FAKE10 (Blessings in disguise)

16 0 0
                                    

[Kristle's point of view]

Chance? Sino kaya yung taong yun na kinikwento nila mama na naghatid sakin kagabi? Taga samin lang daw eh. Bagong lipat lang kaya yun? Pero bakit para namang wala akong nababalitaang may bagong lipat sa village namin. Hmm, kanina pa ko ginugulo ng Chance na yun ah! Totoo kayang nag i-exist yun?

Sa pagkakatanda ko kasi, gantu yung nangyare sakin habang pauwi....

[Flashback]

Naglalakad ako malapit sa street namin nang biglang namatay yung ilaw sa poste, sinabayan pa ng malakas na ihip ng hangin.

Tae, nakakakilabot. Feeling ko biglang nagsitayuan yung lahat ng buhok ko sa katawan. Feeling ko any moment lang may lalabas na nakakatakot na creature mula sa likod ng malaking narra tapos bigla akong harangin at kainin.

Ihhhhh.

Juskolored! Malaman laman pa naman ako, tiyak! Tiba-tiba yung kakain sakin.

Nilabas ko yung phone ko para magsoundtrip sana para maibsan yung takot na nararamdaman ko kaso putapete, useless ang wala. Lowbat.

Nagtuloy tuloy na lang ako sa paglalakad habang nagpi-pray at nilalabanan ang takot nang maka-rinig ako ng yabag mula sa di kalayuan sakin. Pucha! Ano yun? Sana pala di na ko nag inarte kay Alexis. Sana pala nagpahatid na lang ako sa kanya ayst.

Meow.

Gulat akong napalingon sa pusang dumaan. Dubdub dubdub, sigaw ng puso ko. Waaah! Gusto ko umiyak.

Patakbo na sana ako nang makakita ako ng isang bulto ng tao na papalapit. Luh! Sino ba namang tao ang maglalakad ng gantung oras ng gabi? Diba wala? Waaaah! Baka... baka...

Baka ghoul yun at ako ang kanyang biktima? Ayst. Tangn* yan! Yan! Kakanuod ko ng tokyo ghoul kung ano-anu na yung naiisip ko, buti sana kung si Kaneki Ken ang makasalubong ko LOLOLOLOL! haiszxt. Ewan ko sayo Kristle.

Pumikit ako sandali, baka sakaling namamalikmata lang ako. Baka kasi napaparanoid lang ako diba? Kaso hindi eh. Parang tao talaga eh.

Tao nga ba o aswang? Waaaah di ko na napigilang mapasigaw ''AHHHHHHHHHHHHHH"

And the next thing happen was all black out.

[End of flashback]

Ah!! Baka yung Chance na sinasabi nila mama eh yung nakasalubong ko kagabi na akala ko masamang tao. Hihihi (kamot ulo) nakakahiya naman! Gwapo pa man din daw yun sabi ni Manang Elyang sakin kanina.

''Hoy BTCH!" Di ako lumingon. Bakit ako lilingon? Btch ba pangalan ko?

Tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad hanggang sa may  naramdaman akong may humablot ng malakas sa kanang braso ko. Paglingon ko, si pusit pala kasama ang mga alipores niyang mga mukhang paa psh.

"What?" Taas kilay kong tanong. Honestly, wala talaga ako sa mood magtaray ngayon. Ewan ko ba? Kapag nakikita ko tong hipon/pusit (hybrid eh) na to, gumagana pagiging maldita ko.

"Kamusta? Masaya kana ba dahil nasira mo na kami ni Gelo?" Pinaikutan nila akong lima habang yung mga tao naman sa paligid namin eh nag bubulungan. Tila ba parang may isang away na sisidhi mula sa pagitan ko at nila Richel.

Fake LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon