[2] Kulay.

5 0 0
                                    

"Alam mo ba Mica, ang weird weird ni Mama kagabi. "

Nandito kami ngayon sa classroom. Wala pa naman yung teacher e kaya pwede pa kaming magdaldalan nitong si Mica. Mabuti na nga lang at nasa harapan ko lang yung upuan niya. Kaya ayun tuloy pa rin ang chikahan.

"Bakit naman?"

"Kasi sabi niya lilipat daw ako ng bahay ng hindi siya kasama. And take note! Nilagay niya na rin sa mga box yung damit ko. Ang weird kaya, saan naman ako titira hindi ba?"

"Malay mo naman kinuha ka niya ng sarili mong apartment or what, para maging indipendent ka na talaga. " Kung sabagay,may point si Mica. Pero though? Hindi yata afford ni Mama yun. Sa pagkakaalam ko kasi natanggal siya sa trabaho last month. Kaya nga medyo naririndi utak niya nitong mga nakakaraang araw.

"Maybe, but.. ugh. Nevermind."

"Tssk. Wag mo ng isipin yan Cindy, basta isipin mo na lang na lahat ng ginagawa niya at gagawin niya ay para sa ikabubuti mo. Just live and enjoy your life Cinds." Napangiti ako bigla sa sinabi ni Mica. Kaya mahal na mahal ko yan e. Supportive na supportive. Nung first year lang kami naging magbestfriend and guess what? Parang kapatid ko na siya. Siguro mababaliw ako kung pati si Mica magiging weird na din like Mama.

Speaking of Mama, kaninang umaga nga pala. Ipinagluto niya pa ako ng mga favorite breakfast ko. Sa pagkakaalam ko wala na kaming pera talaga. Kaya nga hindi ko alam kung saan siya kumuha para don e. But anyway, I'm happy. Kahit na sabog ang pagkilos niya.

"THANK YOU MICA!"

Napalakas yata yung pagkakasabi ko no'n kaya biglang nagising yung katabi ko.

Si Grey.

Sinamaan lang ako ng tingin nito. Tssk.

Yang kulay na yan! May redflag ata kaya nagsusungit ngayon e. Naunahan pa ako.

"Kaingay mo naman kasi e. " sabi ni Mica.

"Tssk. Pabayaan mo siya. "

Natawa na lang kami pareho.

Sa totoo lang kasi abnormal yang si Grey. Mukhang tanga. Palaging tulog sa klase. Pero take note! Kapag may quiz palagi pa siyang highest. Oh see? Abnormal nga kasi yan.

Ewan ko ba madalas mainit ang ulo kapag nakikita o naiiisip ko yang si Grey. Nakakainis kasi yang ugali niya. Di ko nga alam kung bakit ko naging katabi yan!

Ilang sandali pa, dumating na din yung teacher namin sa Values. Si Sir Fajardo.

"Good Morning Class!"

"Good Morning Sir Fajardo, it's nice to see you" we said in chorus.

Pero syempre kaplastikan na lang yung " its nice to see you" . Aba. Napaka-sungit kaya niyan. Tapos may topak pa magbigay ng exams kaya kahit values ang hawak niyang subject bihira pa din ang nakakakuha ng mataas na grades. Kagaya na lang ni Grey. Kahit hindi yan nakikinig. Siya pa rank 1 dito. Magkamukha sila ni Sir Fajardo. Pareho silang abnormal.

"Para sa activity natin ngayon. I want you guys to group yourself into three. "

Biglang humarap sa akin si Mica at tiningnan ako ng "alam-na-look".

Kami ni Mica ang naging magkapartner. Syempre kami pa ba? Kaso kulang pa kami ng isa.

"Uhm, sino na yung isa pang kulang?" Sabi ni Mica. Napatingin ako sa paligid. Parang lahat may kapartner na e. Hanggang sa nakiaa ko si Grey. Malamang tulog pa din. Mukhang wala siyang ka-group.

"Hoy! Grey! Ka-Group ka na namin a. " sabi ko dito. Pero dinilat lang niya yung mata niya a tiningnan lang ako.

"Okey, silence means yes!"

"Ms. Cindy! May problema ba jan sa likod?" Napatingin kami ni Mica kay Sir Fajardo. Okey. Kaingay ko.

"Wala po Sir, " sabi ni Mica.

Napatingin sa akin si Mica at bumulong. "Seryoso ka? Kagrupo natin yan?"

"Oo nga, silence means yes nga daw kase, diba Grey?"

Syempre tiningnan lang ako nito ng masama.

SupermansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon