[Kristle's point of view]
Nakakainis.
Nakakainis talaga sobra, okay na sana eh. Kompleto na sana ang araw ko, may sumabit lang talagang hipon grrr.
Ewan ko ba? Nagawa ko naman lahat ng pagpapapansin sa kanya, mala-dyosa naman ang kagandahan ko, pero bakit sa mukhang hipon pa rin nabagsak yung crush ko na yun?
Sexy lang naman yun eh. Ako maganda. Same lang din kaming matalino, matangkad lang siya sakin ng onti? But Hell-o mas maganda talaga ako kesa sa kanya psh.
Ano bang meron yung hipon na yun na wala sakin? Bakit siya pa yung napili ni Gelo.
Napatalikod na lang ako. Ang panget kasi ng view. Human at saka shrimp naghaharutan? Anong kinaganda nun? Nakakadiri lang pwe.
"Oh ingit ka nanaman?" Napalingon ako sa babaeng dumating.
Si Kimla. Beastfriend ko, este best friend pala. Lanya, nagulat ako sa presensya niya, buti na lang di ko naisipang tumalon sa terrace, wala pa naman sasalo sakin kasi yung taong gusto kong sumalo sakin ayun, nakikipaglandian sa hipon tsk.
Masakit pa naman ma-fall lalo na kung alam mong sa semento ang landing mo.
"Ingit? Walang forever! Magbi-break din yan" sorna bitter kung bitter.
"Sows, bitter ka lang eh"
"Oo na! Ako na bitter! Wala naman talaga kasing forever" umupo ako sa upuan sabay lagok ng juice.
"Yan! Yan! Kaya ka walang nagiging boyfriend eh, napaka ampalaya mo!"
"Ikaw na may boyfriend" sows wala rin namang boyfriend, kung maka salita akala mo may jowang pinag mamalaki eh.
"Meron na nga" napamulagat ako.
"Weh? Sino?"
"HAHAHAHAHA Si JC"
"Sinong Jc?" JC de vera? JC Luke? JC na kapit bahay namin o yung JC na baliw sa kanto? Sino kaya sa mga yun?
"Di mo kilala?" Natatawang tanong niya.
"Magtatanong ba ko kung kilala ko? Sino nga?"
"Si Jesus Christ" Binatukan ko nga. Loko loko! Dinamay pa si Jesus sa kalokohan niya.
"Baliw ka din nu? Sabi nga do not misuse the name of the Lord" Ani ko pa.
"Sorry na"
"Psh" Tumayo ako para sumilip uli. Kaso as usual, andun padin yung 2 naglalandian.
"Nakakaurat naman. Panu ba mapapatigil ang kalandian ng mga yan?" Nakabusangot kong sabi.
"Edi, sabuyan mo ng tubig para mapatig-" napahinto siya sa pag sasalita ng marealise niyang naka tingin ako sa kanya "anong muka yan Kristle?"
"Nice Idea Kim! Putek, may talino ka rin palang tinatago" tinapik tapik ko yung balikat niya habang naka smile ng kakaiba.
. "Oy kristle Wag mong sasabihing gagawi-" tinakpan ko ng daliri yung bibig niya "ahuh!" Tango ko.
Pinalis niya yung kamay ko. Awts, sakit! Namula tuloy yung kamay ko.
"Aray naman psh" Sabi ko sabay alis.
"San ka pupunta?"
"Sa banyo may kukuning lang" smirk.
''Gagawin mo talaga" Nanlaki yung mata niya.
Hahabulin pa sana niya ako kaso huli na siya,nakatakbo na ko sa loob ng kwarto ko.
Hmmmpft! Walang makakapigil sakin. Aba! Si Kristle kaya to! At kung ano ang gusto ko gagawin ko.
*after a few minutes*
Lumabas ako mula sa kwarto na may dala dalang hose.
"Seryoso ka talaga?" Gulat na tanong niya. Muka ba akong nag jojoke kanina?
Nag smirk na lang ako.
"Oh hawakan mo" binigay ko sa kanya yung hose.
"Anong gagawin ko dito?" Ay tanga lang?
"Ano ba sabi ko?"
"Hawakan ko"
"Oh yun naman pala eh. Edi hawakan mo"
"Eh ayoko nga"
"Parang hahawakan lang? Panu ko mabubuksan ang gripo sa cr ko kung nakahawak ako dito?"
"Eh bakit mo pa kasi gagawin to"
"Masyado na kasing malansa, nakakasuka na" Iniwan ko sa kanya yung hose sabay dali daling binuksan yung gripo sa banyo ko.
Hah! Tignan ko lang kung di kayo mapatigil sa kalandian niyo sa gagawin ko *evil smile*
"Game na Kim?" Nakasweet smile ako. Yung tipong di ako gagawa ng kalokohan.
"Psh. Siraulo ka talaga"
"Mana lang sayo" sabi ko sabay tapat ng hose sa magjowang naghahalikan sa baba ng terrace ko. Tamang tama, masyado na silang naiinitan. Mag palamig naman sila kahit konti haha.
"SHT!" Sigaw nung babae habang nag iinarte. Akala naman bagay tsk. Umarte ayun sa ganda teh? Di ka maganda kaya wag kang mag inarte! Sungalngalin kita dyan eh.
"HAHAHAHAHAHAHA" Napatingala sila samin.
Kitang kita ko kung ganu sila maka glare sakin pero what like I always says, its a big 'I DONT EVEN CARE'
"Ow sorry hahaha! I didn't mean it. Ang init kasi eh, di ko naman alam na may nag lalandian pala hihihi sorrey" painosente kong sabi.
Hahahahaha tngn* nakakatawa talaga itsura nilang dalawa! Nang gagalaiti sa galit eh, iplus mo pang para silang basang sisiw.
"Tara na Kim" tumatawa kong yaya sa bestfriend ko. Oo na! Ako na ang pinaka mean person alive, pero bakit ba? Di rin naman tamang maghalikan sila sa kalsada ah?
"Baliw ka nga talaga" nag apir kami ni Kim.
"ARRRRRRGH! KRISTLEEEEE!" Rinig pa naming sigaw ni Angelo.
Psh, saka mo lang naman tinatawag ang pangalan ko kung kailan bwesit ka sa buhay mo *smirk*
---
[Gelo's point of view]Nagkikiss kami ng girlfriend kong si Richelle nang biglang maramdaman naming unti unti kaming nababasa.
"SHT!" Cuss ng girlfriend ko.
"HAHAHAHAHA" Sabay kaming napatingala ni Richel ng makarinig kami ng malakas na tawa.
"Ow sorry hahaha! I didn't mean it. Ang init kasi eh, di ko naman alam na may nag lalandian pala hihihi sorrey" painosente niyang sabi psh. Kakainis talaga tong babaeng to!
Kaya never ko siyang nagustuhan eh kahit napaka ganda niya pa. Bukod kasi sa napaka niya!!
Napaka papansin at Napaka epal, ubod pa ng sama ang ugali tss. Kita niyo naman diba? Paliguan ba naman kami ng girlfriend ko? Eh wala naman kaming ginagawang masama sa kanya.
"ARRRRRRGH! KRISTLEEEEE!" Anas ko na lang.
Kuuu! Pasalamat talaga ang babaeng yun dahil babae siya, dahil kung naging lalake siya malamang kanina pa nakatikim sakin ng suntok yun.
"Babe pasok na tayo baka mag kasipon pa tayo" yaya sakin ng gf ko.
"Mabuti pa nga" Inis kong sabi.
"Hayaan mo na yun babe, wala lang atang magawang mabuti yung babae na yun"
"Talaga" Sang ayon ko sabay akbay sa kanya.
Naglakad na kami papasok sa bahay. Teka? Anong oras na ba? Ihahatid ko pa nga pala tong girlfriend ko.
[TO BE CONTINUED...]

BINABASA MO ANG
Fake Lovestory
Teen Fictionwhat if your crush asks you to become his fake girlfriend? do you accept it? If yes? Why?