[8] Aish.

4 0 0
                                    

"Pasensya na, fried egg at hotdog lang ang kaya kong lutuin e. hehe." Paano naman kasi ang gagawin ko. Kung yun nga lang yung kaya ng powers ko.

Hinango ko na sa kawali yung mga prinito ko. Aww. Sunog. Bakit ba kasi hindi ako natutong mag-luto. Nakakaiyak. Iniimagine ko na kung paano nila lalaitin ang luto ko

"Salamat ha, sinunog mo pa." sabi nung Grey na'yon, mabuti nga niluto ko pa sila e.

Sabi ko sa inyo e, lalaitin itong mga luto ko e.

Napatingin kami sa isa Tyron ba'yon.

Nagpunta ito sa kinatatayuan ko.

"Kung hindi mo kayang gawin yung trabaho mo ng matino, just quit. Hindi ka naman namin kailangan." seryosong sabi nito sa akin. Bakit akala ba niya, gusto ko rin itong trabaho na'to? Kung alam lang nila.

"Tama na yan, kainin na lang natin itong niluto niya. " sabi nung isa sa kambal.

"Oo nga, Tyron, male-late na tayo sa bago na'ting school." sabi naman ni Tristan.

Napatayo si Grey sa pagkakain niya.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Jax.

"Hindi ko kayang kainin yang pagkain na'yan." seryosong sabi nito, at tiningnan lang ako ng masama.

Umalis na din si Tyron sa harapan ko. At hindi na din kinain yung pagkain niya. Pati yung Jax umalis na din, pero inubos muna nito yung pagkain niya. Tanging sila Rian, Liam, at Tristan lang yung naiwan sa mesa.

Mabuti pa sila.

"Ako na lang uubos nito kung ayaw ng mga maaarte na'yon." sabi ni Tristan.

"Mapagtyatyagaan naman na yung luto niya e, di'ba Rian?"sabi ni Liam.

"Oo nga, may mga redflag kasi yung mga yon kaya abnormal ugali." sabi ni Liam.

Mabuti pa sila, kahit papaano nawala yung inis ko.

Hindi ko inexpect na ganito magiging komplikado ang buhay ko dito.

"Ikaw, kumain ka na din, ng lumaki yang ano mo." sabi ni Tristan sa akin. Natutuwa na sana ako sa ugali niya e, kaso ano , pota,

"HAHAHHAHA." natawa naman bigla yung kambal.

Sige, pagtulungan niyo ako mga manyak.

Kumain na rin ako. Hindi kasi ako sanay ng hindi nag-uumagahan e.

After non nag-urong na din ako. Napatingin ako sa wall-clock sa may itaas ng ref. Grabe, male-late na ako.

--

Nandito na ako ngayon sa school. Hindi ko na inalam pa kung saan mag-aaral yung lima. Wala akong pakielam na noh. Basta yung part ko lang naman e pagsilbihan sila pag nasa bahay, hindi ko naman na siguro tungkulin pa na alalahanin kung saang school pa sila.

Katabi ko ngayon si Mica, gumagawa kasi ako nung list, yung about dun sa mutualism na'yon. Kasi ininform kami ni class president na kami na lang daw ang hindi pa nag-pass.

"Yang Grey na 'yan, napaka-paasa niya." sabi ko kay Mica. Mabuti na lang talaga at maasahan si Mica sa mga ganitong bagay. Siya yung nag-iisp ako ang nagsusulat.

"Pabayaan mo na'yon." T-teka parang napapansin ko na parang mabait palagi or medyo kakaiba yung nagiging aura ng mukha ni Mica kapag si Grey ang topic. Well, pabayaan ko na nga lang. Kung ano-anong non-sense ang pumapasok sa utak ko.

Naisip ko yung mga nangyari kagabi. Hayys. Nakaka-leche kapag naalaala ko. Parang nasisira yung mood ko.

Naisip ko na wag ng ikwento kay Mica ang tungkol sa pagiging Yaya ko sa bahay nila Grey. Ayoko na kasing pag-usapan pa. Naloloka ako.

Ilang sandali pa dumating na din ang teacher. Mabuti na lang at iba-iba ang sched everyday, kasi kahapon si Sir Fajardo sa values, ngayon naman Math. Ayy, mas stress ito, hindi ko pa rin nga pala ma-gets hanggang ngayon yung Special Products na pinag-aaralan namin simula nung Grade 8 pa kami. Take note yung Math teacher namin ay homeroom teacher na din pala namin.

"Attention everyone, first of all, wala tayong quiz ngayong araw dahil nawala sa isip kong gumawa ng given. "

Hiyawan naman ang mga classmate ko, aba, normal lang yun noh. Quiz din kaya yun. Kung alam niyo lang kung paano magbigay ng quiz si Sir Freas. Jusko, Sir Fajardo de second yan e.

"Quiet! May mga bago kayong magiging kaklase... Not just one, nor two but five." T-teka wag niyang sasabihing..

Dito mag-aaral yung lima? Jusmiyo naman, kay Grey nga lang sumasakit na brain cell ko e, yung lima pa kaya na'yon?

Wag naman po sana..

Sana nagkataon lang.. Sana.. Sa--

"Okey, boys introduce yourself in front." T-teka tama ba yung narinig ko, boys?

Naglaglag ako kinauupuan ko nung makita kong sila nga. Kaya napatingin sa akin ang lahat. Hindi ko yata kakayanin toh.

Unang nagpakilala si Tristan. Tssk, pa-cool, pa-cute, pabebe for short. Yung mga babae sa classroom namin? Ayun, kanya-kanya ng bias. Astig a, ano yan parang EXO lang.

"Ayy, grabe kambal ba'yon?"

"Potspa, Inday, papabol."

"Sooner or later, magiging akin din ang isa sa mga 'yan. "

Yan lang naman yung ilan s amga reaksyon nung mga kaklase kong alam niyo na, sabik.

Paano ba naman kasi nung si Grey ang nagtransfer dito sa school, ganyan din ang mga reaksyon nila kaso, --waepek. Walang kinakausap dito yan, madalas lang niyang gawin ay matulog, matulog, matulog. Wala yatang isang pagkakataon na hindi ko nakitang hindi natulog yun. Kahapon lang siya nagsalita ng kaunti. Siguro bad-breath yun kaya ganun. Pinapanis pa lalo yung laway., T-teka nga, bakit parang hindi pumasok si Grey ngayon.

"I'm Tristan Ayroso.. "

"I'm Jax Ayroso"

"Tyron Ayroso..'

"Rian Ayroso.."

"Liam Ayroso.."

Ayun nagpakilala na nga ang lima. Seriously, ngayon ko lang sila nakilala, I mean yung names nila, kahit na kagabi ko pa sila nakita.

"Magkakapatid sila?" Tanong ni Mica sa akin. Hindi na kasi siya nakalipat ng upuan kanina dahil bigla ngang dumating si Sir Freas. So katabi ko siya ngayon.

"Siguro, puro Ayroso e, ." kunyeri wala akong alam.

"T-Teka, kaano-ano naman sila ni Grey?" Tanong uli ni Mica.

T-Teka may napapansin na talaag ako sa kanya.

"Malay ko. " Ayoko kasing sagutin ang mga tanong niya noh. Kasi sa totoo lang, ayokong malaman niya yon. Para kasing nakakaliit ng mundo hindi ba?

"Okey, since nagpakilala na kayo, Umupo na kayo sa back seats sa likod, may 5 pa namang extra chairs sa likod ni Cindy." Seriously?

Napatingin kami kay Maggi- magic sarap. Joke, isa sa mga kaklase kong babae na mahilig sa boys. Dahil bigla itong tumayo.

"Kaano-ano nila si Grey Ayroso Sir?"

"Kapatid din nila si grey?"

Nakita kong medyo nagulat yung magkakapatid sa tanong.

Pero cool na sinagot ni tyron ang tanong.

"No, we're not." sabi nito. Nagulat na lang kami dahil pa-vip na pumasok si Grey sa classroom. Aba, manager.

"Yes, we we're." mahinang sabi nito.

Nagsamaan ng tingin ang mga magkakapatid.

Problema nila?

Feeling ko medyo nagkakandaloko-loko na ang buhay ko. Hayys.

**





SupermansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon