[Kristle's point of view]
"Here" May nag bigay ng panyo, pero sana pala di ko na lang tinignan kung sino. Lalo lang kasi akong maiiyak eh.
Maiiyak sa inis geez.
"Alam mo bang nakakapanget ang pag iyak?" Di ko siya pinansin, pero sadya atang pinanganak na epal tong manyak na to eh. Kasi tumabi pa talaga siya sa tabi ko psh. Close ba kami? *roll eyes*
"Take it, dont be shy" Sabi niya pa, as if namang kailangan ko yung panyo niya. Nuuuh! No asa siya.
Tumahimik lang ako habang umiiyak. Wala kasi akong ganang makipag away at lalong lalo na, ang manaray.
"Hey! What's your problem ba ha? Baka maka-" Di ko na siya pinatapos pa. Tumayo na ko sa kinauupuan namin. Kailangan ko kasi ng tahimik na lugar. Yung tipong walang annoying na nangungulet na gaya niya.
"Teka" pigil niya.
"Are we *sob* close?" Mahina pero matigas na tanong ko sa kanya habang nakatingin sa malayo. Sana naman magets niya nna ayaw ko sa kanya.
"Nope"
"Then let me go" Alam mo yung set na parang makikipagbreak si girlfriend kay boyfriend? Ganun na ganun kasi yung set namin ngayon at nakakadiri lang kung iisipin.
Ewwww. Yak!
"Ayaw" nangunot yung noo ko. "Ayaw kasi alam kong di ka okay" Dugtong niya pa kaya naman inulit ko uli yung tanong ko na inulit niya rin yung sagot niya. Nakakaloko diba? Boset.
"Kristle, I have a piece of advice for you" Nakahawak parin siya sa braso ko, and still blangko pa rin ang expression ng mukha ko.
"Wag mong sarilinin yang sakit kasi lalo yang sasakit kapag di mo ilalabas. Sige ka! Ikaw lang din ang mahihirapan"
Napatingin ako sa kanya.
"Pwede mo kong iyakan, hampasin, suntukin, sipain. Pwede mo din sakin ikwento (nagsmile siya). Gawin mo lang kung anong gusto mong gawin sakin hanggang sa mawala kahit papanu yung sakit na nararamdaman mo dahil sa kanya" Napaluha ako, then niyakap niya ko kaya bigla na lang nagburst out yung iyak ko.
"Sige lang iiyak mo lang" Ani niya habang hinahagod yung likod ko.
"Why is he be like *sob* that? Why is he *sob* always hurting my *sob* feeling? Why is *sob* he always *sob* broken me into pieces? *sob* Wala naman akong ginawa sa kanya ah? Naging *sob* crush ko lang naman siya ha-ha-ha (sarcastic laugh) crush pa nga ba to?"
Hinayaan niya lang akong umiyak ng umiyak sa dibdib niya. Basa na nga ng luha ko yung damit niya eh.
''Oo *sob* siguro may kasalanan ako sa pag hihiwala- *sob* nila pero wag naman sanang *sob* isisi sakin lahat *sob* kasi di *sob* naman ako ganun kasama" ngawa ko pa. Tae, ang sakit sakit naman kasi talaga sa puso. Para akong hinihiwa ng kutsilyo, balisong at itak, isama mo na rin yung cutter at blade tapos biglang binuhusan ng alcohol.
Awts. Ganun kahapdi at kasakit.
"Di ko namang *sob* inutusang manglalake yung btch niyang *sob* girlfriend para huhuhuhu masira yung relasyon nila" Inupo niya ko sa bench na inupuan namin kanina.
At sa haba na parang nobela yung kwento ko sa kanya at sa daming luha't sipon na rin ang nasa t-shirt niya (ewww), di ko na namalayan yung takbo ng oras. 11pm na pala.
"Kristle, hatid na kita sainyo" Insist niya pero tinatangihan ko. Sabi ko ''Di na! Tama na yung kahit papanu eh napagaan mo yung sakit na nararamdaman ko at saka I can handle myself"
"Pero masyado ng la-"
"Kaya ko na" pigil ko.
"Per-"
"Wag ka ng makulit. Kaya ko na" wala na siyang nagawa kaya tumango na lang siya.
"Okay, sabay na lang tayo kahit sa paglabas lang dito sa garden" opo, nasa garden kami. Sorry for the late info :).
Anyway, may garden malapit dito sa mall at meron ding garden sa loob mismo ng mall. Alam niyo na ba? Kung alam niyo na, edi good. Kung hindi, edi ito na! Nasabi ko na.
''Okay" tumingin ako sa kanya, sabay sabing ''salamat ha?"
''No prob. Malakas ka sakin eh" napangiti ako. Buti pa tong tao na to, na-aappreciate ako."Sira ka Alexis" Oo. Kilala ko na siya. Sa haba ba naman kasi ng conversation naming dalawa di ba?
"Slight lang hahahaha"
"Baliw"
"Sayo" tae, di ko expected yun ah? Namula tuloy ako bigla. Tu! Porket naging living hanky ko lang today, malakas na agad makadamoves sakin. Batukan ko to eh.
Hihihihi.
Pero honestly, ngayon ko lang napansin na tong si Alexis pala ay gwapo. Seryoso. Di ako nag bibiro. Alam mo ba yung tipo niya eh yung lalakeng iniiyakan at hinahabol ng mga babae. Di ko lang siguro napansin nun kasi naiinis ako sa kanya. Idagdag mo pang bising busy ang buong atensyon ko kay Gelo.
At isa pa nga pala! Hindi siya yung tipo ng lalakeng manyak! Actually, he was gentleman and kapag kasama mo siya feeling mo secure na secure ka.Oy Alexis! Kung mabasa mo man to, wag na wag lalapad tenga mo. Sinasabi ko lang to kasi....
Sinamahan mo ko sa pag da-drama ko ^^.
''Sure ka talagang di na kitang kailangang ihatid?" Tanong niya habang sinasamahan akong mag abang ng jeep.
"Oo nga. Kulit!" Natawa ako pero, alam kong di abot sa mata yung saya.
"Sure ka talaga ha?"
"Oo nga!"
"Okay ganito na lang..." nilabas niya yung fone niya mula sa bulsa "Give me your number so that I may monitor you time to time until you get home safety"
Wala na kong nagawa. Sobrang kulit niya kasi, kaya naman pinagbigyan ko na lang. Baka umiyak eh Loljk!
''0905...." Dinectate ko isa isa yung number ko hanggang sa makompleto niya at isave.
''Thanks"
"Welcome" Sabi ko sabay para sa jeep na ang rota ang pasamin.
"Ngapala, ayoko ng makulit. Kung tatawag o di kaya magti-text ka kailangan importante! At kapag nakulitan ako sayo! Iba-block kita" Warning ko pa sa kanya bago tuluyang umakyat sa jeep.
Natatawang tumango na lang siya at nag wave ''Bye!" Huling sabi niya. At habang papalayo ng papalayo yung jeep na sinasakyan ko. Unti-unti din siyang lumiliit ng lumiliit hanggang sa mawala na siya ng tuluyan sa paningin ko.
''Thank you" Mahinang usal ko.
Thank you kasi siguro kung wala siya, baka maisipan ko ng magpakamatay joke! Siguro, kung wala siya, wala akong mahihingahan ng lahat ng sama ng loob ko.
Ang natutunan ko today! Don't judge others according on what you have seen in them. Kasi you will never know that maybe, the person you were judging before is the person who will be there when no one can stand up before you, like what Alexis did for me awhile ago :).
[To be continued…]
BINABASA MO ANG
Fake Lovestory
Teen Fictionwhat if your crush asks you to become his fake girlfriend? do you accept it? If yes? Why?