[6] Shit.

5 0 0
                                    

"Ano ba problema niyo sa akin?" sabi ko sa kambal. Paano ba naman kasi sila pala yung nagtakip ng bibig ko at dinala pa kamo ako sa kwarto nila. Punyeta, wala nga kasi akong bra.

"Wag kang maingay Miss, manonood lang naman kasi tayo." sabi nung isa siya siguro yung Liam.

"Oo nga naman miss, manonood lang tayo." pag-uulit nung Ryan o Rian?

"T-Teka, hindi pwede may pasok pa ako bukas. " sabi ko sa kanila. Nakakainis. Nung tiningnan ko ang wall-clock nila 12 na ng gabi.

"Hindi rin pwede noh, sandali lang naman ito." sabi nung isa. Nakakalito a. Hindi ko malaman kung sino sa kanila. Plinay niya na yung isang video.

Napatakip na lang ako ng mata sa nakita ko.

'Yan ba yung gusto nilang panoorin? Punyemas kasi ano-- s...x yung papanoorin? Pota, wala pa akong bra.

"Gago ka Liam, may babae dito bakit yan yung plinay mo. " sabi nung Rian. Rian nga ba?

Nakakalito kasi dahil kambal nga sila.

"Sorry, sorry, teka bakit ba kasi puro yan yung sinave mo sa USB?" sabi nung Liam. Habang naghahanap ng hindi ganung video. Paano ba naman kasi lahat na lang ng nandun sa USB nila e puro ano, alam niyo na.

"Bugok ka pala e, sabi mo yung nasa folder na'yon yung i-save ko." sabi naman nung Rian.

So mag-aaway sila niyan?

"Bugok ka din ikaw yung nagsabi na i-download ko ang mga yan."

"Sinabi ko nga na i-download mo. Pero hindi ko sinabi na yan ang i-save mo sa USB."

Dahil hindi na nila ako pinapansin. Unti-unti na akong naglakad papunta sa may pintuan nung kwarto nila kaso biglang bumukas yung ilaw, at na-out of balance ako kasama yung lalaki sa may pinto kaya, ---WAAAAHHHHHHHH!

Potek, yung di na virgin yung ano ko.

SupermansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon