[3] Waah!~

6 0 0
                                    

"Sakop ng activity na ito ang grades niyo for the whole month of July. Pero syempre hindi pa rin ito yung mismong project niyo sa akin...." sabi ni Sir. Hayys.

"Okey, ang activity na ito ay matatawag na "Mutualism". Siguro naman napag-aralan niyo na ito sa science,so kahit papaano ay may idea na kayo ng kaunti sa mismong magiging activity natin for the whole month. Alam natin na ang mutualism ay kadalasang pang-two persons lang. Pero syempre para maiba naman. Ginawa kong three. So ano nga ba ang gagawin natin? .. una, kailangan niyong gumawa ng list sa mga bagay na alam niyong benefited kayong tatlo. " tssk. Dapat pala hindi ko na sinali yang Grey na yan e. Feeling ko kasi di naman siya makiki-cooperate. Feeling ko lang naman.

"Yung list ay kailangan niyong ipasa sa akin bago ang library time niyo. Ipapasa niyo ito sa inyong class president. Yun lang muna sa ngayon, class dismissed."

Umalis na din si Sir after non.

"Mica, paano na yan?" Sabi ko kay Mica.

"Madali lang yan, gisingin mo kuna yang katabi mo para mapag-usapan natin. "

Tama si Mica, kailangan ko munang gisingin si Grey. Bakit ba ang bilis niyang makatulog. Nakakainis.

"Oyy, kulay.. gising ka... " bulong ko dito. Pero ayaw pa din niyang magising.

"Kulay, gising sabi e." Sabi ko uli. Pero di pa din siya magising-gising.

Mabuti na lang at may napulot akong ballpen kanina. Hmm.

"Kapag hindi ka pa gumising lalagyan ko ng tinta yang ilong mo..." ayy grabe. Alam kong nagtutulogtulugan lang ang isang toh e. Bakit ba ayaw niyang magising. Akala ba niya hindi ko seseryosohin yon?

"Gotcha.." at yun na nga.. ginawa ko na ang dapat kong gawin. Sinundot ko ng ballpen yung ilong niya. Kaya nagising siya at tiningnan ako ng masama.

"Ayaw mo kasing gumising e. " mahina kong sabi.

"Uhm, Grey yung about sa activity uhmmm.." may sasabihin pa sana si Mica kaso bigla na siyang nagsalita.

"Ako na bahala. Tssk."

Nagkatinginan kami ni Mica.

"Owkeyy.." sabi pa naming dalawa at sabay na tumawa.

*

Uwian na namin. Nauna na sa akin si Mica. May family gatherings pa raw kasi sila kaya hindi siya makakasama sa akin ngayong magfood-trip. Kaya eto ako uuwing mag-isa.

Medyo malapit lang naman yung bahay namin sa school e. Siguro mga apat na kanto lang kaya hindi na ako namasahe. Naglakad na lang ako para mabanat naman ang mga buto ko noh.

Napatingin ako sa van na huminto sa harapan ko, kaya napahinto na rin ako.

Nagulat na lang ako ng bigl-------

AAAHHHH!

SupermansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon