FAKE06 ( The Encounter)

6 0 0
                                    

[Gelo's point of view]

Calling Babe Richel.....

Arrgh pangatlong tawag ko na to sa kanya pero bakit di niya sinasagot?? Wala naman siyang ginagawang iba, nakaupo lang naman siya at parang may inaantay na kung sino.

Ayst, sino nga ba inaantay nito dito sa mall? Wag naman sanang tama yung kutob ko. Jusme, di ko talaga alam magagawa ko sa kanila kung sakali.

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area please try again later..toot....toot...toot...

Isa pa. Last na talaga to.

Calling Babe Richel....

After five minutes sinagot niya din.

''Hello babe?" Pagalit niyang sabi. Aba dapat ako ang magalit kasi diba? Kanina pa ko tawag ng tawag sa knya.

"Galit ka?" May galit na rin sa tono ko. Naiinis na kasi ako, isama mo pang, kinakabahan ako sa maaari kong makita mamaya.

"Hindi naman. Busy ako eh, may ginagawa ako"

Tinignan ko siya mula sa malayo. Wala naman siyang ginagawang iba except lang sa palinga linga na tila ba may hinahanap.

Gusto ko sanang sabihin yun kaso baka matunugan niya ko at malaman niya pang nandito ako edi sira yung plano kong pag sunod sa kanya.

Aminin ko man kasi o hindi, naapektuhan din talaga ako ng pictiures na sinend sakin ni Kristle. Kahit na kasi ano pang sabihin ko sa sarili ko, posible paring tama yung babaeng yun at baka nga tunay na nagmamalasakit lang siya sakin.

"Asan ka ba ngayon? Tutulungan kita"

"Ay naku naku! Wag na babe! Kaya ko na to! I need to go bye" She end up the phone.

Mula pa rin sa malayo, Lol. Mula sa kabilang resto (magkatapat lang kasi yung resto na pinagpwepwestuhan ko sa resto kung nasan siya) kitang kita ng dalawang mata ko ang isang lalakeng lumapit sa kanya na agad naman niyang sinalubong ng kiss.

PUT* NG IN*!! WHAT'S THE MEANING OF THIS F*CKING HAPPENING? O.O

Inis na napakuyom ko yung kamao ko. Holeycow! Parang gusto ko silang sugurin.

Parang gusto kong bubugbugin yung lalake hanggang sa di na yun maka tayo. Parang gusto kong pumatay ng manloloko. Parang gusto kong mag wala. Parang gusto kong waaaaaaah!
Wattodo? Bakit ginawa ni Chel sakin to? T*ngna ang sakit!

Galit akong napatayo mula sa kinauupuan ko. Bahala na, its now or never! Kung anoman ang mangyare sa pagitan naming tatlo ngayon, si Lord na ang nakakaalam nun.

---

[Kristle's point of view]

Buti pa yung candy sweet. Yung makahiya nakakaramdam pero siya? Ayun nagpapakatanga parin sa hipon niyang girlfriend hay.

Naglalakad ako sa mall nang may bigla akong nakita. Ow! Speaking of an Angel-ANGELO! Bakit andito siya? At bakit ang sama ng mukha niya?

Ah, kasi siguro nakita niya ko. Kuu, ays lang yun (y) sanay naman ako.

Nagpatuloy na lang ako sa pag lalakad nang makarinig ako ng nag sisigawan.

Kahiya. Sa mall pa talaga nag eskandalo. Hmmm, matignan nga?

"Hey! STOP IT!!"

"TANGN* RICHEL WALA AKONG GINAWA SAYO! DI KITA GINAG* PARA GAWIN MO SAKIN TO!" Nanglalaki yung mata ko ng makita ko sila Gelo, Richel pati ang another man nito na hawak hawak pa ang panga at  naka salampak pa  sa sahig.

Omygaaas! O.O

"Babe Let me explain"

"No need to Explain Richel! I already see it with my two us, so dont bother to explain something stupid lies" waksi nito kay hipon. Grabe parang nanunuod ako ng drama sa TV pwe.

"Sorry babe"

"Babe?" Sarcastic na sabi Gelo "babe? Pwe! Magsama kayo ng gag*ng yan" Sabi pa nito sabay turo dun sa lalake.

Galit na tumakbo si Gelo palayo, at ewan ko nga din ba kung bakit ko siya sinusundan ngayon.

Para kasing medyo naguilty ako na ewan. Siguro kasi, isa ako sa rason kung bakit siya nasasaktan ngayon.

Ako kasi yung nagsend ng mga picture ni Richel kasama ang another nito sa fb ni Gelo.

"G-gelo?" Mahinang tawag ko.

Di siya lumingon pero nagsalita siya, sabi ''What? Are you happy now? Me and Richel is now officially over like you want to happen"

Humarap siya at unti unting palapit sakin. Woooh! Intense, parang pinag sisisihan kong sumunod pa sa kanya. Sakin niya kasi ata ibabaling lahat ng galit niya kanina.

Wag naman sana.

''So are you celebrating your victory to ruin our relationship? Aren-"

Pak.

Sinampal ko nga. Aba gago to ah! Oo na, alam ko! May onting part sakin na masaya pero putapete naman! I am not too bad to be treated like this.

"Yes, i like you. I am having a big crush on you. Yes I always make papansin pero d*mn! I am not like that you thought on me! I am not the bad person who can ruins someone's life"

"At kung pwede lang? Kung kaya ko lang? Sana sa iba ko na lang ma-feel ang lecheng nararamdaman ko sayo eh para naman kahit panu maramdaman ko kung panu i-treat ng tama. I am stupid to like a man who doesn't know how to appreciate someone's heart" then I walk away. Baka kasi makita niya pa ang pag agos ng mga luha kong kanina pa gustong umalpas.

Langya, sana talaga sa iba ko na lang nararamdaman to. Dun sa taong kaya ibalik kong ganu ko siya kagusto 💔


[To be continued…]

Fake LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon