nung isa pa.

Umalis na silang lima. Pero yung Tristan nandon lang siya at nag-iikot-ikot pa sa kwarto ko.

"I-Ikaw, a-ano pa kailangan mo." tanong ko dito, pero yumuko lang ito at may pinulot sa sahig. Punyeta yung bra ko, bakit ba nakalimutan ko yong isuot kagabi? Bwisit.

Hinagis niya lang yun sa akin. Putek, kulay pink pa.

Bago siya lumabas ng pinto. May sinabi pa siyang nakakainis.

"Grabe ang liit. " Talagang binibwisit niya umaga ko noh?.

SupermansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon