[5] Yaya.

6 0 0
                                    

"Siya na ang magiging Yaya niyo simula ngayon.." nung sinabi ni Sir Sed yon sa anim niyang panganay na anak. Iba't-ibang reaksyon ang naramdaman nila. Tssk, sa totoo lang kasi kaartehan na lang yang Yaya na yan e, Imagine katatanda na ng mga anak niya, bakit kailangan na gawin pa akong Yaya. Tssk. nakakainis.

"Yaya?"

"Di naman kami nag-yayaya a. "

"Ang tanda na namin."

"What the.."

"Is this a trap?"

Nabaling lahat ng atensyon sa sinabi ni Grey. Trap?

"Ano ba ang sinasabi mo anak?" Tugon ni Sir Sed.

"I know your plan. " bigla itong napatingin sa akin. "Cindy, just quit." seryoso nitong sabi sa akin. Kung may plano mang hindi maganda ang tatay nila, siguro wala na akong magagawa, just go with the flow na lang siguro ako. Hindi ko naman kasi hahayaang makulong ang nanay ko. Hindi ako selfish na tao. Basta gagawin ko na lang kung ano yung trabaho ko, 6 months lang naman yun, mabilis lang lumipas ang araw, alam kong kakayanin ko ito.

"S-Sorry pero hindi na kasi pwede.." mahina kong sabi.

"Dad, ano ba ang nangyayari?" sabi nung isa ata sa kambal.

"Wala naman kasing problema, and Grey, on my office. Matulog ka na Cindy, hanapin mo na lang yung kwarto na may nakalagay na C sa taas. " sabi niya.

Puyemas, sa luwang ng bahay niya, saan ko naman kaya hahanapin yon?

Nagsiaalisan na ang mga magkakapatid maliban kay Grey dahil ayon nga kasi sa narinig ko, kailangan pa siyang kausapin nung Daddy niya.

Bigla itong napatingin ng seryoso sa akin, kaya iniwas ko agad ang tingin ko at naglakad na.. kahit na hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil hindi ko kabisado itong mansyon nila.

Nagulat ako kasi biglang may humawak sa balikat ko. Si Grey..

"Ano ba?" naiirita kong sabi.

"Mag-quit ka na bago pa huli ang lahat." Ano?

"Alam mo, hindi ko alam kung ano yang problema niyo ng tatay mo, pero utang na loob, tigilan mo na yang quit-quit na yan, kasi hindi ako pwedeng mag-quit dito. Kung ayaw mo akong makita mas ayaw din kitang makita, i mean kayo ng mga kapatid mo, kaya please, wag mo na akong pestehin."

Nakakainis naman na kasi, kung may problema sila nung tatay niya, wag niya akong idadamay. Trabaho lang kailangan ko dito. Wala na akong iba pang hinahangad.

"Then, it's your choice." sabay smirk sa akin. Sa totoo lang ang bipolar niya. Tssk. Napabitaw na din ito sa pagkakahawak niya sa balikat ko. Naglakad na rin ito sa office na pinuntahan ko kanina.

--

Ito na siguro yung sinasabi ni Sir Sed na magiging kwarto ko habang nagtatrabaho pa ako dito.

Hindi ito naka-lock kaya madali ako nakapasok. At Wow, nanlaki ang mata ko sa nakita. Kwarto ba talaga ng isang Yaya toh? Kasi, grabe di ko ma-imagine na magkakaroon ako ng ganitong kwarto.

Napa-upo't talon na lang ako sa kama. Grabe ang lambot.

Ang sarap matulog nito.

--

Akala ko makakatulog ako nito, pero hindi pala. Naninibago pa'rin siguro ako sa lugar.

Naisipan kong lumabas ng kwarto para umi ako uminom ng tubig sa kusina.

Teka nasaan nga ba dito yun?

Madilim na kasi ang paligid e. Wala tuloy akong makita.

Mabuti na lang may naaninag akong ilaw sa may bukas na pinto. Baka yun yung kusina kaso ..

Nagulat ako dahil may biglang nagtakip ng bibig ko.

Pota, wala na kasi akong bra!Paano yan?

Pota talaga.

SupermansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon